CHAPTER 7 -- Silly

54 1 0
                                    

Louie Montesalvo Stunt

     Bumalik siya ng kwarto niya after ng breakfast. Gusto niyang mapag-isa kaya na isipan niyang tumambay dun sa terrace ng kwarto. Tiningnan niya muna sa kabila baka nandun ang babae at baka mapagkamalan na naman siya na maniac?
May rocking chair dun na nakaharap sa malawak na rice field.Naipikit niya ang kaniyang mata, at biglang nag register sa kaniya ang mukha ni Ellaize. Galit na galit ito sa kaniya dahil tumawag ito gamit ang phone ni Joyce. Tinawagan siya ng babae para lang sabihin na babaero daw siya at maniac! Na binobosohan daw siya! Grabe makatalak kanina sa kaniya! Pero sinabihan siya ng babae na gwapo daw siya, maganda na sana sa pandinig kaso she added na babaero at manyakis daw siya! A silly woman! Napaparami na yata sa kaniya ang babae. Mabuti na lang talaga hindi ko siya kaharap, totohanin ko talaga na mahalikan siya. Kagabi lang hindi ko narinig na nag salita ito kahit isang word tapos ngayon?
   Napailing iling siya sa isipang yun. Naputol siya sa pag-iisip ng nag ring na naman ang phone niya. Number ulit ng kaibigan niyang si Joyce ang tumatawag, he wish na sana si Ellaize ang tumawag.
   Oh no! Tinamaan siya yata ni kupido!
Hindi pa siya nakapag hello, excited namang nag report si Joyce sa kaniya.

"Hello kuya Louie! May good news!Hiningi sa akin ni ate Ellaize ang number mo"  kilig pang sabi sa kaniya ni Joyce. "Wait, wait ka lang kuya baka tawagan ka niya, o diba sabi ko sayo kuya? ako pa ba?" pagmamalaki pa nitong sabi sa kaniya ni Joyce.
  

      "Really? How about my favor? Did you tell her?" excited rin niyang tanong sa kaibigan.
 

       "Hindi ko nasabi kuya eh, pero don't you worry kuya kakampi natin dito si lola granny. May plan na kaming dalawa, trust lang kuya, anyway kapag hindi ka matawagan ni ate, na-i forward ko na diyan ang number niya."
  

     "Maasahan ka talaga friend, pero baka ma galit yun sayo na binigay mo ang number niya sa akin." nag alala niyang tanong.
   Dahil alam niyang hindi talaga ibibigay nito ang number ng ate niya without permission.
  

     "No worries kuya,  pinaalam ko sa kaniya hindi naman niya ako pinigilan eh. Bye kuya Louie"
 

     "Ok Joyce, thank you!bye" at ini off na nito ang line.
   Agad binuksan ang message na ini forward ni Joyce. It's Ellaize's number. Nag confuse siya kung tawagan niya ito o hindi.
   Baka masira naman ang plan nila pag tinawagan niya si Ellaize.
   Gusto niya kasing makausap ng personal ang babae kaya humingi siya ng favor kay Joyce at sa lola granny nito na dun siya mananghalian mamaya. Para naman malinawan na ang pag iisip ng babae na yun. Ah! Bahala na. Ano ba talaga ang nangyari sa kaniya, hindi naman siya nagkaganun pagdating sa mga babae. Naka idlip siya, na hindi niya namalayan. Kung nasa Chicago siya siguro hindi niya magawa ang ganito. Kasi kapag nakagising na siya, trabaho agad ang aatupagin niya, and late na nang gabi kung siya'y uuwi from work. Kaya mas gusto niya talaga na dito manirahan sa Pilipinas.
  
     Ang hindi niya alam, may dalawang mata na masuring nagmamasid sa kaniya!
  Sino ba naman ang hindi makapag pigil diyan na hindi siya pagmasdan! Ala e, napaka gwapo kaya ni Mr.Louie Stunt! Mga Manhid lang ang hindi makapansin sa kaniya! Kaya nga nagmo-model ito diba?
  
    

     Ang dalawang mata pala na nagmamasid sa kaniya ay walang iba! ang lola niyo Ellaize! Hahaha! O ayan! pati nga siya hindi niya napigilan pagmasdan ang guwapong si Louie Stunt. Pero teka muna, bat parang hindi maipinta ng sampung pintor ang mukha nito habang nakamasid sa lalaki.

     Alam niyo ba mga ka-reader? Siya lang yung babae na pigil na pigil sa sarili. Ilabas mo na lang kaya yan miss Ellaize girl. Baka mamaya eh magka pigsa ka niyan ng taob!

    

      Gumalaw galaw siya at ng unat. Nakaidlip pala siya. Agad niyang tiningnan ang g-shock niyang relo na suot nito. Pasado 10:30am na pala. Tumayo siya at nag exercise muna ng konti. Wala siyang kamalay-malay na may nagnanasa na sa kaniya este nagmamasid pala!



"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon