Louie Montesalvo Stunt
Lingid sa kaalaman ni Ellaize, He called the owner of SLCOM to cancel Ellaize's appointment. Nakiusap siya na tapusin muna ng babae ang problema na kinakaharap nito. Mabuti naman at naiintindihan ng owner nung ipinaliwanag niya ang totoong nangyari.
Hindi niya muna pabalikin ang babae sa work nito pansamantala dahil kailangan muna niyang ma solved ang case na ito bago bumalik ng trabaho si Ellaize.
Malaking katanungan sa kanila kung bakit ang last na message ay ang fullname ni Ellaize!
Hinihintay pa niya kung mag send ulit ang suspect. Dahil mayroon ng lead si Arthy at Agent Fiber.
"Love? may kinalaman ka ba kung bakit ayaw akong pabalikin ni Madame?" tanong ni Ellaize ng umagang iyun sa kaniya.
"Lakas manghula talaga ng love kong ito oh" Napalingon siya sa babae na nilalantakan nito ang saging at saka pomelo.
"Love, dahan-dahan baka sumakit ang tiyan mo yan, hindi ka pa kumakain ng breakfast" nagtataka talaga siya sa babae dahil bumili ng limang kilo ng banana at 3 kilo ng pomelo na binalatan na.
At siya lang halos kumain nito? Sabi naman ng doctor ok naman daw siya, na stress lang daw ito kaya nahihilo."Love, tinawagan ko si Nathie. Magpaalam sana ako for additional leave, sabi niya ok na daw kay Madame. Sabihin mo na kasi, sige ka hindi ko rin sasabihin ang sikreto ko!" sabi pa sa kaniya ng babae na parang nanunukso ang tingin sa kaniya habang binabalatan ang malalaking banana! Na sa tantiya niya, 10 pcs na ang nakain ng babae! dagdag pa dun ang pomelo!
Sasagot na sana siya ng biglang tumayo ang babae at mabilis na pumunta ng lababo at mag duwal ng mag duwal.
Kumuha siya ng maaligamgam na tubig at ipinainom ito sa babae."Ayan, sinabi ko na sayo love na dahan-dahan sa pagkain ng banana... hindi ka nakinig sa akin eh" kunwari nag galit galitan siya dito pero hinahaplos niya ang likod ng babae para gumaan ang pakiramdam nito.
Napansin niyang nakangiti ang babae sa kaniya na parang sini seduce na naman siya nito. Lumapit ito sa kaniya at yumakap!
"Napakasarap sa pakiramdam na may yumayakap lalung-lalo na pag mahal mo ang nakayakap!" kaya niyakap na rin niya ang babae."Yeah, gusto ko kasing matapos muna ang problema bago ka bumalik sa work mo...Hindi ako mapanatag kung malayo ka sa akin love..." paliwanag niya sa babae.
Habang nakatitig si Ellaize sa kaniya, ito talaga kasi ang klaseng babae na gusto niyang maging wify to be.Sa ganung position sila nang may nag buzzer! Binigyan kasi niya ng day off si Bert, kaya walang magbubukas ng gate ngayon.
Pero bago siya pumunta ng gate, tiningnan muna niya sa monitor ng CCTV kung sino ang nasa labas ng gate.
Delivery boy!
Nag order pala siya ng breakfast nila ni Ellaize ngayong umaga dahil tinatamad siyang magluto. Ayaw rin kasi niyang mapagod si Ellaize dahil sa nangyari nung isang araw na pananambang."Dito ka muna love, kukunin ko lang ang in order ko na food."
"Love, ingat ha? " nag-alala ang babae sa kaniya.Pinuntahan niya ang delivery boy sa gate, pero hindi siya lumabas, inabot lang ito sa maliit na bintana ng gate.
Nakangiti pa ang lalaki sa kaniya habang iniabot ang pagkain.
"Thank you sir, oo nga pala sir, may nagpa bigay nito. Kaibigan niyo raw." hindi na siya nagulat dahil ini expect na niya ito, dalawang envelope...
Parang interesting, tinanong niya ang delivery boy kung sino ang nagbigay nito sa kaniya.
"Namukhaan mo ba 'tol ang nag abot nito sayo?"
"Hindi sir eh, naka helmet kasi siya, sabi niya kaibigan mo raw!" nagtataka rin ang lalaki sa kaniya siguro sa mga tanong niya.
"Pero malapit lang sir ang lalaki dito kanina, diyan siya nakatayo sa harap ng resort, akala ko nga magtatanong lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/233431867-288-k962235.jpg)
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...