CHAPTER 21-- Really cares...

33 0 0
                                    

Louie Stunt
  
   He really never expects, that Ellaize doing all this for him!
   Kahit na wala siyang lakas, but he try to go downstairs!
   Narinig kasi niyang nag ring ang phone niya ng maraming beses!
   Kailangang makababa siya para maka hingi ng tulong!
  Pagapang ang ginawa niya sa kanilang spiral na hagdan upang maka baba siya ng tuluyan.
   Siguro kung mahaba lang ang buhok niya? mapagkamalan siyang "Momo" sa the grudge na movie!👻👹

Although his body trembling due to his bad condition, pilit niyang inabot ang kaniyang phone sa maliit na mesa na katabi ng spiral na hagdan.
   Dahil sa sobrang giniginaw at nanginginig pa siya hindi niya mahawakan ng mabuti ang phone niya!
    But he is thankful dahil ang tumatawag pala ay walang iba kundi si Ellaize! Si Ellaize na ang dahilan ng kaniyang pagkakasakit?  
    Kahit pautal-utal siyang nagsalita, alam niyang matutulungan siya ng babae!
   Bigla namang dumulas sa kaniyang kamay ang phone kaya pinipilit niya itong  abutin ng biglang may bumukas ng pintuan!
   "Thanks God!" sambit pa niya dahil si Ellaize ang pumasok.
   Napa sigaw ang babae dahil natakot siguro sa nangyari.
   Naramdaman na lang niya na hinaplos at niyakap siya ng babae.
    At kinumutan siya nito ng makapal na kumot.
   Narinig pa niyang kumakalampag ang lahat na mahawakan na gamit ng babae sa kusina.
   Pinunasan pa siya ng warm water at nilagyan ng bimpo sa noo.
   "Saan kaya siya kumuha ng bimpo?"
   Pabalik-balik ang ginawa nito. Nagluto pa ito ng oatmeal at mushroom soup at pinakain pa siya. Sinubuan siya ng babae at nakaramdam talaga siya ng gutom that time.
    Pina inom rin siya ng gamot ni Ellaize, at maya't maya'y tinitingnan ang temperature niya.
   Hindi ito umaalis sa tabi niya at kapag tinititigan niya, parang hindi siya pinapansin, dahil siguro busy ito sa pag-aalaga sa kaniya.
   Nagpasalamat siya sa babae, pero nakita niyang umiiyak ito at sinisisi nito ang sarili dahil siya raw ang may kasalanan kung  bakit nagkasakit siya.
   Totoo namang ang babae ang dahilan kaya lang hindi niya sinisisi ito.
  Nagpapa salamat pa nga siya kay Ellaize!
  
  Nagtaka siya ng lumabas si Ellaize ng bahay, akala niya iiwan siya ng babae ng ganun-ganun na lang.
   Ilang seconds lang naman bumalik agad ito na may dala-dalang guava leaves?
   Aanhin nito ang guava leaves? kumunot ang noo niya sa babae.
   Base kasi sa kuwento ng Mom niya nung 7 years old siya, ang guava leaves ginagamit ng mga matatanda kapag nagpa circumcise ang mga batang lalaki dito sa Pilipinas.
   Napalunok siya dahil naalala niya na takot siyang magpa tuli noon! Kaya tinakot siya ng kaniyang Mom, mag choose daw siya!
   Sa hospital or sa matanda daw na may itak na nginunguya ang guava leaves at ilagay sa kwan niya!
   Syempre sa hospital na lang!
   "Ang weird talaga niya! hindi naman pwedi na ilagay niya ang guava leaves sa alaga ko, binata na kaya ito."  

  Dumiretso ito ng kitchen, ilang minuto lang bumalik agad ang babae.
   May bitbit na ito ng cup at ang guava leaves pero wala siyang itak!
   Gumaan na ang pakiramdam niya siguro tumalab na ang gamot na pinainom sa kaniya ng babae.
   Medyo giniginaw pa rin siya pero hindi na masyado unlike kanina.

   'Balik tayo sa dahon ng bayabas!

   Pina boiled pala ni Ellaize ang guava leaves at ginawang tea at pinainom sa kaniya. Nagulat pa siya dahil masarap ang nilaga nitong guava leaves na akala niya kanina ng maamoy niya ito masama ang lasa! Hindi naman pala.
  Tinanong niya ang babae kung anong nilagay bakit ang sarap at naging tea ang guava leaves.
   Nagawa pang biruin siya ng babae na "magic sarap" daw ang nilagay.
  Ang totoo hindi siya gumagamit at wala siyang stock sa kitchen niya.
   "Ang sarap niyang yakapin" sa isip nito.
Parang gumaan gaan na ang pakiramdam niya, dahil ba kay Ellaize?

   'Masarap naman talaga kapag ang nag-aalaga sa atin ay ang mahal natin diba?'

  Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas, at nanatili sila ni Ellaize sa paanan ng hagdan.
   Nakatulog na rin ang babae, siguro sa sobrang pagod sa pag-alaga sa kaniya kanina.
   Nakahiga ang babae sa tabi niya at nakaharap sa kaniya na malaya niyang tinitingnan ang mukha nito.
   Iniwan kasi ng babae na naka bukas ang ilaw sa corner ng sala, at dahil warm light hindi masyadong masilaw sa mata.
   Nakapamaluktot ang babae dahil sa lamig siguro. Sa kaniya kasi lahat nilagay ni Ellaize ang cover ng sofa, at tinanggal pa nito ang isang makapal na curtain sa sala at pina kumot sa kaniya!
   Talagang pinahanga siya ng babae, ito kasi ang mga hinahanap niyang attitude sa isang babae.
   Kahit giniginaw pa siya, pilit niyang ini-share sa babae ang kumot niya at eksato namang kumidlat at malakas na kulog!
   Napasiksik ang babae sa kaniya, at naramdaman niya ang init ng katawan ng babae na nakatulong sa kaniyang pakiramdam na ginaw!
   Hinayaan na lang niya ang ganung posisyon ng babae, hindi naman pweding itulak niya ang babae.
    Siya na nga ang tinulungan ni Ellaize, kaya mag share sila ng kumot.
   Gusto man niyang yakapin ang babae pero baka siya pa ang itulak nito.
   Pero hindi, dahil si Ellaize pa mismo ang yumakap sa kaniya!
   Nagulat talaga siya tiningnan naman niya ito, ang himbing ng tulog ng babae.
   Mas lalong sumiksik pa ang babae sa kaniyang dibdib na parang napaka- comfortable nitong yakapin siya.
   Iba na talaga ang nararamdaman niya sa babae.
   Naalala niya kanina na parang suntukin nito ang lalaking kausap nito sa bar ng El Pescado.
   Blake daw ang pangalan ng lalaki, nahihiya lang siya kay Ellaize na itanong kung sino ang lalaking yun sa buhay ng babae.
  Sa tingin kasi niya parang walang magandang gawin ang lalaking yun kay Ellaize!
   Malalaman lang niya ito kung i ask niya si Joyce.
   Kaya bukas na bukas tawagan niya ito at itanong sa kaibigan.

  
   Nagising siyang nakayakap pa rin si Ellaize sa kaniya.
   Alas siyete na ng umaga sa wall clock nila na nasa taas ng door.
   Dahan-dahan siyang tatayo sana, kaso ang mga kamay ng babae nakayakap sa kaniya.
   Nag call na kasi si Nature na mag banyo siya.
   Kaya ingat na ingat siyang tumayo. Parang mabibigat pa ang kaniyang ulo sanhi ng lagnat niya kagabi.
   Mahimbing pa rin na nakatulog ang babae.
Napangiti siya dahil nasa paanan ng hagdan sila natulog.
   Hindi niya kasi kayang lumipat ng sofa man lang o kaya'y umakyat ng hagdan para dun sana sa kwarto niya sila matulog ng babae.
   At ang gulo, maraming kalat ng guava leaves hanggang kitchen, ang mga bowl niya nagkalat at ang medicine cabinet niya nagkalat ang mga bottle.
  Nilingon niya ulit ang babae at napailing na lang at napapangiti siya.
  Pumasok siya ng banyo, dahil may life size na mirror kaya kitang-kita niya ang nasa  ulo niya!
   Kaya pala nagtaka siya kagabi kung saan nakakuha ang babae na ginawang pampunas at bimpo! Walang iba kundi ang "BRIEF" niya?!? na nakatalukbong sa kaniyang ulo na naninilaw na ito!
   Parang tatawa siya ng malakas dahil hindi lang yan! Aside pala sa guava leaves na tea,
nilagay pa ng babae ang dahon sa ulo nito!
   Binilang niya, 7 leaves!
Old ways na panggagamot ang ginawa sa kaniya ng babae!
   According to his Mom, albularyo daw ang tawag dito sa Pinas!
   Yun pala kung bakit akala niya parang ang bigat pa rin ng ulo niya!
   Napabilib talaga siya ng babae!

   Katatapos lang niyang matanggal ang mga leaves at ang brief niya na white, na naging yellow na dahil sa mantsa ng dahon ng bayabas!
   Malakas na katok ang narinig niya mula sa labas ng banyo at tinatawag siya!
  

  "Louie? Where are you? Nandiyan ka ba?"
Si Ellaize! tinatawag siya parang galit na parang nag-alala!
   "Yes!I'm here!" at dali-dali siyang lumabas.
   "Ano ka ba? ba't hindi mo ako ginising? pano kung may nangyari naman sayo?"
   Pinapagalitan siya ng babae? dahil nag-alala ito sa kaniya?
   Parang hindi siya makapaniwala!
Inalalayan siya ng babae na makalabas ng banyo habang ang likuran ng kamay nito ay idinampi sa kaniyang noo at leeg.
   Tini-check siya ni Ellaize kung may lagnat pa siya.
   Parang gusto niya tuloy na lagnatin ulit.

   Dinala siya ng babae sa sala niya at pinaupo. Nakamasid lang siya sa babae.
  "Ang sarap niyang halikan at yakapin" habang minamasdan niya ang babae na nag ayos ng curtain na ginawa nilang kumot kagabi.
Mabilis na nag linis ang babae ng mga kalat nito. Naiayos na rin nito ang mga cover ng sofa niya at mga pillows.
  Nakakagaan ng pakiramdam ang ginawa ng babae, parang nag e-enjoy siyang panoorin ito habang inalagaan siya.
  
   Ipinagluto siya ng babae ng breakfast para maka take siya ng gamot.
  Sabay pa silang kumain, oatmeal lang at egg ang meron siyang stocks at ready to cook na mga soup.
   Tinatamad kasi siyang magluto pero marunong rin naman siya!

   Pagkatapos nilang kumain, inihatid siya ng babae sa kaniyang room sa itaas.
   Magpahinga raw siya dahil babalik muna siya ng El Pescado.
   Hinawakan niya ang right hand ng babae at hinalikan.
   Mabilis namang binawi nito sa kaniya agad na parang nagulat pa ito.
   "Thank you nga pala sa mga hugs mo kagabi ha?" biniro niya ang babae na parang gulat na gulat pa ito sa kaniya! "Gumaling yata ako." proud pa niyang sabi. "At sa white brief ko at sa guava leaves"
   Tuluyan na siyang tumawa sa babae na parang nahihiya pa ito sa kaniya.
   "S-sorry kasi wala akong makitang gawing bimpo eh." hiyang sabi ng babae sa kaniya.
  
   Nagpaalam ang babae sa kaniya, parang ayaw pa niyang paalisin ito.
   Babalikan daw siya after 1 hour at hiningi ulit ang combination number ng gate niya.
   Ikukuwento niya daw mamaya pagbalik nito.
   Pero excited siyang malaman kung ano ang nangyari sa babae kagabi.
   Panoorin na lang niya sa CCTV!

   Tawang-tawa talaga siya habang pinapanood niya si Ellaize, dahil ang malaking gate pala ang bumukas instead yung maliit na gate, at natataranta pa ang babae na isara ang gate.
  Kawawa pala ito kagabi dahil makikita sa CCTV na natataranta ang dalaga.
   Napabaling siya sa sticky notes na ibinalik ng babae, wala na ang nakasulat na mga numbers! parang nabasa ito at burado na ink na lang ang makikita.
   Kaya pala makikita niya na bago pa ng press ng button ang babae parang may pinulot pa ito sa lupa!
   Kaya pala humingi ang babae ulit ng combination number.
  "Ang astig niya talaga! Superwoman!"
   Napatda siya, nakita kaya ni Ellaize ang phone niya? na ang picture nito ang nasa wall paper niya?
   "Sana hindi muna, I'm not yet ready sa tanong niya!" nag alala tuloy siya baka kung ano naman ang sabihin sa kaniya ni Ellaize!

"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon