Ellaize
Mabuti na lang nasalo ng lalaki ang hawak-hawak niyang wineglass na may laman pa ito. Binawi niya agad sa lalaki ang wineglass at bigla niya itong nilagok ang laman!
Naparami yata siyang na inom, pero kaya pa naman niya ang kaniyang sarili. Maihatid pa naman siya ng kaniyang mga paa sa ikalawang palapag ng resort na iyun.
Hihilahin na sana niya ang kaniyang apple green na maleta kaya lang para yatang mas kaya siya hilahin ng kaniyang maleta!
Muntikan na naman siyang matumba! Inalok sila ng isa sa mga staff na tulungan siyang ihatid sa kaniyang room sa itaas.
Para siyang pinag hehele ng akma siyang lalakad pero inalalayan siya ni Louie. Pakiramdam niya ang bigat ng mga talukap niya, first time niyang naparami siyang na inom. Dahil birthday niya raw kaya may karapatan siyang sumaya naman.
Hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari dahil parang gusto niyang matulog ng mahimbing na mahimbing.Louie
Ihahatid na sana niya si Ellaize sa room nito ng biglang natulog ang babae sa sobrang lasing. Mahigpit ang pagkahawak nito sa babae para hindi niya mabitawan ito.
Sinabihan na lang niya ang staff na tumulong sa kaniya na dun na lang ito sa bahay niya dadalhin ang babae.
"Oo nga naman sir para maalagaan mo ang girlfriend mo" agree pa nito na inakalang girlfriend niya si Ellaize!
Napatango lang siya sa sinabi ng staff.
At mabuti na lang naiwan ng babae ang brown envelope kanina sa mesa niya. Nandun ang susi ng sasakyan nito. At automatic naman kaya hindi siya mahirapang gamitin ang sasakyan ng babae.
Pinasakay niya ang babae sa backseat at pinasandal sa maleta nito, at bumaling naman siya sa driver seat. Pinaandar niya ang sasakyan ng babae at lumabas na ng resort. Ilang minuto lang nandiyan na siya sa bahay niya at dali-daling binuksan niya ang gate at pinaandar ulit ang sasakyan para makapasok na siya sa kaniyang garage.
Muli siyang bumaba at isinarado naman ang gate niya.
Pagkuwa'y may pinindot ito sa pintuan. May pass code kasi ang pintuan na binili sa kaniya ng mom niya.
Pagkuwa'y binuhat niya ang babae papasok ng bahay niya. Malaya niyang tinitigan ang magandang mukha ng Ellaize.
Dinala niya ang babae sa guest room sa itaas. Hindi niya inalintana ang pagod para lang maihiga niya ng maayos ang dalaga.
Ingat na ingat siyang naihiga niya sa bed ang babae, pinagpawisan pa siya ng biglang gumalaw galaw ang babae.Napalunok siya ng kaniyang saliva ng napatihaya at nakadipa pa ang mga kamay ng babae.
Hindi niya alam kung pano niya bibihisan ang babae! "Bahala na, siguro tanggalin ko na lang ang blazer niya"
Mabuti na lang in good hands ka Ellaize!
Kumuha siya ng cold na bimpo at pinunasan ang mukha ng babae para matanggal ang pagkalasing nito.
Habang tinatanggal niya ang blazer ng babae para siyang mas pinagpawisan sa oras na yun. Para namang gusto niyang mahalikan ulit ang babae.
Lumabas muna siya ng room para mabawasan ang naramdaman niyang iyun. Kailangan mapigilan niya ang sarili niya! Baka kung anu naman ang isipin ng dalaga sa kaniya pagkagising nito. Mas mahalaga kasi ang respeto niya sa babae.
Hinayaan niya na lang ang babae sa ganung posisyon sa pagtulog.
Bago siya lumabas, ini-on niya muna ang aircon sa moderate lang na lamig.
Bahala na kung anu man ang reaction ng babae bukas pag nalaman nito na dinala ito sa bahay niya!
Mga tatlong oras na siyang nakahiga sa kaniyang kama pero tila yatang ayaw siyang bisitahin ng antok! Nasa kabilang kwarto kasi ang buo niyang pag-iisip!kay Ellaize!
Hindi siya nakatiis, pinuntahan niya ang babae! It's 2 ocklock in the dawn!
Pagpasok niya, laking gulat niya! hindi niya kasi kanina ini-off ang adjustable lampshade para may dim light sa kwarto.
Nakita niyang nakahandusay ang babae sa sahig at naka taob pa ang position nito at ang ang wavy hair niya na hindi naman masyadong mahaba parang naka pulupot sa leeg ng babae at may dugo na naka spread sa sahig!
Mabilis niyang ini-on ang ilaw at pinuntahan agad ang babae!
Bigla tuloy siyang kinabahan, nandito pa naman sa kaniyang custody si Ellaize!
Nang lumapit na siya, pinulsuhan niya ang babae at dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na nakapulupot sa leeg nito.
At may naamoy siyang medyo maasim na kung ano!
'Omg! Nagsuka pala ang babae! Napaka nerbiyoso naman ni Louie Stunt!
Ang akala niyang blood? Ew! kadiri ka Ellaize girl! Ba't ka nagsuka? Lasinggera!'
"Grabe pinakabahan yata ako nito ah? Mapipilitan ko siyang gisingin para malinis niya ang self niya! Baka anu pa ang sabihin nito pag ako ang naghubad ng damit niya!"
"Hey, miss dela Torre?" dahan-dahan niyang ginising ang babae. "miss dela Torre?", medyo tinapik niya ng konti ang balikat nito pero wala talagang response!
May biglang pumasok na idea siyang gawin sa babae!"Miss dela Torre? kung ayaw mo talagang magising!" medyo nilakasan niya ng konti ang boses niya baka man lang marinig siya ng babae! "I will kiss your lips again! Sige ka!" may idugtong pa sana siyang words ng biglang nahimasmasan ang babae! "effective ha?" sabi nito sa kaniyang mind at ngumiti siya ng pinaka matamis sa babae!
Nataranta ang babae pagkarinig nito sa kaniya! Parang hindi nito alam ang gagawin nito. Parang gusto niyang pagtawanan ang babae sa mga kilos nito.
"M-may cr ba dito?", naitanong ng dalaga sa kaniya!
"Yes, nandito lang" turo nito habang nakasandal siya sa wall ng bathroom at pinapanood niya ang babae.
Tiningnan siya ng matalim ng babae at nakapa meywang ang isang kamay at ang isa nitong kamay itinuro ang door na ibig sabihin lumabas siya!
Gusto sana niyang tulungan si Ellaize pero bakit parang nag iba ang timpla nito? Nagsungit naman ito sa kaniya!
Wala siyang nagawa kundi lumabas na lang siya.
"Panu ba naman kasi ang dami namang paraan para magising ang babae e halikan mo pa ang naisip mong paraan!" sabi niya sa kaniyang sarili.
Naghintay siya sa labas ng guestroom nila dahil narinig niyang ni lock ng dalaga ang pintuan. Ayaw talaga siyang papasukin ng babae! "Natakot siguro na mahalikan?" napangiti siya pag naalala niya si Ellaize.
Ilang sandali pa bumukas ang pintuan ng guestroom. Nakita niyang nakabihis na ang babae. Naka white na sleeveless dress ang babae. Naligo siguro dahil basa na ang kaniyang wavy hair. Nakailang lunok siya ng kaniyang saliva glands, pagka kita niya sa babae!
Napapahanga talaga siya sa babae dahil kahit anung damit na maisuot nito ay bagay na bagay ito sa kaniya.
"Ba't nandito ka? Nasan ba ang mga staff dito?"sungit nito sa kaniya na palinga-linga na parang may hinahanap.
"Oo nga pala woman, lasing na lasing ka kaya kagabi", pinagsabayan na lang niya ang babae sa kasungitan nito. "Ang sarap kasi niyang inisin eh" sa sa utak nito.
"Nandito ka sa bahay ko, dinala kita rito dahil ang bigat mo kaya para iakyat ka namin ng mga staff ng El Pescado, at nakahiga ka na sa buhanginan, hindi naman kita pweding hayaan na lang kita dun!", dinagdagan niya ng konti ang kuwento sa babae kaya yun ang dahilan na namula ang pisngi nito.
"Ang cute niya talagang tingnan, paniwalang-paniwala talaga siya sa kuwento ko" habang pinagmamasdan niya ang natarantang si Ellaize!Ellaize
"What? nasa bahay ako ng lalaking ito? Nagsungit pa naman ako sa kaniya! Ew! nakakahiya 'tas nagsuka pa ako rito sa guest room nila."
Narinig kasi niya na hahalikan daw siya ng lalaki kaya yun ang dahilan kung bakit siya nagising! Kaya pina labas pa niya ang lalaki at ni lock pa niya ang pinto dahil akala talaga niya nasa El Pescado pa rin siya. at nakakahiya dahil binuhat siya ng lalaki na hindi talaga niya maalala ang sumunod, basta ang naalala niya na inalalayan siya ni Louie na lumakad kaya lang na katulog siya dahil naparami silang nainom ni Nathie! Yun lang ang naalala niya!
Nataranta pa siya kanina dahil ang lalaki ang nakita niya pagkagising niya. "Oh no! teka? baka pinag samantalahan niya ako?" Ang dumi naman ng iniisip mo Ellaize!" komento nito sa kaniyang sarili.
Pinakiramdaman rin niya ang katawan niya kung may something na nangyari at sa private niya! "Wala naman akong naramdaman na masakit or anu?"
Assuming ka talaga girl, good Samaritan na nga ang lalaki pagkatapos pag-isipan mo pa siya ng masama?
Kaya pala lumabas siya dahil hihingi siya ng tulong para malinis niya ang floor na pinag susukahan niya. Parang siya rin ay nandiri sa sarili niyang pinag gagawa!
Mabilis siyang tumalikod sa lalaki na naiwan pa niyang bukas ang pintuan.
"Nakakahiya kasi kung si Louie pa ang mag lilinis nito"
Madali niyang nilinis ang sahig ng dala niyang tissue. At pinag spray ng alcohol at nag spray rin siya ng pabango.
Naramdaman niyang minamasdan siya ng lalaki kaya napalingon siya dito na parang humingi pa ng permission na makapasok sa guest room ang lalaki.
"Sayo naman to diba?" baling niya sa lalaki na nakangiti sa kaniya! "Sorry nga pala, naabala ka pa sa akin." kunway kinuha ang maleta na nasa side ng bed.
"No problem, o saan ka pupunta", nakita siguro ng lalaki na hihilahin niya ang kaniyang maleta.
"Babalik na ako ng El Pescado, nakakahiya naman sayo, feeling ko nga hindi ka pa nakatulog ng 1hour?" Biniro niya ang lalaki dahil na notice niya na parang antok na antok na ito.
Napangiti ang lalaki, para siyang ice cube na ibibilad sa ilalim ng araw kapag nakangiti ang lalaki sa kaniya! in short malulusaw!
Sinaway niya ang kaniyang sarili na wag na wag maniniwala sa mga ganiyang ngiti!
Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla siyang pinigilan ng lalaki! Isinarado ng lalaki ang pintuan para hindi siya makalabas!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomansShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...