Ellaize dela Torre
Maliligo na sana siya kanina, kaya lang pinagbabawal pala kapag masama ang panahon. Umaambon na nung pumunta siya ng tabing-dagat.
Ayaw siya yatang payagan ng Inang Kalikasan na maligo.
Ang ginawa niya, lumakad-lakad na lang siya muna. Pag maganda na ang panahon bukas. Sa umaga o di kaya tanghali siya maliligo bukas.
Pabalik na sana siya sa room niya ng may mga grupong kalalakihan na sumalubong sa kaniya sa hallway ng resort.
May kasama silang bading na parang director ang aura nito.
"Llaize?" isa lang ang tumatawag sa kaniya ng ganun!
"Sila pala yung nakatingin sa akin kahapon? at kasama nila si__
"Blake?", Mga ipinanganak na litson na kamatis! Anung ginagawa ng Babaero na to sa lugar namin?"
"Guys, she's Ellaize! My Ex." proud pa nitong sabi.
"Hi sexy lady!" Sabi pa ng isa niyang kasama na from head to foot kung makatingin!
"Kung may mabibilhan lang na spray na pamatay babaero! bibili talaga ako isang sako!"
"Llaize, nakita kita kanina! Akala ko hindi ikaw eh! Can we talk?"
"Sure!" akala niya siguro madadala pa niya ako? Never! Over my sexy body!
"Wow, palaban ka na ngayon ah?" sabi pa ng lalaki.
"Ofcourse! member na kaya ako ng Gabriella Silang ngayon! Wala na si Ellaize ang babaeng pinaiyak mo at niloko! Litson kamatis ka!" nanggalaiti ang utak niya!
Pumasok sila ng bar ng El Pescado. Hindi naman siya nailang kung naka swimwear siya!
Yun pala lahat naka swimwear rin.
Yung ibang babae parang lalabas na ang mga kaluluwa sa sobrang daring ng swimsuit!
Nag separate ang grupo ni Blake, sila sa corner ng bar. May kinuha ang lalaki sa counter ng bar. Wine, baka mamaya malasing na naman siya!
Sumama lang talaga siya sa lalaki para maipakita na iba na siya ngayon!
Pero hindi ibig sabihin, maglalandi siya sa lalaki? No way!
Panay ang bigay sa kaniya ng alak! Hindi raw siya ngumingiti. Pakialam nito?
"Iba ka na ngayon Llaize ah? Mas lalo ka yatang sumexy"
Sige purihin mo pa ang pinaiyak mo! Litson kamatis ka!
"Well, bilog ang mundo Blake!" tapang niyang sagot sa lalaki.
"But we can start pa naman Llaize"
"Tulungan niyo ako, sapakin kong bunganga ng babaerong ito." sigaw ng utak niya!Sa ganun siyang pag-iisip ng napatda ang paningin niya sa lalaking pumasok ng bar!
Nagulat talaga siya! Louie Stunt! Naririnig yata ang sigaw ni brain ko na kailangan ko ng tulong!
Lumapit ang lalaki na parang kinakalma ang sarili. Basang-basa ito! Nakita niya kasing kumikidlat at kumukulog! Bumuhos na siguro ang ulan.
Naligo ba ito sa ulan?
"Love? nandito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap"
"Love? tinawag niya ako na Love as in Love?"
Hindi siya makapaniwala na ganun ang tawag niya sa harap mismo ng isang malaking X niya!
Napansin niya si Louie na parang nanginginig sa lamig o sa galit? Hindi niya mabasa ang kilos ng lalaki!
Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi!
Sumabay lang talaga ako sa agos niya.
Hindi siya ngumiti kay Louie dahil nasa list rin niya ang lalaki! Mga babaero kayong lahat!
Gigil na gigil na talaga siya sa inis!
"Love, naghihintay na pala ang dinner natin" Si Louie ulit. Love ng Love sa kaniya!
Hinawakan pa ni Louie ang kamay niya.
Napansin niya rin si Blake na parang umiigting ang panga nito.
Ano ba tong nangyari sa mga ito!? Parehong pareho lang naman kayo!
Pero nagpasalamat pa rin siya kay Louie dahil to the rescue ito sa kaniya!
Pagka labas nila ng bar, nagpupumiglas siya dahil masakit ang kamay niya! Mahigpit kaya ang pagkahawak sa kaniya ni Louie!
Parang galit ito at ang kamay ko ang pinag diskitahan!
Binilisan niya ang paglakad at pag-akyat para makarating siya ng room.
Hindi man lang niya nilingon ang lalaki na nakasunod pala sa kaniya!
Ini lock niya ang door ng room. Narinig niyang kumatok ang lalaki. Sunod-sunod na katok. Nakasandal siya sa wall habang pinakiramdaman niya kung nandiyan pa ang lalaki sa labas!
Napaiyak na lang siya dahil naawa siya sa lalaki. Bubuksan na sana niya ng bigla itong kumatok ulit!
"I'm sorry Louie, dahil mali ito! Ayokong umasa na hindi ka isa sa mga list ko!"
Napahikbi siya, ewan niya ba't iniiyakan niya si Louie!
Hindi na niya narinig na kumatok pa ang lalaki. Mga ilang minuto siyang nakasandal sa wall.
Kinokonsesya na siya kaya binuksan niya ang pinto! Wala na si Louie! Siguro umuwi na ito sa bahay niya!
Naisara niyang bigla ang pintuan ng biglang kumidlat at kumulog.
Natakot siya tuloy.Pagkatapos niyang magbihis, tiningnan niya ang mesa kung may pagkain siya.
May pagkain nga, pinagtabi pala siya ng pagkain ni Louie.
Bakit ang bait- bait niya sa akin e ang sungit ko naman sa kaniya!
Magpapahinga na sana siya, naalala niya ang gift ng lalaki!
Kinuha niya sa gilid ng lampshade ang malaki at maliit na paper bag.
Itong gift lang ng lalaki ang naiwan sa kaniya dahil ipinadala niya ang ibang gift kina Joyce at lola granny.
Una niyang binuksan ang malaking paper bag. Isang dark green na stretchable dress at pabango. Paris Hilton? Paano niyang nalaman na fav niya ito?
May sense of fashion pala ang lalaki? Syempre model kaya yun!
Ang maliit naman na paper bag ang sunod niyang binuksan.
"May maliit na box! Hindi naman siguro ito engagement ring! Hindi pa nga nanliligaw sa akin yun!"
Isang manipis na silver necklace ang laman nito, at ang pendant?ang cute!
Isang maliit na masquerade mask pendant!
Na appreciate niya talaga ang gift ni Louie.
Kinuha niya ang phone dahil tatawagan niya ang lalaki. Kahit masungit siya, mag thank you pa rin siya rito.
Nagri-ring lang ang phone ng lalaki. Inulit niya ng inulit na i dial. Naka 10 miss call na siya! Nagalit ba talaga ang lalaki sa kaniya?
Nang napalingon siya sa kaniyang apple green na maleta, may nakita siyang maliit na papel, sticky notes yata na nakadikit dito.
Kinuha niya iyon. May nakasulat na combination number for large and small gate at para sa main door!
Nagtaka siya kung ba't binigay ng lalaking ito sa kaniya!
Gawin ba siyang katiwala sa bahay ng lalaki pag bumalik ito ng Chicago?
Ini-off na niya ang lampshade, pero mulagat pa rin ang mata niya! Hindi pa siya inaantok. Napatingin siya ng phone 9:30pm.
Bumangon siya muna para kumuha ng water sa maliit na fridge.
Naka dalawang baso siya ng water na ininom. Ilagay niya sana ang baso sa mesa ng bigla naman niyang nabitawan! Nadulas ito sa kamay niya!
Bigla siyang kinabahan! dali dali niyang kinuha ang walis at dustpan sa cabinet na nasa ilalim ng sink.
Baka maapakan niya ang mga bubog kaya winalis niyang mabuti.
Hindi pa rin matanggal ang kaba niya. Nag message siya sa kuya niya kung ok lang ba ang mama at papa nila. Nag reply naman ang kuya niya na ok naman sila, nanonood daw ng tv ang mama at papa niya.
Si Joyce naman, i message niya lang baka kung tawagan niya ang kaniyang pinsan hindi ito tatahimik sa kakatanong sa kaniya.
Natutulog na daw si lola granny. Magkasama kasi sa kwarto na natutulog ang lola at pinsan niya.Ok naman daw sila.
Pero bakit kinakabahan pa rin siya?! Bigla niyang naalala si Louie Stunt!
Baka ni ransak ang bahay nito? At tinangay ang kaniyang sasakyan?
Ano ba yan? Bakit ganyan ang iniisip mo Ellaize!
Nag-atubili pa siyang tawagan ulit ang lalaki dahil kinakabahan talaga siya plus pa ang pagkabasag ng baso.
Tinawagan niya ulit ang number ng lalaki.
Sinagot niya!
"C-come! P-please! h-help m-me!"
"Louie? What happen!?" napasigaw na siya dahil grabe ang kaba na naramdaman niya!
God! Narinig niya ang boses ng lalaki na nanginginig at gumaralgal.
Mabilis niyang kinuha ang folding umbrella at ang sticky notes habang nakikinig lang siya sa kabilang line na panay breathing lang ang marinig niya sa lalaki!
Pupuntahan niya si Louie, naramdaman niyang may masamang nangyari sa lalaki.
Parang iiyak na naman siya na hindi niya maintindihan!

BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...