Louie Montesalvo StuntIlang beses na niyang nahalikan si Ellaize!
"Ang sakit ng ilong at noo ko kanina ng napasubsob ako sa sahig ng tinulak niya ako dahil nadaganan ko raw siya!
Nag-alala kanina ang babae sa kaniya!
"Mas lalong lumalala ang naramdaman ko para sa kaniya pag kasama ko siya palagi.
Baka next time hindi ko na mapigilan ang sarili ko!" Naihampas na lang niya ang noo nito.
Sinungitan naman siya ng babae! Dinaanan lang siya nito na hindi man lang nagpaalam ang babae.
"Ang sexy naman ng wify to be ko" napahanga naman siya sa babae dahil nakasuot ito ng mustard yellow na two piece. Kahit nagsuot si Ellaize ng robe na manipis, maaninag niya na maganda ang katawan nito.
Naalala niya kanina ang sinabi ni Bert, ang staff ng El Pescado.
May naghahanap raw kay Ellaize na lalaki?
Bigla siyang kinabahan sa isipang iyun?
Sino kaya ang naghahanap sa babae?
"Ayon kay Joyce walang boyfriend ang ate niya kaya nga nagiging "MAN-HATER" raw ang babae o baka "BITTER"? I'm just kidding my love" habang kinakausap niya ang wall paper niya na si Ellaize!
"Napagkamalan pa nga niya ako na babaero! That's not true my love! Papatunayan ko sayo yan!" sabay halik sa kaniyang phone!
'True na ba talaga yan Louie Stunt??'Hinanap niya si Ellaize, hindi niya makita ang babae dahil dim light ang gamit ng resort na nagsisilbing ilaw sa tabing-dagat.
Wala siyang nakita na may naliligo, dahil madilim ang langit at parang umaambon na.
Kinabahan siya ng maalala na naman niya na may lalaki raw na humahanap kay Ellaize!
Mabilis niyang pinuntahan si Bert, hihingi siya ng tulong dito.
Hindi nagtagal bumuhos na ang malakas na ulan! Basang-basa na siya bago niya nakita si Bert!
"S-sir Louie?" gulat ang lalaki sa kaniya.
"Bert! Pwedi mo ba akong matulungan? Kanina ko pa kasi hinahanap si Ellaize!" gininaw siyang bigla.
"Ay sir, naalala mo kanina yung sinabi ko na may naghahanap kay Miss Ellaize? Magkasama sila ngayon sir, nandun sila sa bar ng resort."
Pagkarinig niya sa sinabi ni Bert para siyang binuhusan ng malamig na tubig aside sa basang-basa na siya ng ulan!
Hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit siya kung sino mang kausap na yan ni Ellaize!
Nag-alala siya dahil naiwan ng babae ang phone nito sa room.
Habang papalapit siya ng bar, naramdaman niyang umiinit ang tainga niya.
Pinapasok siya ng guard sa loob. Nag palinga-linga muna siya.
Nakita niya sa sulok ang babae nakatayo at may kausap itong lalaki.
Ngayon lang niya nakita ito.
"Diba ayaw niya ng babaero? Mas babaero pa yata ito compare sa akin! Kung makatingin sa wify ko ang mokong na yan!"
But he calm, at lumapit siya sa dalawa!
Napansin agad siya ng babae na parang gulat na gulat ito sa kaniya!
"Love? nandito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap" kunwari niya pero totoo talagang hinanap niya ang babae!
Hinalikan niya ang babae sa pisngi nito na hindi man lang ito umiwas at naamoy niyang nakainom ang babae.
Pero hindi ngumiti ang babae, at ang lalaki parang na insult sa kaniya.
Bigla niyang naikuyom ang right hand niya. Parang naghahanda sa kung anong mangyari rito.
"Love, naghihintay na pala ang dinner natin" suyo niya sa babae habang hinawakan niya ang kamay nito.
Napansin niya sa lalaking kausap ni Ellaize na nagpigil rin ito.
"See you around Llaize" nagsalita rin ang lalaki at tumango rin ito sa kaniya!
"Sige, Blake! I'll go ahead" hindi man lang siya ipinakilala na... hindi niya naituloy dahil ano naman siya kay Ellaize?
Paglabas na paglabas nila ng bar? nagpupumiglas ang babae sa pag hawak niya sa kamay nito. Napahigpit pala ang pag hawak niya sa kamay ng babae!
"Bitawan mo nga ako" galit ang babae sa kaniya.
Mabilis na lumakad ang babae habang siya'y nakasunod dito.
Papunta ang babae sa room nito. Hindi man lang ito lumingon sa kaniya!
Nasa harapan na siya ng room ng babae, giniginaw na talaga siya!
Pagpihit niya ng doorknob, naka lock ito!
Kinatok niya ang babae pero hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.
Naghintay pa siya ng ilang minuto baka magbago rin ang babae.
Pero wala talaga! Wala talagang balak ang babae na papasukin siya!
Giniginaw man ay pilit niyang umuwi na lang. Paglabas niya ng El Pescado, malakas pa rin ang buhos ng ulan. May kasama pa itong kulog at kidlat.
Patakbo siyang sumulong ng ulan papuntang bahay niya!
Nanginginig pa ang kamay niya, na parang wala ng lakas na i- press ang button ng gate.
Pumasok na siya ng bahay at mabilis na namanlaw at nag timpla ng mainit na tsaa.
Umakyat siya sa itaas at pumasok ng kwarto nito at madaling nahiga. Tumalukbong pa ito ng kumot. Pakiramdam niya lalagnatin siya.
Uminom na lang siya ng tsaa, nasa baba pa kasi ang medicine cabinet niya!
Nag-iisa pa naman siya dito.
Nakalimutan pa niya ang phone niya sa baba, dahil nanginginig na kasi ang tuhod niya sa sobrang lamig.
Sa ganung situation nakatulog na lang siya.
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...