Louie Montesalvo Stunt
Gusto na niyang lapitan si Ellaize at ma ibigay man lang niya ang gift na hawak-hawak nito, kaya lang parang na torpe siya! At nag alala siya na baka masira niya ang gabi ng babae.
Para siyang na mesmerize sa natural beauty ng babae. At lalo siyang napahanga sa babae dahil hindi lang pala maganda, consistent pa ito sa kaniyang trabaho.
Gusto niya tuloy yakapin ang babae!
Nakita niyang umupo si Ellaize sa tabi ni Lola gran at ni Joyce. Parang may ibinulong si Joyce sa babae. At nakita niyang hiniram ni Joyce ang phone ni Ellaize.
At ilang segundo lang, nag ring agad ang phone niya. Call from Ellaize, pero napansin niyang si Joyce ang humahawak ng phone.
Hindi na siya nag-atubiling sinagot ang call.
"Hello? kuya Louie? Pumunta ka na rito. Hiniram ko lang to kay Ate ang phone niya, wala na kasi akong pantawag eh." diretsahang sabi nito sa kaniya.
"Baka magalit ang ate mo sa akin" sinasabi niya ito dahil gusto niyang makita ang reaction ng babae mula sa kinatatayuan niya na madilim na parte ng resort.
Nakita niyang nakikinig lang ang babae kay Joyce.
"Naku kuya mukha namang mabait ngayon ang ate, kaya lumapit ka na rito.Baka mamaya eh mawala na ang bisa ng pagkabait niya." kilig nitong sabi.
Na notice kasi niya kanina na panay ang inom nito ng ladies drink.
Hinihintay lang niya ang babae kung ano ang magiging reaction nito sa sinabi ni Joyce.
Nag kibit-balikat lang ang babae na parang gusto na rin na lumapit siya. At inagaw pa niya ang phone kay Joyce.
"H-hello? Mr.Louie Stunt!" giliw na sabi nito sa kaniya! Mukha yatang nalasing na si Ellaize! Kaya pala sinabihan siya ni Joyce na baka mawala na ang bisa? Bisa ng kalasingan pala?
Nakikinig lang siya sa next na sasabihin ng babae, habang papalapit siya sa kinaroroonan nito.
"Hi, happy birthday" nakita niyang nanlaki ang mga mata ng babae pagka kita sa kaniya.
Nag mano muna siya kay lola gran at nakita niyang kilig na kilig naman si Joyce na kaibigan niya.
Nag usap lang sila ng konti ni lola gran at Joyce at lumipat sila ng mesa.
Naiwan silang walang imik at nalingunan niyang lahat na mga bisita sa kanila nakatingin at naririnig niyang nag murmuring ang mga ito.
Binasag ang katahimikan nila ng lumapit ang isang babae na parang kinikiliti ito.
"Hi handsome! I'm Nathie, Ellaize's best friend." na hangang-hanga sa kaniya.
"Friendship? may kuwento ka ba na hindi ko alam?" sabi ni Nathie.Louie
Tinapunan lang siya ng tingin ni Ellaize na parang napailing pa ito.
Tumayo si Ellaize at lumapit sa kaniya at umangkla sa mga kamay niya ang kamay ng babae. Napapitlag naman siya dahil hindi siya makapaniwala na gagawin iyun ng babae sa kaniya. Dahil ba lasing lang ito?
Naamoy niya ang scent ng shampoo sa wavy hair ng babae na sabay na tinanggal ang naka ponytail nitong buhok! Na tila nagmo model ng shampoo si Ellaize!
Namumungay ang mga mata nito na binalingan ang best friend na si Nathie daw.
"Moment ko to friendship, kaya wag kang ano sa akin ha?" biro pa ng babae sabay na pag-alis ng kamay nito na naka anchor rin sa kaniyang right arm.
Lumapit ito kay Nathie at ipinakilala sa kaniya.
"Friendship, this is Louie Stunt!" proud nitong sabi at lumipat sa kaniya ang paningin ng babae. "She is my bestfriend, Nathalia!" First time na ngumiti ang babae na walang halong biro sa kaniya!
Naipilig niya ang kaniyang ulo dahil parang napako na talaga ang paningin niya kay Ellaize!
At napaka "lucky man" niya talaga dahil sumabay pa, one of his favorite pinoy playlist! Ben&Ben:🎼🎸
🎻🎺🎤Hey, have you ever tried
Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes🎵
"May I have dance with you, lady?"
Nag iwas ng tingin sa kaniya ang babae, habang iniabot niya ang kanyang gift for Ellaize. At may tatlong white roses.
Natakot siyang bigla baka hindi tanggapin ng babae o kaya'y itapon ito.
Muli siyang sinulyapan ng babae at parang nag-atubili pang tanggapin ang gift nito.
Laking pasalamat niya dahil tinanggap na rin ito ng babae!
Habang hindi pa rin niya inialis ang mga kamay na naghihintay siya kung sasama ang babae na maisayaw niya.
Parang napaso siya nang hinawakan ng babae ang mga kamay niya!
Kung si Ellaize lumagpas ng cloud 9, at nasa cloud 10 ito, siguro siya nasa outer space na! Lahat siguro ng kinds of clouds napadaan siya! Yung tipo ng 4 types of clouds: commulus, cirrus, nimbus, and stratus! Hahaha!
No wonder kung bakit ganito ang ma feel niya kay Ellaize dahil para sa kaniya perfect na ang babae na maging wife to be?
Nasa gitna na silang dalawa at ang ibang sumasayaw ay tumabi ng konti. Napaka romantic dahil sa ibat-ibang kulay na nagmula sa disco light.
Nai- inlove na ba siya sa babaeng ito? Tinitigan niya ng mabuti ang babae, na medyo umiiwas ng tingin sa kaniya!Inilagay niya ang kamay ng babae sa kanyang balikat at siya nama'y nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa beywang ng babae.
Naramdaman niyang parang naiilang ang babae sa kaniya. Napakasaya niya na ngayon lang niya naramdaman ito. At mas ginanahan siya na maisayaw ang babae dahil sa musika ng Ben&Ben:🎷🎵Dreams, they're for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to
I want to make it with you
I really think that we could make it, girl🎹🎼
Para siya ang tinutukoy ng lyrics, at sa nararamdaman niya sa babae.
🎵🎼 No, you don't know me well
And every little thing only time will tell
If you believe the things that I do
And we'll see it through
Life can be short or long
Love can be right or wrong
And if I chose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you
I really think that we could make it, girl🎼🎷
Biglang bumitaw ang babae sa pagkahawak sa balikat niya. Ang babaeng masungit sa kaniya lately lang pero ngayon parang mabait na tupa ito sa kaniya?
Hindi niya talaga ma gets ang babae, at wala siyang lakas ng loob na tanungin ito.
"Thank you, Mr. Stunt", Seryoso nitong sabi sa kaniya. at first time rin niyang narinig na nag thank you ang babae!
"Can we talk more?" , sabi niya sa dalaga at akma niyang inalalayan ang babae pabalik ng table nito.
"Yes ofcourse, could you please wait me here for awhile?"
What? Para siyang nabingi sa sagot ng babae! mag-usap daw sila?
Parang ayaw pa niyang maniwala sa sinagot ng babae. Naiwan pa siyang tulala.
Nakita niyang lumapit ang babae sa kanilang madame president, at niyakap niya ang mga ito at ang best friend nitong si Nathie, habang nagtawanan ang mga ito. Panay rin ang bigay ni Nathie ng tequila at ladies drink kay Ellaize, maglalasing talaga ang babae! Pero parang smooth pa rin ang usapan ng mga ito, mahahalata lang sila dahil sa kanilang tawanan.
"Napaka sexy naman niyang tumawa",sa loob niya.
Nilapitan siya ng waiter na may dalang tequila at wine, inilagay ito sa kaniyang mesa. At paunti- unti siyang uminom dahil gusto niyang makausap ang babae na hindi siya lasing!Ellaize
Ito na ang pinakamasaya niyang birthday sa tanang buhay niya. Akalain niyang nandito rin si Louie Stunt. At alam niya na ang lola granny at Joyce ang nag imbita sa lalaki. Kaya pala may inabot sa kaniya ang lalaki. Isang maliit na paper bag at tatlong puting roses! Inaamin niya na kinikilig siya sa mga ganyan-ganyan! At isinayaw pa siya ng lalaki habang ang mga kamay nito ay nasa beywang niya at siya nama'y nasa balikat ng lalaki. Para siyang idinuduyan sa musika na favorite niyang pinoy playlist. Ang Ben&Ben at dagdag pa yata sa naparami niyang nainom na ladies drink.
Pinigilan niya ang kaniyang sarili para hindi mahalata ng lahat na siya ay kinikilig na rin. Maghihintay raw ang lalaki dahil gusto siya nitong makausap?
"E di maghintay siya!" Sa isipan nito na napalingon siya sa gawi ng lalaki.
Napaka-gwapo ng lalaki kahit saan mang angle tingnan!. "Nalasing na yata ako ah."
Dalawa na lang sila ng bff niyang si Nathie.
Nakasandal silang dalawa sa bago niyang kotse. Nagpaalam na ang iba nilang kasamahan at si madame pres.
Pinahatid rin niya ang kaniyang lola granny at Joyce sa shuttle service dahil bawal sa matanda ang mag puyat.
At ang mga kasamahan niya sa SLCom, humabol ng last minute na flight pabalik ng Manila with madame president.
At siya nama'y mag-isa na lang mamaya dahil aalis rin si Nathie, sunduin raw ito ng boyfie niya.
"Friendship, are you sure ok ka lang dito? Gusto mo pasamahan kita kay Mr.Louie Stunt?", mukhang lasing na lasing na ang kaibigan niyang si Nathie.
"Witchcraft ka talaga Nathalia!", sabay silang napatawa.
"Alam mo ba friendship? Sa nakikita ko mabait yang Stunt na yan, at bagay na bagay kayo" parang pinutakti ng kilig ang bff niya.
"Shhh! Baka marinig ka! Sanay yan sa lenggwahe natin kahit nabubulol yan!" at nagtawanan ulit sila.
Mukha yatang balak nilang ubusin ang lahat na alak ah?
Maya-maya'y, lumapit ang isa sa mga staff ng El Pescado.
"Excuse me po, nandiyan na po ang sundo niyo Ma'am Nathie."
Nagyakapan muna silang dalawa at nag appear pa at hinatid ito ng staff ang kaniyang friendship.
Nakikita niyang nililigpit na ng mga staff ang function hall.
Napalingon siya sa kinaroroonan ni Louie, hindi niya nakita ang lalaki pero na bigla siyang nasa likuran na pala niya ito at nabunggo ang mukha niya sa malapad na dibdib ng lalaki ng bigla siyang humarap dito!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...