CHAPTER 4 -- Anger

66 0 0
                                    

Ellaize dela Torre
   
     Nagngingit-ngit talaga ang kalooban niya kanina habang siya'y nasa party. Pano ba naman, panay ang lingon sa kanya ng ipinakilala ni Joyce na si Louie Stunt daw! "Hmp! taong-hilaw na yun! Pare-pareho lang sila! Mga babaero! Hahaha! Ok lang siya? Akala ng Louie Stunt na yun, maiisahan niya ako? Akalain mong excited pang tinanggap ang white card na yun?" natatawang sa isipan niya.
    Naiinis ito sa kanyang pinsan na si Joyce, dahil pinipilit siya nito kanina na tanggalin ang masquerade mask niya at magsalita naman daw ito sa lalaking yun. Nag kunwari pa siya na may sore throat. Mabuti na nga yun kesa mapag sabihan pa niya ito in person, napaka vocal pa naman niya.
    Hindi niya pinansin si Joyce na naka buntot ito sa kaniya kanina dahil sa sobrang inis niya sa lalaki pati tuloy pinsan niya pinag buntunan nito ng galit at inis. Dire-diretso siyang pumasok ng kaniyang kwarto, nakalimutan niya tuloy na i-check ang kaniyang lola granny. Si aling Mimi na lang ang naabutan niyang gising kanina.
    Hindi na siya kinulit ni Joyce, kinonsensiya siguro ito dahil in the first place alam ng pinsan niya ang kaniyang pinag dadaanan. Pero hindi naman talaga siyang super galit, palamigin niya lang muna ang kanyang utak dahil hindi pa talaga siya ready.
   Nakaka trauma pala ang ganung experience!!!
   Kakatapos lang niyang mag half bath ng biglang tumunog ang phone niya. May message siya...from cousin Joyce.
 

    "Ate, please naman oh, patawarin mo na ako, please..."may emoj pa na umiiyak.
   Tinapunan niya lang ng pansin ito. Kunwari nagtatampo talaga siya. Tinatamad siyang mag reply sa kaniyang pinsan. Kahit hindi niya naman ito pansinin eh, hindi siya matiis ng pinsan niyang daldalera.
  
    
     Nakahiga na siya ng bed niya,nag bigla na naman niyang naalala si Louie Stunt!  "In fairness, gwapo siya! May pagka grayish ang eyes!"😍
 

  O, Ayan! E di inamin na rin. Pa as if pa ang lola niyo oh!
    Babae lang naman siya! Natural may pagnanasa rin siya sometimes sa mga gwapo! Pero pag BABAERO na e, pass na muna daw siya.

Ay! 'wag mo namang lahatin Ellaize, marami pa namang mga lalaki diyan na hindi babaero, lalo na pag grayish ang eyes!
 

  "Totoo? Sige na nga! aminin ko na nga! Marami naman talaga akong kilig sa katawan e, kaya lang para lang to sa lalaking mamahalin ako! ano beh?!"
    Natatakot lang naman talaga siya na maulit naman sa kaniya, ang niloko siya! Dapat sa ganitong pagkakataon magiging alerto na talaga siya! Mahirap kayang labanan, kapag PUSO na ang magde- decide kung sino talaga ang mamahalin niya diba? Kaya hanggat maaari at sa abot ng makakaya niya, labanan niya ito! Ouch! kaya mo ba?
  

   Inantok rin siya sa ganung pag iisip, kaya bago pa siya maidlip, nagdasal muna siya na sana hindi na magkakamali ang puso niya sa pagpili ng taong mamahalin niya.
   At nakatulugan ni Ellaize ang samut-saring gumugulo sa isipan at puso niya!
   Sa panaginip na lang niya hahanapin ang perfect na tao na mamahalin siya at hindi kayang saktan ang damdamin niya.
   At bukas pag gising niya, naka ngiti siyang walang alinlangan sa puso niya.

 

   Kinaumagahan, maaga siyang nagising. Plano niya kasing mag exercise ngayong araw. Wala pa kasi siyang ganang lumabas ng kwarto niya dahil ayaw pa niyang kausapin ang pinsan niyang si Joyce.
   May sarili naman siyang cr kaya di na kailangan pang lumabas siya ng room.
   Pagkatapos niyang mag toothbrush at mag hilamos, nagpatugtog siya ng favorite niyang playlist ni DUA LIPA. Dinala niya yung di kalakihang speaker niya sa kanilang terrace. Sinadya naman talaga niyang pag gawaan ng terrace ang sarili niyang kwarto para daw mayroon siyang matamtambayan incase of emergency ng emotion niya!
   Naka puwesto ang terrace nito sa kanang bahagi ng kwarto niya at 6 meters lang, nandun rin ang bahay nina Arthy na kasalukuyan nandun ngayon ang pinsan nitong hilaw! Si Louie Stunt! May terrace din ito na nakaharap sa kanilang bakuran.
    May hindi kataasang fence na nakapagitan sa kanilang bakuran, na puno ng sari-saring flowers at halaman.
    Kinahiligan  na kasi ng lola granny niya ang pagtatanim ng halaman, nung namatay ang kaniyang lolo grandy.
    Kaya nahawa na rin siya sa kaniyang lola na mahilig sa flowers🌼kaya nag lagay na rin siya nito sa kaniyang terrace.
Suut-suot niya ang cotton white sando na naka x sa likuran ang style nito at kapag nag taas siya ng kamay, makikita ang flat na tummy niya. At nakalabas ng konti ang cleavage niya. Medyo katamtaman lang naman ang kanyang "boobs", ang importante daw mayroon siya nito! At nagsuot ng maiksing cycling short dahil may curve naman talaga ang body niya. Nagsuot na rin siya ng black headband na ang style ay kuneho🐇at naka white canvass pa na tennis shoes!
Oh! Diba!? OOTD talaga ang bida natin!
   

     Nasa likuran naman ang kwarto niya kaya wala naman sigurong makakita sa kaniya. Kaya malaya siyang makakilos dun at dahil naharangan naman ito ng isang puno ng  pomelo na nakatayo sa kaliwa ng terrace niya.

     Nag mumuni-muni muna siya bago mag start sa kaniyang exercise, nakatayo siya na nakaharap sa malawak na rice field🌾🌽.
    Feel na feel niya talaga! Nakapikit pa ito habang ang mga kamay ay nakadipa na parang si Rose sa Titanic🚢, lang ang peg!? Kaso walang Jack na naka alalay sa kanyang likod!
   Napa inhale and exhale na lang siya. Habang tumutug-tog ang "Don't start now" ni Dua Lipa📀!
 

🎹🎼🎻🎵Did the heartbreak change me?
Maybe But look at where I ended up 
I'm all good already So moved on, it's scary  I'm not where you left me at all, 🎵🎼
 

    "What!? pina-riringgan mo ba ako Dua Lipa?  parang ako to ah?"
 

🎵🎼 🎶Don't start caring about me now 
Walk away, you know how 
Don't start caring about me now🎶
  
  😱Bigla siyang kinabahan sa lyrics pa lang parang tumatagos sa puso niya💘"
   "At ito pa!"

🎤Aren't you the guy who tried to 
Hurt me with the word "goodbye"?😨🎵
Though it took some time to survive you 
I'm better on the other side 
I'm all good already 
So moved on, it's scary🎵
🎵Don't show up, don't come out 
Don't start caring about me now 
Walk away, you know how 
Don't start caring about me now🎤🎵

✋Please stop na! baka ano pa ang mangyari sa akin."
   Baka kinikilig ka lang Miss Ellaize o baka natatakot ka na ma inlove ulit!👏

"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon