Ellaize dela TorrePumuwesto siya sa malaking puno at inilatag muna niya ang ang kaniyang mga dala dala.Pero bago yun syempre nakikiuso na rin siya sa taga nayon.
"Tabi-tabi po mga ka friendship! Makiki-upo po"
Tinuruan kasi siya ng kaniyang lolo grandy na kapag minsan lang siya makapunta sa mga lugar na masukal, maraming puno o damuhan, magsabi lang siya ng "tabi-tabi po". Ibig sabihin parang humihingi ka ng permission sa mga hindi natin nakikita.
Excited siyang umupo at mamingwit! Nalingunan niya ulit ang matanda at mga bata na namimingwit rin, nasa kaliwa niya sila naka puwesto.Mga ilang dipa lang ang layo nito sa kaniya.Bawat paligid ng batis kasi may mga malalaking puno kaya dun rin sila naka puwesto. Napakasaya nila, naalala niya tuloy ang kaniyang lolo grandy, ganyan-ganyan rin sila noong araw.
Nasa kalagitnaan na siya ng pamimingwit,kahit ni isang duling na isda wala siyang nakuha! Panay ang lingon niya sa mga bata.Ang dami na nilang nakuhang isda at ang lalaki pa! Daig pa yata siya ng mga bata na nandun!
Medyo naiinis na siya sa mga isda.Gusto niyang sigawan ang mga ito kaya lang baka ma engkanto siya rito.
Bigla siyang napatda sa kabilang batis may naliligo, mga bata rin at dalawang mga maskuladong kalalakihan. Hindi niya maaninag ang mga mukha nito dahil nagtatampisaw at nagsasabuyan ng tubig ang mga ito.
Tanggalin mo kaya ang malapad mong sombrero girl para makita mo kung sino ang naliligo diyan!
Biglang uminit ang mukha niya! "Kaya pala hindi ako nakakuha ni isa man lang na isda dahil sa mga yun!"
Na paismid tuloy siya at nalingunan siya ng mga bata na kanina pa bungisngis ng bungisngis sa kaniya!
Nag try ulit siya na ihagis ang nylon ng fishing rod, medyo hinaba habaan niya ng konti para nagbasakali siyang makakuha ng isda kahit maliit lang. Baka pinagtatawanan na siya ng kaniyang lolo grandy ngayon.
Nang biglang may sumigaw! "Ouch!"
Ang mga batang kanina bungisngisan lang ang marinig niya ngayon nagha halakhakan na!
Yun pala nahagip ng taga ng kaniyang fishing rod ang isa sa naliligo kanina sa kabilang batis. Ang akala niya nakahuli na siya ng isda! Yun pala! Shock!
"Louie Stunt?", naibulong na lang niya.Dahil hindi niya malaman ang gagawin niya,hihilahin niya ba ito o anu ba? Mag isip ka naman Ellaize!
Lumangoy ito papalapit sa kaniya, hindi naman masyadong malalim ang batis na yon kaya nagawa pa ng lalaki na tumayo.
Oh no! nakasabit pala sa short ng lalaki ang taga!"Ikaw?", sabay silang nagulat!
Nakita niyang pinipilit tinatanggal ng lalaki ang fish hook sa kaniyang short na nasa harapan pa nito napasabit.
"Napaka clever naman ng taga na ito", sabi nito sa sarili.
Of all pa naman na pwedi sabitan e sa harapan pa ng lalaki, naalala niya nung binato niya ito ng bulok na pomelo! sa harapan di kaya yun? kaya lang muntikan lang yun!
Parang na statue na naman siya! Nakita na lang niya na nilapitan ito ng mga batang lalaki na tumatawa at si Arthy rin pala ang kasama nito na tinulungan siyang matanggal ang fish hook sa kaniyang short!
Feeling niya siya ang namumula ngayon sa kahihiyan! mabuti na lang may suot itong malapad na sombrero para kahit konti e hindi siya mahalata na namumula ang pisngi niya. Dahil ito lang naman ang lalaking humalik sa kaniya na hindi niya makakalimutan!
Sige ang tawa nila na hindi niya namalayan na nasa harapan niya na ang lalaki. Na mesmerize talaga siya sa lalaki! Nagulat na lang siya ng biglang tinanggal ng lalaki ang malapad niyang sombrero at napaupo na rin ito sa tabi niya. Hindi talaga niya in-expect na magkita sila ng lalaking ito dahil kanina nakita niyang nagjo-jog ito!
Nakita niyang ng wave at sumenyas si Arthy kay Louie na ibig sabihin mauna na itong uuwi. Nagsi uwian na rin ang namingwit na matanda at mga batang lalaki. Dahil marami na silang nahuli, e siya iba ang nahuli niya! Goodness!
Si Louie na ang bumasag ng katahimikan, parang wala siya yatang kakayahang maglabas ng attitude niya!
"Hindi naman ako siguro isda na ako ang na fish hook mo", sabi ni Louie sa kaniya.
Para siyang idinuduyan sa boses ng lalaki! Ano ba Ellaize? Naeengkanto ka na yata sa kaniya?
Bumalik bigla ang huwesyo niya at nagtaray naman siya. Pretender!
"Malay ko ba? Bakit inutusan ba kitang maligo diyan?", nakanguso pa niyang sabi sa lalaki.
"Ikaw pa ang galit? Kami nga ang nauna dito eh."
"Bakit?sayo ba ang batis na to?" taray pa
rin niya.
"Hindi naman kaya lang mas nauna lang ako sa puno na to." sabay turo niya sa sanga na nakalaylay.
Hindi niya kasi nakita na may backpack nakasabit at kulay gray na sando sa sanga ng puno!
Dahil nga naka sombrero ka na akala e may dala dala kang bubong! Ang lapad kaya?
"Dito pala siya nagpunta! Kaya nakita ko siya kanina na dumaan sa bahay!"
Teka sila na lang dalawa ang nandito sa batis. Baka mahahalikan naman siya! Bigla siyang nailang sa alalahaning iyon!Naka half naked pa naman ito at malapitan niyang makikita ang abs ng lalaki!
Pwedi bang mag tili dito? Makauwi na nga baka kung anu pa ang gagawin sa kaniya ng lalaki!
Tumayo siya at nagligpit ng bigla siyang hinawakan ni Louie ang kanang kamay niya!
"Please stay!" parang nagmama kaawa ang lalaki sa kaniya.
She felt the hands of Louie Stunt caressing her hands and it feels like a million butterflies in her stomach!
Nabitawan niya ang basket box dahil sa sensasyong naramdaman niyang iyon. Hindi niya maiwaksi ang kamay niya na hawak ni Louie dahil nakatitig ito sa kaniya. Para siyang na magneto sa mga titig nito.
Napaatras siya bigla dahil naapakan niya ang ugat ng puno kaya na out of balance siya at bigla siyang sinalo ni Louie sa kaniyang likuran na eksato namang pumasok ang mga kamay nito sa kanyang likod dahil sa suot niyang damit na loose!
Naramdaman niya ang mainit na kamay ng lalaki na dumantay sa kanyang balat sa likuran. Para siyang nawawala sa kaniyang huwesyo sa mga oras na yun! At naghintay na lang siya sa susunod na pangyayari! Bakit para siyang nawalan ng lakas nang makaharap niya ang lalaki?
Naisandal siya ng lalaki sa puno habang siya'y tinitigan nito na parang nakakalokong nakangiti! Naipikit na lang niya ang kanyang mga mata dahil inakala naman niyang halikan siya nito!
Asa ka rin Ellaize girl! Ayan! lumalabas na ang katotohanan!
Ilang segundo rin siyang nakapikit, ng nag mulat siya ng isa niyang mata😋 nakita niya si Louie na nakangiti sa kaniya habang pinupulot ang mga gamit niya na nalaglag sa damuhan!
Bigla siyang nag blush at dali-daling kinuha ang kaniyang sombrero👒 at sinuot niya ito!
Baka akalain ng lalaki na easy to get siya!
Tumalikod na lang siya at ini-snob ang lalaki! Pero ang totoo kabadong-kabado siya sa mga nagaganap sa kanila ni Louie Stunt!
Napalingon siya sa lalaki dahil kukunin niya sana ang mga gamit niya sa pamimingwit!
Uuwi na lang siya! "Nakakainis! wala man lang akong huli!"
Pano kasi short ng lalaki ang nahuli niya at sa harapan pa sumabit ang fish hook!
"Buti nga sa kaniya! Makaganti man lang!" sa loob-loob nito.
Akma niya na sanang kunin ang fishing rod kaya lang ayaw ibigay sa kaniya ng lalaki!
"Akin na! Uuwi na ako!", taray niyang sabi!
"Well? i kiss mo muna ako", sabay taya ng kaliwang pisngi nito!
"Wow! iba ka rin anu!? Akala mo sakin easy to get?", defensive niyang sabi sa lalaki!"Ops! Hindi ako nag isip ng ganyan! Wag mo naman akong tarayan miss dela Torre".
"Bakit hahalikan mo ulit ako?", sinabi niya lang sa kaniyang mind baka kasi totohanin ulit ng lalaki! Ayaw rin naman niyang matatawag na Easy to get!
May dignity pa naman siya no? Kaya nga until now virgilous pa siya eh! Virgilous( it derives from Latin word "virgilius" means a person as pure as lily) O diba?
Napalunok siya ng kaniyang saliva or sputum ng makita niyang nagpalit ang lalaki ng short sa harapan niya at nilagay sa batok ang sando nito.
"Ibabalandra niya talaga ang katawan niya sa mga taga nayon?"
Kinindatan siya ng lalaki at naunang lumakad at dala-dala nito ang gamit niya,basket at fishing rod tapos may backpack pa ang lalaki na tila nag camping silang dalawa!
Mabilis rin siyang lumakad tiningnan niya ang time sa phone niya! Tanghali na pala! May anim na miss call na nga siya! Sinilip niya, 4 miss calls sa pinsan niyang si Joyce at ang 2 miss calls from SkinLine Company!
Bigla siyang nainis dahil hindi pa nga siya nag-e enjoy sa vacay niya. Urgent naman ba ito? Ang tinutukoy nito ay ang SLCompany.
Para siyang ng ma marching habang naglalakad. Hindi niya mapigilang hindi mainis dahil wala pa siyang isang buwan na nag bakasyon at heto nagparamdam na ang company niya!
Napalingon ang lalaki sa kaniya na nakangiti na parang tatawa!
"Pinagtatawanan ba niya ako? Mabuti pa siya nagawa pa niyang ngumiti kahit marami siyang bitbit na gamit plus pa ang mainit na sikat ng araw!"
"Come on Lady! Could you please take me a picture with you?" nakangiti pa rin ito sa kaniya!
Huminto muna ito at kinuha ang phone at binigay sa kaniya! Gawin pa siya yatang photographer nito ah?!
Sige siya nang lakad at dinaanan lang niya ang lalaki na ini abot sa kaniya ang phone. Hindi niya ito kinuha sa lalaki!
Naramdaman niyang sumunod rin ito sa kaniya.
"Please?" narinig niyang sabi ng lalaki.
Napahinto na lang siya, pagbibigyan na lang niya ang lalaki total siya itong taga bit-bit ng kaniyang gamit!
Taas sombrero niyang kinuha ang phone ng lalaki at ng selfie silang dalawa!
"Remove your hat lady, please? Hindi makikita ang ganda mong yan", lumapit pa ito sa tainga niya, bigla siyang nag goose bumps ang balahibo niya sa kaniyang batok dahil naramdaman niya ang hininga ng lalaki.
Bakit parang napapasunod siya ng lalaki? Gumamit ba ito ng posion?

BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomantikShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...