Louie Montesalvo Stunt
Ngayong wala na silang problema ni Ellaize, ang Mom and Dad naman niya ang problema nito! Dahil hindi pa ito makauwi ng Pinas eh nagmamadali na siya. Kailangang maikasal na talaga siya kay Ellaize.
2 weeks of pregnancy na ang babae, kaya lang hindi pa naman mahalata dahil flattened ang tummy nito.
Bago umuwi sina Joyce at lola granny, kabilin bilinan sa kaniya ng matanda na intindihin na lang niya muna si Ellaize sa gusto nito.
Pinipilit kasi siya ni Ellaize na bumalik muna ito sa kaniyang trabaho, todo ang iyak ng babae nung isang araw kaya pinayagan na lang niya muna. Sabi kasi ni lola granny ganiyan talaga kapag buntis, emotional at saka matampuhin, minsan nga masungit pero malambing daw! Ang lahat ng ito na experience niya kay Ellaize, pero mahal na mahal pa rin niya ang babae.
Ilang araw pa nga lang wala ang babae sa tabi niya, parang bumalik naman ang insomnia niya. Hindi naman siya makapagpahinga kung araw kasi busy naman sila ni Bert na maglinis sa bakante na lote sa kabila lang ng kaniyang bahay. Nilibang na lang niya ang sarili niya sa paglilinis. Maganda ang lupa na binili ng Mom niya, dahil malapit ito sa tabing dagat.
Mahilig kasi sa sorpresa ang Mom niya, nitong huli lang sinabi na nabili pala nito ang bakanteng lote diyan sa kabilang kaliwa ng bahay niya. Napaka generous kasi ng Mom niya, baka raw isa sa mga pinsan niya balang araw makapag asawa, anytime pwedi sila rito.
Kapag ganiyang usapan, iiyak agad ang Mom niya basta pinag-uusapan ang kaniyang family. Ang Mom niya kasi ang eldest sa anim na magkakapatid. Kaya dahil sa kahirapan kailangang magkalayo silang anim. Kaya nag pursige ang Mom niya at nag successful ito at gusto nitong makasama ang limang kapatid na puro lalaki kaya lang si Uncle Artello na lang ang naiwan sa kanilang lugar dahil may kaniya kaniya ng family ang tatlo niyang tiyuhin na nasa malalayong lugar naka base ang mga ito.
Kaya ito ang dahilan pala ng Mom niya, na kung sino ang mag-aasawa sa kaniyang apat na pinsan na lalaki, dito raw sa next ng bahay niya makapagpatayo ng bahay ang mga pinsan niyang sina Arthy (Artheries), Earthonn, Harbor at Carson!
Dahil wala namang problema sa mga cousin niyang babae. Dahil kapag mag-aasawa daw ang mga babae, sasama rin ito sa magiging asawa nila like her Mom.
Mabuti nga yan, nami miss na kasi niya ang tatlo pa niyang pinsan. Nung magkahiwa-hiwalay sila wala pa silang kamuwang-muwang!Kaya siya talaga ang unang tumira at ang magiging wify niya! Si Ellaize... Nami-miss na naman niya ang babae.
Lumabas na sila ni Bert ng gate, ng may napansin siya sa gawing kanan, isang white Grandia van na naka park sa di kalayuan sa bahay niya. Hindi naman sa El Pescado itong van, dahil may pangalan yun sa harap ng pangalan ng resort.
Wala naman siyang nakikitang tao sa harap ng bahay niya dahil bakanteng lote naman ang nandun na mga kambing at mga baka na kumakain ng damo ang nakikita niya.
Nagtataka talaga siya kung bakit dito pa nag park sa tabi lang ng pader ng bahay niya. Magtatanong pa sana siya kay Bert pero pag lingon niya wala na ito. Nauna na pala ito sa lilinisin nilang area.
Tanghaling tapat na silang natapos ni Bert. Namumula na ang balat niya dahil sa mainit na sikat ng araw. Marami siyang galos dahil sa matataas na damo at ginawa pa palang tambakan ng basura ang bakanteng lupa.
Babalik na sila ni Bert sa bahay, pero nandun pa rin ang puting van. Kunot noo siyang pumasok ng gate dahil nagtataka talaga siya. Biglang pumasok sa isipan niya si Ellaize at medyo kinabahan siya.
Pinagsabihan kasi siya ng babae na huwag itong tatawagan sa ganitong oras dahil nasa trabaho daw ito. Mag send na lng siya ng message mamaya.
"Bert, sumabay ka na lang kaya mag lunch?" imbita niya sa lalaki na parang nag-iiwas ng tingin ito sa kaniya.
"S-sige sir Louie, thank you sir pero may natira pa kasi akong pagkain kanina."Nagtataka talaga siya kay Bert, dahil hindi nagku kuwento ito sa kaniya, sasagot lang ito kung may itatanong siya. Ma kuwento kasi na tao itong si Bert, pero bakit daw ngayon tahimik ito? Parang may tinatago.
"May problema ka ba Bert?" napansin niyang namula ang lalaki.
"Ay wala po sir!" pilit na ngumiti ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
Storie d'amoreShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...