Louie Montesalvo Stunt
Napailing-iling na lang siya ng kaniyang ulo. At napangiti siya dahil kung wala itong meeting baka mapapayag na rin niya ang babae! Biniro pa siya ng "bye for now",it means makikita pa niya ang babae!
Ganito rin pala ang mga lalaki? May tinatago rin silang kilig sa katawan? O baka init ng katawan?!
Minabuti na lang niyang mag-inquire sa resort na katabi ng bahay niya! Nakita niya kasi sa advertisement nito na parang ang sarap ng mga food na ini-serve.
Simpleng blue shirt at jersey short na black ang sinuot nito at lumabas na siya ng gate niya. Isang private village ang lugar na ito. At mangilan-ngilan lang ang mga bahay dun. Ito lang ang bahay niya ang malapit sa resort.
Siguro Spanish ang may-ari dahil ang pangalan ng resort "El Pescado Un Recurso" ( Seafood 🐟and resort 🌊) May konti kasi siyang kaalaman sa language ng mga Spanish.
Naalala niya pala ang nirereto ng Dad niya, si Inez, isa itong pure Spanish na isang model rin katulad niya. Napaka obvious ng babae, halatang may gusto ito sa kaniya. Kaya yun ang ayaw na ayaw niya sa babae na siya ang nililigawan!
Unlike kay Ellaize, parang ang hirap-hirap niyang ligawan! Ang hirap kausapin nang hindi nagtataray!
Pagpasok pa lang niya ng resort, binati agad siya ng mga babaeng naka uniform. At para siyang bagong dating na turista at nilagyan pa siya ng garland!
Turista ka naman Mr. Louie Stunt kaya dapat i welcome ka ng ganyan!
Nag order muna siya ng for take-out bago niya inilibot ang paningin sa paligid ng resort. May two storey na Mini-hotel ito at maganda ang ambience ng resort. Dahil maaga pa naman mangilan-ngilan pa lang ang nakita niyang customer na naliligo sa dagat. Mix white and brown ang buhangin na sa tingin niyang masarap maglakad ng naka paa.
Sa di kalayuan may nakita siya na familiar sa kaniya, si lola granny at Joyce! Hindi kasi siya nagpaalam sa kaibigan niyang si Joyce at kay lola granny nung umalis siya. Pinagbawalan daw ito ng kaniyang ate Ellaize na makipag communicate na sa kaniya.
Nagalit daw ang ate niya sa kaniya na hindi alam ang dahilan kung bakit.
Hindi naman niya masabi sa kaibigan na hinalikan niya si Ellaize! Baka anu pa ang isipin ng mag lola sa kaniya!
Nilapitan niya ang dalawa na busy sa pag arrange ng mga gamit pang party.
Hindi namalayan ng dalawa ang pagdating niya kaya nagulat ang mga ito! Lalung-lalo na si lola granny!
"Ay kabayong multo!", na mali-mali na yata si lola gran.Sabay sila ni Joyce na lumingon at niyakap siya ni lola granny! Na parang ang saya-saya nilang nakita siya!
"Hey, lola gran? What are you doing here?" nagpalipa-lipat ang tingin nito kay Joyce at sa matanda at nagpa linga-linga na parang may gusto siyang makita.
Si Joyce naman parang impit naman sa kilig. Kung sa vote lang? 100% panalo Siya sa dalawang ito dahil botong-boto ito sa kaniya para kay Ellaize! Ngunit ang tanong? bet rin kaya siya ng babae?
"Louie? apo? mabuti andito ka! Naku akala namin lumuwas ka na ng Chicago!", kaniya ng matanda.
"Kuya Louie sorry talaga ha? Kung hindi ko na sagot ang message mo at tawag mo. Kinuha kasi ni ate ang phone ko. Pasensiya na talaga!" explain ni Joyce sa kaniya.
Kaya pala! Grabe naman magalit ang babaeng yun! Dinibdib talaga ang mga halik niya?
"It's ok Joyce, teka? Why are you here?",takang tanong niya sa dalawa.
"Ganito kasi yun apo, tinawagan kami ng may-ari ng SkinLine Company. Dun kasi nagtatrabaho ang aking apo na si Ellaize. Napag isipan ng company na isu-surprise siya dahil birthday niya ngayon!" paliwanag ng matanda sa kaniya.
"Yes kuya Louie, kaya this is our secret! Total nandito ka rin lang kuya, pwedi kang pumunta mamaya! Sige na kuya, please..."
Kaya pala hindi ito pwedi nung ininvite niya ang babae kanina. Hindi pala nito alam na surprise party. Sabi niya business meeting raw.
Bigla siyang na excite na makikita na naman nito ang babae!
"Ofcourse lola granny? Joyce? maaasahan niyo ako, anyway nandiyan lang ang bahay ko sa katabi nitong resort", sabay turo nito sa dalawa sa bahay niya.
Makikita kasi mula rito ang two-storey niyang bahay na binili ng Mom niya for his future wife to be.
"Wow! kuya Louie ang ganda naman ng bahay mo, kasing-ganda ng Ate Ellaize ko." hangang-hanga si Joyce at Lola granny na dito pala nakatira si Louie.
"Thank you Joyce, nasan nga pala siya?", para siyang nahiyang I mention ang pangalan ni Ellaize.
"Nasa bahay po siya kuya Louie, wala siyang kaalam-alam na kinuntsaba kami ng boss niya."
"Ah! ganun pala? sige lola granny,see you later!" at nag mano pa ito sa matanda.
Di ba ang cute tingnan? Ang isang grayish ang mata at banyagang-banyaga ay nagma mano?
Nagpaalam na siya sa dalawa. At kinuha niya sa counter ang kanina pa palang naghihintay na inorder niya.
Hanggang sa exit ng El Pescado, tinatanaw pa rin siya ng mga babaeng nag- accommodate sa kaniya na tila kinikilig pa.Ellaize dela Torre
Nagulat siya dahil tumawag sa kaniya si Louie Stunt. Ayaw pa niya sanang sagutin ang tawag dahil nagmamadali siyang mag prepare for her presentation mamaya sa meeting nila.
Tinarayan na naman niya ang lalaki! Panu ba naman kasi, kaarawan niya ngayon tapos tinawagan siya ng kaniyang boss na may urgent meeting. Hindi pa ito kontento sa email at reminders ni Nathie, tumawag pa ito para sure na umatend siya sa meeting.
At na disappoint pa siya dahil wala man lang bumati sa kaniya! Ang lola granny at pinsan niya umalis, ilang araw na ring hindi niya nakausap ang mga ito. Palagi na lang si aling Mimi ang nakausap niya.
Nagalit ba sila sa akin? baka napa sobra yata ang attitude ko.
Bukas na bukas kausapin niya sina lola granny at Joyce, hihingi na lang siya ng sorry sa mga ito.
Para siyang nawalan ng ganang pumunta ng meeting. Pero kailangan, dito nakasalalay kaya ang pang maintenance ng mama at papa niya!
Kung hindi lang talaga conflict, pagbigyan niya ang lalaki sa invitation nitong dinner. Para naman sumaya naman siya minsan sa kanyang kaarawan.
Matagal na ring hindi siya nakapag celebrate ng kaniyang birthday. Palaging kasi siyang busy.
Ito na sana ang chance niya na makapag celebrate pero wala eh. Dadaan na lang siya mamaya sa kanilang church sa bayan.
Isang small size na maleta na kulay apple green ang dala-dala niya.
Naka turtle neck siya na fitted sleeveless na dress na bumagay sa kaniya ang kulay na teal green at pinarisan niya ng black and white na checkered na crop top blazer. At syempre ang favorite niyang 3 inches na cigarret pointed shoes na glossy black. Naka pusod ang kaniyang wavy hair at lumabas na naman ang beauty niyang natural, nag lagay na lang siya ng nude na matte lipstick.
Mga alas 4 na ng hapon sa wristwatch niya.
Susunduin daw siya ng shuttle service ng resort mga 4:30 according to Nathie.
Nagpaalam muna siya kay aling Mimi, hindi niya ma contact ang phone ng lola granny niya. Kanina pa sila ni Joyce ng umaga umalis hanggang ngayon wala pa ang dalawa.
"Miss Ellaize, sabi kanina ng lola mo wag ka daw mag alala. Nandiyan naman si Joyce na titingin sa kaniya. May pinuntahan lang silang kamag anak niyo sa bayan. Baka mamaya e nandito na sila. Ihahatid rin daw sila pauwi", Sabi ni aling Mimi sa kaniya.
May tiwala naman siya sa kaniyang pinsan na hindi nito pababayaan ang lola granny nila.Paglabas niya ng kanilang gate nakita niya ang parating na shuttle service. El Pescado Un Recurso ,ito ang pangalan ng resort na venue ng kanilang meeting.
Nang bumukas ang pintuan may dalawang naka uniform na babae na nakangiti na sa kaniya at binati pa siya ng sabay-sabay.
"Buenas tardes (good afternoon),la dama! (lady) Bienvenidas a (welcome to) El Pescado Un Recurso!"sabay nilang bati.
"Gracias amigas!" sagot na rin niya.
Favorite kaya niya ang Spanish language!
Ngumiti muna siya bago siya pumasok ng shuttle. Wow! napaka class naman ng resort na ito.
Bago pa dumating sila ng bayan, nakiusap siya sa dalawang babae na nag assist sa kaniya na pwedi raw muna siyang I drop by sa simbahan. Pumayag naman sila pati si manong driver. Hihintayin naman daw siya ng mga ito.
Nag sindi muna siya ng kandila para sa kaniyang lolo. At mataimtim na nagdasal. Dahil thankful talaga siya na may trabaho siya at magpapa salamat sa lahat ng blessings sa araw-araw at dahil birthday niya. At may isa siyang hiningi kay Lord na sana mahahanap na rin niya ang taong pahahalagahan at mahalin siya.
Mga ilang minuto ay lumabas na siya ng church at sumakay ulit sa shuttle service ng resort.
Mga pass 5 ng hapon ay nakarating rin sila ng El Pescado.
Excited siyang tinulungan ng dalawang babae. Nakangiti lang siya sa mga ito.
Na notice niya na napaka cozy ng place, first time niyang nakapunta rito. Meron palang ganitong place sa kanilang probinsiya.
Hila-hila niya ang kaniyang apple green na maleta. Sa aura niyang yan? walang hindi makapansin sa kaniya.
Pagpasok pa lang niya,may napapalingon sa kaniyang isang grupo ng mga kalalakihan na kumakain sa loob ng restaurant ng resort. Hindi niya iyon pinansin, dahil sa nakikita niya mga mukhang playboy!
Masarap talagang mang isnob at mag taray kaso may business meeting siya!
Hinayaan na lang niya ang mga iyon!
Nakalimutan pala niyang tawagan si Joyce at lola granny.
Kinuha niya ang phone at nag dial, si Joyce ang una niyang tinawagan.
Nagri-ring lang ang phone nito, bigla siyang kinabahan!
Ang number naman ni lola gran ang idinial
niya! Hindi rin sinasagot?
"Ano ba ang dalawang yun? Pinakabahan nila yata ako ah?"
Tumunog ang phone niya sa text messages. Ang dalawa ang nag text sa kaniya! at same ang reason sa text ng lola granny at Joyce.
"Hindi ko masagot ang tawag, lowbat na! text na lang" ito ang message ng dalawa.
Kumunot ang noo niya sa dalawa!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...