Prologue

7.3K 186 43
                                    

Love. What is love?

For us, maraming pwedeng maging meaning ang love. Maraming branches ang love. Simple lang naman ang love pero minsan nagiging sobrang complicated to the point na hindi na natin alam kung anong gagawin.

Love is everywhere. Ang dami daming tao sa mundo at marami kang pwedeng mahalin. Pero bakit nga ba sa dinami-dami ng population nating mga human beings, ang hirap hanapin ni The One.

Ano nga bang pwedeng maging ibig sabihin ni Love?

Love is a Sacrifice. Sa pag ibig, hindi pwedeng ikaw lang ang nasusunod, hindi pwedeng ikaw lagi ang pinapaburan dahil minsan kailangan nating matutong magparaya. Magparaya para sa mga taong mahal natin lalo na kung dun sila sasaya.

Love is Blind. Karamihan sa atin.. panlabas na anyo ang pinagbabasehan. Kapag maganda sya, love na agad. Kapag gwapo, love na agad. Kapag maganda ang katawan, love na agad! No! Naiinlove tayo sa paguugali ng isang tao. Sabihin na nga nating naatract tayo sa panlabas na anyo nila pero naiinlove tayo kapag nalaman na natin kung gaano pala sila kabuti at kung ano ang ugali nila.

Loving can hurt! Lahat tayo nasaktan, nasasaktan at masasaktan. Parte ng Love ang pain. Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan. Sa Love kasi hindi maiiwasan na mainlove tayo sa isang taong hindi para sa atin kaya in the end, masasaktan tayo.

Lahat ng tao nagmamahal. Lahat ng tao nasasaktan, hindi lang ikaw! Kaya kapag nasasaktan ka ng dahil sa pagmamahal wag mong parusahan ang sarili mo. Hindi dahil sa wala na kayo ng Boyfriend or Girlfriend mo ay katapusan na ng mundo!

Bago ka magmahal ng isang tao.. dapat kaya mong mahalin ang sarili mo. Bago mo respetuhin ang taong mahal mo... dapat kaya mong respetuhin ang sarili mo. Wag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa isang taong special sayo, magtira ka ng konting pagmamahal para sa sarili mo.

Love is Unexpected. Bigla bigla nalang dadating ang love. Hindi mo inaasahan, hindi mo ineexpect. Minsan nga, hindi mo aakalain na sa isang particular person ka pa maiinlove. Minsan hindi mo namamalayan na nahuhulog ka na pala sa isang taong hindi mo inakalang mamahalin mo ng todo.

Falling in love is great experiece but it can also be a nightmare.

Paano kung hindi ka nya saluhin? Paano kung hindi ka pala nya gusto?

Ang hirap no? Kung sino yung taong gusto mo, yun pa yung taong hindi magiging sayo. Sabi nga nung iba, nagpapakatanga lang daw yung mga taong naghihintay na mahalin sila kasi daw marami naman daw iba dyan.

Maraming ngang ibang taong pwedeng mahalin, marami ngang pwedeng ipalit pero sya ang gusto ko, sya ang mahal ko at wala kang magagawa dun. Tama naman diba?

"Im Falling For you"

Hirap sabihin nyan. Mahirap kasing mareject. Sa pag ibig kasi, hindi pwedeng padalos dalos ka lang. When it comes to love, you need to have patience because Love will come on the right time. You just have to wait.

Nakakapagod maghintay pero malay mo, worth it naman pala.

Ano nga bang dapat nating gawin kapag nahuhulog na ang loob natin sa isang tao?

What should we do when we fall in love with someone?

~~~~~~~~~~~~~

Falling For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon