"Wake up!!!ate Ellaize!!!did you hear me ate?" gising ni Joyce sa kaniyang ate Ellaize.
Ay naku, masarap kayang matulog ng ganitong oras hushtag# 3pm with a little bit of raindrops...
Kunot noong napaunat si Ellaize,akala niya kung sino, ang makulit na naman niyang pinsan, si Joyce.
"O? anung meron? gigising ka ng tao akala eh may giyera na!" inis nitong sabi sabay bangon ng kama nito at umupo muna. "Nakakainis ka talaga pinsan" hindi kayang ipinta ang mukha nito habang nagsasalita.
"Don't get me mad na ate...may sasabihin lang naman ako sayo eh!" kilig na kilig na sabi ni Joyce.
"E di sana hinintay mo na lang akong magising,bruha ka talagang babae ka?At bakit parang kinikilig ka pa yata?" takang tanong nito.
"Basta ate! Remember? Yung kinukwento ko sayo? Yung cousin ni kuya Arthy?"
Ang tinutukoy nito ang kapitbahay nila at ewan ni Ellaize kung bakit close na close dito si Joyce sa kanila lalung-lalo na ang kaniyang lola granny.
"Dumating na siya ate, yung Phil-am? Naku ate Ellaize, ang handsome-handsome niya talaga!"
"O e anu ngayon? I don't care no?" sabay talikod nito kay Joyce. " its my vacation pinsan and please stop...clear?"
"Hmp!ate naman,napaka kill joy mo naman. One week ka na kaya dito, kahit shadow mo nga hindi pa nakikita ng mga neighborhood natin e." nagtatampong sabi ni Joyce. "bidang-bida pa naman kita dahil may pinsan ako na maganda, sexy na tulad ko at higit sa lahat! matalino!
"Hahaha! Ikaw talagang babae ka...masyado kang echosera( bolera)!" hindi napigilan ni Ellaize na mapatawa sa kanyang pinsan "Lalabas din naman ako 'pag after two weeks na!" sabay kurot sa tagiliran ni Joyce.
Sa mag pipinsan kasi sila lang ni Joyce ang close. Kinuha na ito ng kanyang lola granny nung 8 pa lng ito sa kanyang tiyahin sa kabilang bayan kaya sila na ang nagpapa aral at para na rin may makakasama ang matanda.
"Grabe ang tagal naman 'te...oo nga pala ate mamayang gabi may party kina kuya Arthy. Invited tayo..." excited pa nitong sabi
"Sige na ate Ellaize! Let's party!!!" tumalon- talon pa ito, akala mo nanalo sa lotto!
"Fine" na sabi na lang ni Ellaize
Yun lang at tuwang tuwa itong si Joyce na lumabas din ng kanyang kwarto.
"Napaka daldal talaga ng pinsan kong ito," nasabi nya sa isip nito habang patungo sa harap ng salamin. Umupo siya muna sa silyang nakaharap dito at bumuntong ng hininga.
"Oo nga no? Ang tagal ko na ding hindi nakapag party- party" komento nito sa sarili.She realized na lagi pala siyang busy or nag busy- busyhan lang? Para siguro hindi mahalata na minsan nasaktan talaga siya ng bonggang- bongga!!! Tinuon nya na lang ang sarili nya sa trabaho.
Isa siyang sales manager ng beauty products ng SKINLINE COMPANY sa Maynila. Sa loob ng apat na taon, ngayon lang siya nakapag leave, 2 months lang naman ang hiningi niyang leave. Isa kasi siya sa pinag kakatiwalaan ng company.
Nag tatampo na nga ang mama at papa niya dahil bihira siyang pumupunta sa mga ito. Nakatira ang mga magulang niya sa kanyang kuya Clint, at siya naman may libreng apartment ang kanyang company para malapit lang sa kanilang office para iwas traffic.
Pero mas gusto niyang mag bakasyon sa lola granny niya, dahil dito naman talaga ang birthplace niya, ang probinsiya. Sariwa ang hangin, walang polusyon at walang traffic. Tubong Maynila kasi ang papa niya kaya napilitang mag transfer ang mga ito noong 5 years old pa lang siya.
Kaya heto ngayon ang lola niyo...vacation is real...para makalimutan ang masalimuot niyang karanasan sa "love"!!!
Maganda naman siya according to her pinsan Joyce.
Sa totoo lang maganda naman talaga si Ellaize Dela Torre, balingkinitan ang katawan, mestisa dahil namana niya sa kanyang lola granny, may lahing kastila, katamtaman ang tangos ng kaniyang ilong at medyo makapal ang lips niya na bumagay naman sa " hugis- bigas niyang mukha.
Hindi naman siguro itong dahilan kung bakit siya iniwan ni Blake! "Ang litson na kamatis na lalakeng yun!" Napamura tuloy siya kapag naalala niya...3 years ago.
Naku wag kang magagalit Ellaize, inungkat namin ang buhay mo sa pag- ibig ha? Anyways hindi naman talaga bagay sayo ang Blake na yon! A womanizer? Mag hanap- hanap ka na lang muna diyan...probinsyano kaya? Yung tipong old fashion? Sigurado ikaw lang talaga ang sasambahin non...
