CHAPTER 2 -- Moody

83 0 0
                                        


     Kinagabihan, bandang alas 6, katatapos lang ni Ellaize na mag- ayos. Isang royal blue  off shoulder at three fourth ang manggas na  dress ang suot nito na hapit na hapit sa kanyang katawan, at pinarisan ng 2 inches gray pointed shoes, as in mapa wow ka sa kaniya dahil binagayan pa niya ng plum matte lipstick ang kaniyang pouty lips at naglagay rin siya ng konting blush on.
     Nagmukhang model tuloy siya. Gusto nya sanang simple lang ang isuot, kaso ang pinsan niyang daldalera, ipinipilit na ito raw ang isusuot niya dahil siya raw ang special guest. Kaya ayon, naunang pumunta sa party dahil may aasikasuhin pa daw. Talaga namang maliwanag pa sa sikat ng araw na ibinubugaw siya ng pinsan niyang si Joyce. Duh!
    
      Paglabas niya ng kwarto, nagulat ang kaniyang lola granny at si aling Mimi, hindi lang sa nagagandahan sila sa kaniya, kundi dahil sa suot nitong maskara na itim na may peacock feather sa gilid nito na ilong at labi lang niya ang makikita
   

"Susmaryosep! apo ba't sinuutan mo pa ng ganyan!", gulat na sabi ng matanda.
    

"Lola gran ito po yung uso ngayon sa mga party! Ano ka ba? Ang cute kaya?"
    

"Tanggalin mo yan apo, simpleng party lang naman ang pupuntahan mo at diyan lang sa kabilang bahay. Hindi naman yata JS prom ang pupuntahan mo apo" direstsahang sabi nito kay Ellaize.
    

"Lola gran tatanggalin ko naman to mamaya eh", pagmamaktol nitong sabi pero ang totoo isusuot talaga niya ito hanggang matapos ang party. Gusto niya kasing magtago baka mamaya raw may magkakagusto sa kaniya na " Babaero".

Ay!bongga talaga ang lola Ellaize niyo, na trauma talaga siya sa mga babaero.
 

  Pagkatapos magpaalam sa kaniyang lola granny bumaba na ito ng bahay, mga 5 steps lang naman ang stairs nila. Habang palabas siya ng gate parang hindi niya mawari ang kabang nararamdaman niya.

     Ang hindi alam ni Ellaize, kanina pa naiinis ang pinsan niyang si Joyce dahil ito na lang kasi ang hinihintay sa party, nakakahiya naman daw sa kaibigan niyang si Louie na paghihintayin pa ito. Nakikita kasi niya sa mga bisita ni Arthy parang takam na takam na sa mga pagkaing nakahain sa lamesa, yung iba naman naiinip na, may iba pa ngang nag hihikab na. So si ate Ellaize  niya pala ang hinihintay na lang. Ay anu ba yan Ellaize, kanina ka pa pala hinihintay nang lahat!
     Pinuntahan ni Joyce ang kaibigan niyang si Arthy sa kaumpukang mga kalalakihan.
    

"E-excuse me po kuya Arthy, puntahan ko muna si ate Ellaize", nahihiyang sabi nito. "Sorry po kuya kung na delay  lang ang ate Ellaize", dugtong nito.
    

"Ok lang Joyce,hindi pa naman nag call si pinsan Louie. Nasa kwarto pa naman siya nagpapahinga lang ng konti." nakangiting sabi ni Arthy kay Joyce.
      Dali-dali namang umalis si Joyce, naka dress din ito na kulay beige, at humahangos ito sa paghakbang dahil may pagka chubby ito. Akma na sana siyang lalabas nang gate, napatda ang paningin niya sa mayabong na bougainvillea, nakita niya si ate Ellaize niya na nakayuko doon, tila nagtatago ito at palinga-linga!
    

"Ate!", gulat nitong sabi. Instead na si Ellaize ang magulat, siya ito ang nagulat dahil sa suot nitong maskara nga!
    

"Ate Ellaize!remove your maskara! Oh my! This is not a masquerade party!" gulat na gulat pang sabi ni Joyce sa kaniya.  "At saka kanina pa naiinip ang mga bisita ni kuya Louie, nandito ka lang pala nagtatago?! Gosh! Ano bang nangyayari sayo ate?"
    

"Shhh! wag mo na ngang kontrahin ang maskara ko, atleast hindi ako mahihiya no!" pagsusuplada nito. Ang totoo,  kanina pa siya nagtatago don,  hinahanap kasi niya ang phil-am, nilamok na nga siya kanina pa. Hinihintay kasi niya na kung lalabas na ito at saka siya lalabas na rin.

Habang naglalakad na si Elllaize  patungong garden dahil doon naka set up ang party, ginandahan niya talaga ang paglalakad akala mo'y naglalakad siya sa red carpet, habang nakasunod si Joyce sa likuran niya na parang hindi malaman kung ngingiti ito o napapangiwi. Kasi naman ang lahat na bisita naka head turner sa kanila ang iba nama'y nag bubulungan,  maganda na sana ang mga pangyayari!

Pano ba naman itong si Ellaize simpleng party, ginawa niyang masquerade party. Hahaha!
   

Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad habang todo ang ngiti nito, at saka naman natapilok siya! Litson na kamatis oo! Naapakan niya pala ang nakausling bato, hindi niya ata nakita yun ah! Pano kasi ng dahil sa peacock-feather mo na maskara!
   

  "Oh no! mabuti na lang nakasuot ako ng maskara...nakakahiya pinsan!" reklamo nito sa pinsan niya na nakasunod ito habang naka alalay sa kaniya habang naka ngiti ng plastic.
    

"Yan kasi ate, kung tinanggal mo na lang kaya ang suot- suot mong pang masquerade eh!", todo ngiting plastic pa rin si Joyce dahil grabe talaga ang kaninang naka head-turner na mga bisita nakatayo na at naki usyuso na sa kanila.
     Nalingunan ni Ellaize ang pinsan niyang pulang-pula ang pisngi parang hiyang-hiya ito sa nangyari.
     "Aba't ikinahihiya yata ako nito ah"
    

      Biglang may nagsalita sa microphone... at nabaling ang tuon ng mga bisita sa nagsasalita. Isang baritonong boses na parang nauutal magsalita ng tagalog.
     Nagsi palakpakan ang mga bisita at nakita niya sa harapan ang mga babaeng kinikilig na parang naiihi. Nahaharangan kasi ang paningin niya ng mga taong nasa unahan nila ni Joyce kaya hindi niya makita ang mukha ng nagsasalita.

     Ilang segundong palakpakan, at nagsibalikan na ang mga bisita sa kani-kanilang mga upuan. Kinalabit siya nito ni Joyce pero hindi niya ito pinansin, nakatuon na kasi siya sa lalaking nagsasalita kanina na papalapit ito sa kaniya. Naka t-shirt na V-neck at naka skinny jeans for men ang suot nito at naka white rubber shoes. Hunk na hunk ang dating.Tantiya ni Ellaize nasa 5'11" inches ang height nito. Nakapamulsa ito habang papalapit sa kanila at matamang nakatingin sa kaniyang mga mata.

Pakiramdam niya, matatanggal ang suot niyang maskara sa sobrang lagkit ng tingin nito sa kaniya. Mabuti na lang dim light ang mga ilaw na naka sindi, hindi siya mahalata na pinagmamasdan rin niya ang lalaki.! Ofcourse! Ellaize! naka maskara ka kaya?! kaya siguro ganyan makatingin sayo ang lalaking yan!
    

"Hi!", nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Joyce at sa  kaniya na maraming question mark na naka drawing sa mukha nito.
 

   "Oh! hi kuya Louie!", habang pumagitna ito sa kanilang dalawa. "She is my ate Ellaize! yeah! yeah! she is!" sabay siko nito sa kaniyang ate. Pati si Joyce napautal na rin sa napaka gwapong si Louie!
     "Hi!ulit binibining Ellaize", habang naghihintay ang kamay nitong makipag shakehands sa babae.
    

Parang napipi yata ang bida natin dito ah?
    

Taas noo at tagilid na ngiti ang tinapon nito sa lalaki, ayaw niya sanang makipag shakehands, kaya lang biglang hinila ni Joyce ang kamay niya papunta kay Louie.
Sa sobrang kilig ng pinsan niya, napa impit sa tawa ito.
     Bigla namang binawi niya ang kamay nito kay Louie, bigla kasing bank am if ang kamay niya na parang ewan!

"Grrr! hindi maari ito! babaero siya! mga ganyan-ganyan ang mukha ng babaero eh!", sigaw ng kanyang isipan!
      Sabihin mo na kasi Ellaize na gwapong gwapo ka sa kaniya!
    

Ayan na! umandar na ang attitude!
Kaya si Joyce na lang ang kumausap dito kay Louie bago pa ang attitude ni Ellaize!

"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon