Ellaize dela Torre
Nalingunan niya ang tatlo,si Joyce parang dedma lang, si lola granny niya busy naman ito, at si aling Mimi mabilis na pumunta ng ref. Ano ba tong tatlo?
Kumilos na lang siya papuntang pintuan para tingnan kung sino ang kumakatok. Baka ang panauhin na ni lola granny.
Pagbukas ng pagbukas niya ng pintuan, hinawi pa ng hangin ang wavy niyang buhok. Nakita niyang may lalaking nakatayo pero naka talikod ito, matangkad ang lalaki. Nakasuot pa ito ng barong-tagalog(national clothes ng bansang Pilipinas).
Nanindig ang balahibo niya, dahil tanghali pa naman tapos wala namang okasyon at walang fiesta! at lalung lalo na walang Santa Cruzan dahil April pa lang!
"Oh!no!Multo!",sigaw niya at biglang isinara ang pintuan!
Napasandal siya sa likod ng pintuan at napa inhale and exhale siya!
Mabilis namang pinuntahan siya ng tatlo. Nagulat sila sa sigaw niya!
"Ate naman, akala namin kung napano ka?!
"M-multo! May nakita akong multo lola! Diyan sa labas!" kinakabahan pa niyang sabi.
"Walang multo apo! ano ka ba?" habang nakasilip ang lola niya sa may jealousy na bintana na nakangiti pa ito. "Aba'y nandiyan na pala ang bisita ko." dugtong pa nito.
Naka kunot ang noo niyang umalis ng pintuan dahil ang lola niya ang magbubukas nito. Grabe kinabahan talaga siya!
Nakasilip rin siya nang binuksan ng kanyang lola ang door nila. Mulagat ang kaniyang mata! Ang akala niyang multo ay si Louie Stunt! Ano kaya ang pumasok sa kukote nito at nagsuot ng Barong? May topak yata ito!
Anyways, medyo may mga similar kayo sa lahat ng bagay Ellaize girl! So, may topak ka na rin!
Akay-akay ni Louie Stunt ang kaniyang lola gran paakyat ng 5 steps na hagdan at pumasok na ng bahay. Nasa corner lang siya. Medyo kinabahan siya ng konti dahil kani-kanina lang nagka sagupaan sila ng lalaki. Pero heto ngayon nasa harapan niya na ang lalaki. Naamoy niya ang masculine nitong perfume na hindi masakit sa ilong. Hindi man lang siya sinulyapan ng lalaki? Nabosohan ka naman niya!
"Asikasung-asikaso nila ang lalaki,
nakalimutan yata nila na nandito rin ako. Hindi ko naman pweding palayasin ang Louie Stunt na yan dahil siya pala ang panauhin ng lola granny! Kaya pala hindi nila masabi kanina na siya pala ang guest of honor!" nakaismid ito habang pinapanood niya ang tatlo!
Sinasadya yata nila na hindi ako pansinin! O di kaya'y sabihin niya sa lola niya na may kasalanan ang lalaking yan sa kaniya! Aba't ginagamit pa ang lola gran para makalapit sa akin???"Apo, halika na at samahan mo kami dito ni Louie", tawag sa kaniya ni lola gran.
Ayaw pa sana niyang lumapit. Kaya lang kanina pa nagpapaligsahan ang mga alaga sa tiyan niya. Nakaramdam siya ng maraming gutom, dahil sa inakala niyang multo ang nakita niya!
Sa gitna ang lola niya nakaupo at magkaharap sila ngayon ni Louie Stunt! At si Joyce at aling Mimi naman, ang magkaharap. Bale si Joyce at Louie ang magkatabi ng upuan. At sila naman ni aling Mimi.
Napansin niyang namumula si Louie Stunt,parang nagba- blush ito? Infairness, bagay sa kaniya ang suot niyang barong Tagalog! Kaya lang hindi man lang siya tinapunan ng pansin! Kanina pa siya ah! napahigpit ang pag hawak niya ng tinidor,gusto niyang tusukin ang lalaki para malaman nito na nandito siya sa pamamahay ng lola niya! Nakiki-kain lang naman siya!
Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan nila. Parang gusto na niya talagang paalisin ang lalaking ito. Nakitawa na rin ang lalaki sa mga crack jokes ni Joyce.Pati si aling Mimi na tahimik na kumakain napatawa na rin. Siya na lang ang nandun ang hindi nakatawa. Nagngingit-ngit ang isipan at kalooban niya sa mga oras na yun. "Humanda ka talaga sakin lalaki ka! Womanizer! Maniac! Multo! May araw ka rin sakin!"sabi niya sa kaniyang isip.Kung hindi lang talaga masasarap ang niluto ng kaniyang lola, magwa-walk-out na talaga siya! Teka para yatang siya ang multo dito? Walang nakapansin sa kaniya! Marami na siyang nakain. "Pinagkaisahan yata ako ah" hindi na niya napigilan nag excuse na siya. Tinapunan muna niya ng tingin ang lalaki bago siya tumayo, sa wakas napansin rin siya nito.
Saglit silang nagkatinginan! Oh! No! Parang may nag horse racing sa kanyang kaibuturan? Nagbawi rin siya ng tingin kaagad.
Hinawakan siyang bigla ng lola niya habang tinitingnan siya sa kaniyang mga mata, alam kasi ng kaniyang lola na may pinag dadaanan siya. Tumayo rin ang matanda at inaya siya papuntang kitchen. Sumenyas ito sa tatlo, at nakita niya sa sulok ng kaniyang mga mata nakasunod ng tingin si Louie Stunt sa kaniya!
Habang naghuhugas sila ng kamay ng kaniyang lola sa lababo, tumikhim muna ang kaniyang lola bago ito nagsalita. "Ellaize? Apo? Sorry kung hindi ko nasabi sayo na pinapunta ko si Louie, humingi kasi siya ng pabor na pwedi kang makausap dahil hindi maganda ang una niyong pagpapa kilala sa isa't isa" nakita niyang parang iiyak ang kaniyang lola granny habang nagsasalita. Mahal na mahal talaga siya ng kaniyang lola granny.Gusto lang kasi ng kaniyang lola gran na maging masaya na siya kaya ito na ang gumawa ng way para naman tuluyan na talaga siyang maka move on. Hindi daw ibig sabihin na mag move on ay isasarado na niya ang kaniyang puso. Tama naman talaga ang lola niya. Kaya lang hindi niya lang talaga maiwasang magsusungit siya, lalo na sa mga lalaki. Sa kaniyang trabaho nga tinutukso na siya ng kaniyang mga kaibigan na kapag ganito daw ang attitude niya, ito na raw ang sintoma ng pagtatandang dalaga niya!
"Lola, naka move on na naman talaga ako eh. Kaya lang hayaan niyo na lang po ako na ako ang makahanap ng meant to be ko." explain niya sa kaniyang lola na ngayon ay nakikita niyang biglang lumiwanag ang mukha nito.
"Nararamdaman ko apo na makikilala mo rin ang taong para talaga sayo!"
"Lola gran, mind reader ka ba or fortune teller?" biro niya sa kaniyang lola na tuluyan ng nakangiti ito.
"Kaya apo sana naman maging mabait ka naman kay Louie, gusto lang naman niya na maging mag kaibigan kayo, sinabi niya na sa akin ang nangyari kanina."
Ah! naunahan niya yata ako sa pagkuwento kay lola ah?! Ay grabe talaga ang guts ng lalaking yun! Pati loob ng lola ko nakuha niya, hindi lang siya magkakamali sa mga hakbang niya!
Bumalik ang kaniyang lola sa dining area, eksaktong tumayo ang dalawa sina Joyce at aling Mimi na tawang tawa ang mga ito kay Louie Stunt.Kinindatan pa nga siya ng kaniyang pinsan ng napadaan ito sa tabi niya.
Kalmutin ko kaya ang babaeng to?
Matalim na tingin ang ginanti niya sa kaniyang pinsan hudyat na naiinis na talaga siya sa presence ng lalaki. Wala siyang magagawa dahil nandiyan ang kaniyang lola gran.
"Mga apo, Louie?Ellaize?", tinawag pa talaga ng lola niya na apo ang babaero na to?
"Maiwan ko muna kayong dalawa, may nakalimutan pala akong gagawin", patuloy ng lola niya. "Ellaize? apo? mag usap kayo ni Louie" pinandilatan siya ng kaniyang lola gran na hudyat na magpakabait siya sa bisita nito at bumaling rin ito kay Louie.
"Yeah! sure po lola gran, salamat po", nabubulol pa yata sa Tagalog niya
Umalis ang lola niya na may malaking smile sa kaniyang mukha.
Nakangiti lang sa kaniya si Louie Stunt habang nakatitig sa kaniya! Nakakatunaw ang mga titig ng lalaki pero hindi siya magpapatalo kung sa titigan lang dahil lalaban siya rito.
Tumayo ang lalaki at akma siyang lapitan dahil nasa kabila siya ng mesa nakatayo."Ops! hanggang diyan ka lang!" naka stop sign pa ang dalawa niyang kamay.
Napahinto naman ang lalaki, kasi naman balak niyang tatakbo palabas ng bahay papunta sa garden nila! Ayaw kasi niyang marinig nina lola gran ang sasabihin niya sa lalaki! Naka 2 step backward na siya at yun mabilis siyang nakapunta ng pintuan at lumabas ng bahay nila. Hinayaan niyang naka awang ang main door nila para hindi na mahiya ang bisita na lumabas.
Dumeretso siya ng garden ng lola niya, na akala niya uuwi na ang bisita nila! Hindi pa pa pala! Dahil nakasunod pala ito sa kaniya!
"Can we talk in a nice way?" sabi na lalaki.
Natameme siya sa sinabi ng lalaki! Nakikiusap ang mga grayish na mga mata nito! Hmp!hindi ako naiinggit sa gray mong mata no!
"Hindi ka naman siguro manhid Mr. Stunt? I don't want to talk to you and that's the final!", pagsu-suplada nito sa lalaki.
"Well, I'm not forcing you to talk to me, ok? I'm here because I just want to say sorry for what happened earlier." seryosong sabi ng lalaki sa kaniya.
"Ewan ko sayo! Babaero!"
"Stop calling me like that lady because that's not true or else?" maigting nitong sabi habang papalapit ang mukha ng lalaki sa kaniya.
At hindi siya natinag sa papalapit na mukha ng lalaki, pero grabe naman ang kabog ng dibdib niya parang nagsi tambulan ang mga tambor sa dibdib niya. First time niyang nagkaganito sa lalaki na nilalabanan ang sariling damdamin! Hindi siya naka experience ng ganito kay Blake! Ang ultimo niyang na experience sa ex niya ay ang pagka babaero nito!
"Or else ano! Ihahanay mo ako sa mga babae mo?!" matapang niyang sabi sa lalaki.
May sasabihin pa sana siya ng biglang kinabig siya ni Louie Stunt! And bingo!
He kiss her lips torridly! At hindi nakaligtas ang pouty lips niya kay Louie!
Ayan! Ellaize girl! Kaya mo pa ba?
Bigla rin siyang nahimasmasan sa ginawa sa kaniya ng lalaki! Pang award winning ang sampal na ginawad niya sa lalaki!
"Pangahas! Your such an annoying womanizer! Don't talk to me ever! And not even to my lola!" parang sisigaw siya sa oras na yun! Kaya lang inalala niya na baka mabulabog na naman ang buong angkan niya! Napatakbo na lang siya papasok sa kanilang bahay na walang lingon-likod at naiwan na tulalang si Louie Stunt na hawak hawak ang namulang pisngi dahilan ng pagsampal niya. Ouch!!!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...