"Ay wow! Grabe naman kayo sa akin ha? ah basta ayoko na muna...bata pa naman ang 26 years old! E ano? kung tatanda akong dalaga?! Bahala silang maglalandi sa akin!!! Grrr!!! Oh! no! Kaya lang gusto ko munang magkaroon ng anak! bago man lang ako tatanda!!! O kaya'y maglalandi ako to the max? Ew!!!para lang magkaanak?!" nandiri tuloy siya sa isipang iyon.
Lumabas na lang siya ng kwarto para man lang mabawasan ang inis na naramdaman niya sa sarili at sa ex niya!Kunot noong lumapit si Ellaize sa may bintana sabay hawi ng kurtina na nakalaylay dito. Nakarinig kasi siya ng malakas na disco music sa kabilang bahay, uso kasi sa kanilang probinsiya ang sound system, lalo na kapag fiesta, birthday, at kapag may darating na special na tao, nagpapa party talaga ang mga ito.
Siya lang naman ang ayaw ng party dahil nung dumating siya sa bahay ng lola granny niya, kabilin- bilinan niya sa mga ito na ayaw niya ng party, kung pwedi lang na mahiram niya ang invisible cloth ni Harry Potter para lang hindi malaman ng mga kapitbahay niya na dumating siya! Kaya nga mas gusto niyang gabi siya uuwi. Hindi naman sa nahihiya siya, proud na proud nga sa kaniya ang kanyang lola granny at pinsan niyang si Joyce. Hindi kasi siya showy na tao.
Sa ganong pag- iisip, ginulat siya ni Joyce.
"Hey! ate! pasilip-silip ka diyan ha? O diba? Ang ga- gwapo nila?" sabay hawi din nito ng kurtina at parang may hinahanap sa mga ito.
Nakita kasi ni Ellaize na may nag iinumang mga lalake, mga kabarkada siguro ni Arthy, magkakilala naman sila ni Arthy kaya lang hindi sila masyadong close nito, mas close ito kay Joyce.
"Wala naman akong type sa kanila diyan! Mga mukhang babaero! At saka nasan na yung sinasabi mong Phil-am dyan?" naiinis niyang sabi.
"Ows? are you interested ate?" tukso nito sa kaniya
Sumalpak muna siya ng sofa bago niya sinagot ang kaniyang pinsan.
"You know me pinsan, hindi mo ako madadala sa tukso- tuksong ganyan ha?" sabay tayo nito, ni hindi man lang nilingon si Joyce. Pupunta siya ng kitchen.
"Fine! ate Ellaize" nakasunod pala ito sa kaniya."Basta promise me ate, pupunta ka mamaya ha?" sabay hug nito sa likuran niya.
Nagtataka talaga siya sa pinsan niyang ito. Sa nakikita kasi niya kay Joyce may tinatago ito sa kaniya. Excited talaga ito para sa party mamaya. Ano ba 'tong pinsan niya ibinubugaw siya!?"Teka muna, sandali! Pinsan may tinatago ka ba sa akin??" nag galit-galitan ito pero ang totoo hindi naman.
Naabutan nila si lola granny at aling Mimi sa kusina na nagluluto ng miryenda.
Mukhang bata pa naman ang lola granny niya sa edad na 62.
"O apo? ba't hindi ka naka ngiti? Sinira na naman ba ni Joyce ang hapon mo?" binalingan nito si Joyce na pangiti-ngiti habang nakapa meywang.
"E kasi lola gran,itong si Joyce, binubugaw yata ako!?" taas kilay nitong sabi habang nakayakap ito sa matanda. Matagal ring hindi siya nakapag lambing sa lola granny niya.
"My beautiful apo? aba'y 'wag ka nang magalit sa pinsan mo" explain ng lola niya.
"Pati ba naman kayo lola gran?" paismid nitong sabi.
"Alam mo ba apo? Yang si Louie, napakabait na bata yan, magalang at higit sa lahat gwapo" kumindat pa ito na parang animo'y kilig na kilig rin ito.
"Aba't parang masasapawan mo na ang kilig ni Joyce lola gran ah?" biro nitong sabi, natatawa kasi siya sa reaction ng kaniyang lola granny, daig pa nito ang teenager. Mahilig rin kasing manood ng Korean novel ang matanda.
"Irereto niyo ako sa taong, ni buhok nga hindi ko nakita?" napatawa na lang siya sa dalawa, pati si aling Mimi nakisali na rin sa tawanan nila.
"Akala ko ate papagalitan mo ako, buti na lang kakampi ko ngayon si lola granny, hehehe. Sorry na ate Ellaize, so hindi ka na pupunta mamaya?" pang hinayang ni Joyce.
"Sige na apo pumunta ka na...samahan ka naman nitong si Joyce, apo." sabat ni lola granny
"Kung hindi lang talaga kita mahal pinsan? Ewan ko lang...", taas-kilay na sabi ni Ellaize.
Iniwan niya ang tatlo sa kusina na akala mo'y nag tsi tsismisan, siya lang naman ang topic saka yung Louie daw?
Ewan niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng excitement, nahawa tuloy siya sa pinsan niyang si Joyce at lola granny.
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...