Ellaize dela Torre
Nag reply na rin siya baka nga ma lowbat na sila!
"Joyce? ok lang ba kayo ni lola gran? Nasa bahay na ba kayo? Wag niyo naman akong pakabahan, please! May meeting ako ngayon at alam mo yun diba?" Nagalit na lang tuloy siya, pag kinakabahan siya ng ganito.
Kumalma na lang siya ng humingi ng sorry ang kaniyang pinsan, na hindi talaga nila masagot ang tawag dahil nga lowbat sila.
Napasandal siya sa headboard ng bed dahil wala pa naman ang time for meeting nila. Hindi talaga siya mapakali, mayroong tatayo siya, palakad-lakad sa room na iyon. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
Lumabas na lang siya ng room. Dun na lang niya hintayin ang tawag ni Nathie.
Sinilip muna niya ang wall clock na nasa wall ng room, 15 minutes to seven.
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid ng resort. Naka dim light ang mga ilaw at may disco light na iba- iba ang kulay na umiilaw.
Hindi na niya maaninag masyado ang malawak na karagatan dahil madilim na.
Nakita niya sa bandang kaliwa, siguro function hall yata na parang may party ang arrangement nito. Kulay green ang motiff, light to dark green ang mga balloons.
Napahanga siya sa simpleng arrangement.
Favorite color pa naman niya ang green, basta mga something green.
Maya't-maya'y nag ring ang phone nito, si Nathie ang tumatawag.
Hindi na niya pinatagal pa ang pag ring ng phone, sinagot niya agad ito.
"Nathalia, nasan na ba kayo? Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo" inis niyang sabi sa kaibigan.
"Just relax and take it easy friendship! Nakikita kita from here! Oh my! diba? Swimwear attire?"
Napa kunot noo siya dahil akalain ba namang business meeting tapos naka swimwear attire?
"Ano ka ba Nathie? Pinag-isipan niyo ba talaga ang mga bagay na 'to? Where is Madame President? I need to talk to her!"
Kilala na siya ng best friend niya. Seryoso kasi talaga siya pagdating sa trabaho. Basta naramdaman at nakikita niyang may mali hindi talaga siya maniniwala agad- agad.
Kung beach party siguro! Pwedi niyang gawin yon! Kahit anung swimwear attire pa yan!
"Ok fine! talaga namang hindi ka maloloko anu? Bumaba ka na nga rito. Ikaw na lang ang hinihintay ng lahat dito no?"
"Sabi ko na nga ba na may mali eh, it's a prank na naman ba 'to Nathalia?"
"Hindi naman masyado girl, bumaba ka na kasi rito, dali! Madame Pres. waits you!"Palagi kasi siyang pina prank, lalung-lalo na ang boss nila, pero sorry lang talaga sila! Hindi sila nagtagumpay! Work is work kaya.
Kaya siguro mas malapit ang loob ng kanilang boss sa kaniya dahil napaka consistent niya sa kaniyang trabaho.
Hila hila ng dalaga ang kaniyang apple green na maleta pababa. Nakikita raw siya ni Nathie, pero kahit na inaaninag niya sa taas hindi niya ito nakita ang best friend.
"Nathalia, anu ba? nandito na ako sa baba! San ba talaga kayo?", inis na niya sa kaibigan.
"Over here friendship! Nakikita mo ba ang function hall sa left side mo?"
Ba't natitili kaya ang babaeng ito sa excitement?
"Sandali babae, ayan ka na naman, tama na ang prank na yan ha? Hindi yan oobra sa akin!" naiinis na talaga siya.
"See! yah!", paarte pa nito at nag end na ang call ni Nathie.
May isang lalaki na lumapit sa kaniya, isa sa staff ng El Pescado.
"Buena Noches! Bella dama!( beautiful lady), dito po tayo maam", turo sa kaniya ng staff.
Hinatid siya ng staff sa left side ng resort na kung saan nandun ang function hall na kanina tinitingnan niya sa itaas.
Wala man lang siyang nakita kahit ni isa man lang na officemate niya o kaya'y si Nathie. Ang mga nandun lang naman ay mga staff ng El Pescado Un Recurso!
Kunot noo naman siyang nagtanong sa staff na naghatid sa kaniya.
"Excuse me? Baka nagkamali lang kayo ng hinatiran sa akin?"
"Hindi po ma'am, sabi kasi ni Ma'am Nathalia dito po" Nakangiting sagot ng staff sa kaniya."
Saglit niyang inilibot ulit ang paningin niya sa paligid. Naka dim light pa rin, pero maaninag niya na maganda talaga ang arrangement, mukhang may party!
Pero hindi naman party ang pinunta niya dito kundi business meeting.
Ilang minuto rin siyang nakatayo sa harap ng function hall na nakaterno pa talaga sa kulay ng damit at maleta niya ang naka decor na balloons.
Ilang minuto rin siyang nakatayo sa harapan ng function hall na iyun.
Bigla siyang nakarinig ng announcement mula sa madilim na area ng function hall.
"Ladies and gentlemen, let'sgive her around of applause! Our birthday girl! Miss Ellaize dela Torre!!!From your family of SkinLine Company!!!"
At sinabayan pa ng birthday song, sabay nag ilaw ang spotlight at nakatuon ito sa kaniya. Na shock talaga siya, hindi niya inakala ang lahat ng ito, dahil ang ini isip niya ay ang presentation para sa business meeting ng company.Pagkarinig niya sa announce na iyon, parang nag racing na ang kaniyang mga luha! Ang alam niya kasi walang naka alala sa kaniyang birthday!
Nakita niya sa sulok ng function hall nakatayo ang taga SLCom with Madame Pres.
Ang mas nagpaiyak sa kaniya ay ang kaniyang lola granny na masuyo siyang tinitingnan at proud na proud sa kaniya habang umiiyak ang matanda at ang kaniyang pinsan na umiiyak rin sa kaniya.
Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit ng kaniyang lola granny.
Speechless talaga siya that time. Lumapit na rin ang owner ng SLcom at binati siya nito at ang kaibigan niyang si Nathalia lumapit na rin habang pinupunasan ang mga mata nito dahil na touch siguro sa kaniya.
Nagsipalakpakan ang lahat pati na rin ang mga staff ng El Pescado! Nag instant artista tuloy siya sa mga flash ng camera.
Dinala siya ng host sa gitna ng function hall. Panay wave na lang ang ginawa niya sa mga nandun dahil hindi niya alam kung saan siya mag start ng kaniyang speech!
Narinig na lang niya na nagsa-salita si madame president, habang nasa tabi niya ang bff niyang si Nathie na nakayakap sa kaniya.
"Good evening everyone! Thank you to all the family of SkinLine Company for joining us and being here tonight!" pasigaw nitong sabi habang hawak nito ang microphone, tila nag-e enjoy rin si madame!
"I am grateful for having a very consistent manager like you, Miss Ellaize dela Torre! Thank you for helping SkinLine Company to rise that's why I'm giving you back! I hope you enjoy your vacay for this!"itinaas nito ang hawak-hawak na brown envelope at isang susi?
Napatili ang kaibigan niyang si Nathie na hinawakan ang nanlalamig niyang kamay!
Kalmado lang siyang nakikinig kay madame kung ano pa ang susunod nitong sasabihin. Pero gusto na niya talagang lumundag sa tuwa!
"This is for you Miss Ellaize!" sabay inabot sa kaniya ang brown envelope at susi na hindi niya alam kung para saan?"Happy birthday!" at tuluyan na siyang niyakap ni madame.
At ang spotlight na sa kanila nakatuon, inilipat sa isang malapad na curtain na kulay green, na dahan-dahang hinawi ng isang staff ng resort at lahat sumabay ng sigaw na "SURPRISE"!
Tumambad sa paningin niya ang isang glossy na yellow-green na kotse! Isang TOYOTA Avanza!
Parang himatayin siya! First time niya talaga ng magkaroon ng kotse! Ito talaga ang isa niyang dream! Para ma visit na niya palagi ang kaniyang mga magulang, dahil nahihirapan siyang mag commute.
Sinabihan siya ni Nathie na i open ang envelope. Paluha luha niyang binuksan ito.Naglalaman pala ito ng papers ng kotse na nakapangalan sa kaniya at plus! Isang gift certificate ng El Pescado, good for two weeks na vacay! at may check pa na pang pocket money!
Ang swerte naman ni Ellaize! Mapapa "sana all" ka talaga sa surprise na yun.
Deserve naman niya dahil isa siya sa mga dahilan ng pag angat ng SLCOMP.
"Congrats my friendship, sorry talaga! Pati ang lola gran mo dinamay namin." nag peace sign pa ito sa kaniya.
"Ok na ako friendship! Sorry din at nagtaray pa ako." at nagyakapan silang dalawa.
Pagkatapos nilang nag picture taking, sumigaw ng malakas ang host ng party.
"Let's party begin!"
Lahat masayang kumain at nag enjoy sa party at dahil sponsor ng SkinLineComp, may pa disco beach pa!
Masaya naman siya pero parang may kulang siya na na-feel. May gusto siyang makita at makasama sa kasiyahan na iyun!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...