Ellaize dela Torre
Parang hindi niya talaga ma enjoy ang paliligo sa dagat, dahil makulimlim pa rin ang panahon bunsod siguro ng bagyong parating.
Tinawagan siya ng kaniyang lola kani-kanina lang dahil narinig daw sa radyo na may parating na bagyo.
Kabilin-bilinan sa kaniya na hindi siya maliligo sa dagat ngayong masama ang panahon.
Hindi na niya ikinuwento sa lola niya na may nangyaring masama, sa future nitong apo! si Louie! "Joke lang" saway niya sa kaniyang self with the heart!
Mabuti naman at nakipag sundo sa kaniya si Mother Nature, hindi siya muna mag e- enjoy ngayon dahil may aalagaan pa siyang tao! Si Louie Stunt! Ewan ba niya, ba't nakipag close na siya sa lalaki. "Napagkamalan ko siyang babaero, pero bakit umiiyak ako sa kaniya dahil ako talaga ang may kasalanan kung bakit nagkasakit siya ngayon.
Hila-hila naman niya ang kaniyang maleta, Babalik lang siya ng El Pescado mga after two days, sisiguraduhin niya lang na gumaling na talaga ng tuluyan ang lalaki.
Sinabihan naman niya si Bert na i deliver na lang ang free food niya sa bahay ni Louie.
Namili siya kanina sa talipapa malapit sa resort ng mga gulay, puro instant kasi ang stocks ng lalaki dun sa bahay niya.
Nag magandang loob naman ang staff na si Bert na ihatid siya sa bahay ng boyfriend niya daw. Ito pala ang pagkakilala nila kay Louie Stunt? "Ipinagkalat pala niyang boyfriend ko siya? Hindi nga nanligaw sa akin, nakaw na halik lang meron kami!".
Nainis na naman siya sa lalaki!
"Akala niya hindi ko nakita? nasa wall paper niya ang larawan ko? Tanungin ko kaya siya kung sinong babae ang nasa wall paper? obvious naman na ako yun!"
Marami siyang tanong sa kaniyang utak at puso.
Heto siya ang feeling niyang mortal na kaaway lately parang gusto niyang makita palagi. Basta parang may nag uutos sa kaniya na lapitan ang lalaki! Parang ang PUSO 💚niya ang dahilan kung bakit siya nagkaganito?
Ayan nagde debate na naman si puso at utak niya, pero parang mananalo yata si "puso"💜!
Siya na lang ang nagdala ng gamit niya papasok ng bahay ni Louie. Nagbigay na lang siya ng malaking tip sa naghatid na si Bert.But! this time hindi na siya nagkamali ng binuksan niya! Ang maliit na gate na ang bumukas!"Ang galing ko na!" proud nito sa sarili.
Nagtataka nga siya kung bakit parang na e-excite siya na siya ang mag-aalaga sa lalaki dahil kung iisipin, pwedi siyang mag NO dito!
"Ano ka ba Ellaize? nagiging marupok ka na yata pagdating kay Louie!" pinapagalitan naman siya ni brain. "Hayaan mo na ako brainie! Minsan lang to sa buhay ko! Hanggang saan ba ang aking katapangan kung wala man lang akong kaligayahan?"
Wow! naging makata na yata siya! Oo nga naman, at handa na siyang harapin anumang kahinatnan nito! Lahat naman talaga, kapag nagkamali sa huli ang pagsisisi! "Pwedi kaya akong magsisi muna bago magkamali? hehe! ano ba yan nagiging weirdo na rin yata ako!" nag peace sign pa siya sa kalangitan!Pumasok siya ng bahay ni Louie, kahit kabado nakuha pang mag relax. Hinihintay kaya siya ng lalaki? Sa dami-dami pa namang tao siya pa ang pinagkatiwalaan ng lalaki na makapasok sa bahay nito.
Dumiretso muna siya ng kitchen para ilagay sa fridge ang pinamili niyang veggies.
Hindi na niya tinawagan ang lalaki bago siya pumasok dahil confident siya na babalik siya within 1 hour!
Umakyat na siya ng spiral na hagdan, naalala niya ang sinabi kanina ng lalaki.
Nagpapa salamat ito sa hugs raw niya kagabi! "Ba't wala akong maalala na niyakap ko siya kagabi? syempre tulog ka girl dahil napagod ka sa kaaalaga mo sa kaniya!"
Nasa harap na siya ng room ni Louie, parang atubili pa siyang katukin ito. Inayos niya muna ang sarili niya bago kumatok.
Walang sumasagot! Naparami na siya ng katok! "Louie?" tawag niya sa lalaki.
Kinabahan na siya, pinihit na lang niya ang doorknob para makapasok.
Mabuti-buti na kanina ang lalaki bago siya umalis. Bumaba na siguro ang temperature niya sa gamot niyang dahon ng bayabas!
Napangiti siya dahil ang cute ng lalaki kagabi dahil ang puting brief nito ang ginawa niyang bimpo at wala siyang nakitang pang tali sa guava leaves para ilagay sa noo nito kaya itinalukbong na lang niya ito sa lalaki.
Nilapitan niya ito at idinampi ang kamay niya sa noo at leeg nito.
May lagnat pa rin ang lalaki.
Kinuha niya ang thermometer na nasa side table at inilagay sa kilikili ng lalaki.
Mahimbing pa rin na natutulog ang lalaki.
Pinagmasdan niya si Louie, at napadako siya sa lips ng lalaki.
"Ang sarap halikan", napangiti siyang nakakaloko sa lalaki.
Biglang nag beep ang thermometer, medyo natauhan na rin siya!
38 ang temperature ng lalaki. Kinumutan niya ito at tiningnan muli si Louie bago siya lumabas ng room.
Ipagluluto niya ito ng veggies soup para manumbalik ang lakas nito.
Naalala niya, wala na pala siyang extra na damit. Na isipan niyang maglaba, at kailangan niya palang paputiin ulit ang brief ni Louie dahil na stain ito ng dahon ng bayabas!
Napapangiti na naman siya, dahil feeling niya para siyang asawa ni Louie Stunt!
"Sige umasa ka pa Ellaize, ang ganda ganda mo!", saway naman niya sa kaniyang sarili.
Parang hindi siya nakaramdam ng pagod dahil nai- inspire siya sa ginagawa niya ngayon.
Natapos rin niyang labhan ang kaniyang laundry at ang puting brief ni Louie! Pumuti na ito dahil nilagyan niya ng calamansi para matanggal ang stain.
Sinabay niya ang pagluluto at paglalaba.
Bago siya umakyat, tiningnan niya muna kung may nakalimutan siyang dalhin sa itaas. Nilagay niya sa tray ang bowl ng soup na niluto niya at ipinagtimpla na rin niya ang lalaki ng cocumber and lemon.
Pumasok siya ulit ng room ni Louie, mahimbing na mahimbing pa rin itong natutulog. "Halikan ko kaya para magising!" pilya niyang sabi.
Inilapit niya sa tainga ng lalaki ang mukha niya, binulungan niya ito. "Kumain ka na love" pero mahina lang baka marinig ng lalaki!
Napakislot ang lalaki! kinabahan siya baka narinig nito ang sinabi niya! Tumalikod siya agad sa sobrang kaba, at kunwa'y kinuha niya ang spoon.
Hindi rin niya alam kung bakit yun ang lumabas sa kaniyang bibig! naalala niya kasing love ang tawag sa kaniya ni Louie nung nakita siyang kasama niya si Blake at parang nagtitimpi ito.
"Hi love!" biglang nagsalita ang lalaki! Gulat na gulat talaga siya! Para siyang namumulang kamatis pagkarinig niya!
"Lagot ka Ellaize!narinig ka niya!" sigaw ng utak niya habang nananatili siyang nakatalikod sa lalaki!
"Kumain ka na baka lumamig na to oh!" hindi pa rin siya humaharap sa lalaki.
"Subuan mo ako please," pabebe pa ang tipaklong na to!
Naiinis siya bakit pa kasi yun pa ang binulong niya sa lalaki! "Akala ko ba'y tulog to?" napakunot noo na lang siya.
Bahala na! Yun lang ang naisip niya.
Hindi na siya nagsalita, sinubuan niya ang lalaki para tapos na at painumin na lang niya ng gamot para sa lagnat!
Ang lagkit ng tingin sa kaniya ng lalaki, napadako pa ang tingin sa dibdib niya.
Naalala pala niya naka short pala siya ng maiksi na green at white cotton sleeveless na v-neck, pantulog niya sana ito e, kaya lang wala na siyang maisuot dahil nasa sampayan na ang dala niyang damit. Konti lang naman ang dinala niya dahil hindi naman niya inakala na ganito pala ang mangyayari!
Hindi naman pweding isuot niya ang dress na gift ni Louie, pang party kaya yun!
"Are you seducing me?" dinig niya sa lalaki! "Sini- seduce ko raw siya? baka ipapaligo ko to sa kaniya ang mainit init na soup na to" himagsik niya dahil hindi naman totoo na sini-seduce niya ito.
"Hey, I'm just kiddin'" nagbibiro lang pala!
Napaka defensive mo naman Ellaize!
"Wag kang magbibiro ng ganyan Louie Stunt, baka nakalimutan mo hawak ko to", tinutukoy niya ang soup.
"What?" parang tatawa pa ito! "Sige ka, pag binuhos mo yan, hindi ka na maka kawala sa pag-alaga sa akin!" Napatda siya sa sinabi ni Louie.
"Eh di dadalhin kita ng hospital!" sabay rin niya sa biro ng lalaki.
"Nope! Ayoko, mas gusto kong magpagamot sayo" parang ang sweet ng dating sa kaniya ang sinabi na yun ni Louie.
"Ang galing mo kaya, and I like it!" patuloy ng lalaki.
Biro ba iyun o compliment sa kaniya ng lalaki?
Nagkatinginan sila ng lalaki pero siya ang nag iwas. Dahil para siyang natutuksong mahalikan ulit ang lalaki!
Para maka-iwas, sinabihan niya na mag half bath ng warm water si Louie at magpahinga.
"Pwedi ba akong makahiram ng shirt or polo man lang?" nahihiya pa niyang sabi sa lalaki.
"ofcourse naman! kumuha ka lang diyan sa closet at nandiyan sa drawer ang towels.Feel at home Ellaize" sabi pa nito ng lalaki sa kaniya.
"Thanks" yun lang ang sinabi niya at lumabas na siya ng room ng lalaki na para siyang isinalang sa oven!
Parang hindi siya tatagal sa tingin ng lalaki, para siyang natutunaw!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...