CHAPTER 16 -- Feelings!

35 0 0
                                    

Louie & Ellaize
    
     Na statue naman siya dahil ilang inch na lang ang pagitan ng mukha niya at sa malapad na dibdib ni Louie! Naamoy naman niya ang scent ng lalaki! Parang nanumbalik tuloy ang pagkalasing niya!
     Napayuko  siya dahil para siyang na kuryente sa mga titig ni Louie Stunt.
     Nag backward siya ng konti ng biglang kinabig siya ng lalaki ang kaniyang beywang, at dumantay ang katawan ng lalaki sa kaniya! Kahit may damit siya parang nanunuot at naramdaman niya ang init na umuusbong kay Louie Stunt!
     "Bakit parang ayaw umalis ng body ko sa kaniya?!" naitanong niya sa self niya!
     "Pwedi bang bukas ka na lang bumalik ng El Pescado?" ang lapit ng hininga ng lalaki sa kaniyang tenga na para siyang henehele sa boses nito.
     Tumingala siya ng dahan-dahan at nakita niya ang mukha ng lalaki na parang hahalikan na naman siya nito!
    Hindi pa siguro nawala ang bisa ng alak na ininom niya kaya kinabig niya ang ulo ng lalaki at siya na ang humalik sa labi ni Louie Stunt!
   Pakiramdam niya sa halik ni Louie Stunt may kasamang nag fall na mga meteor mula sa kalawakan!
   Gentle kiss ang response ng lalaki, hindi na torrid kiss like sa nangyaring kiss nung nag alburoto pa siya sa galit kay Louie!
   Isinandal siya ni Louie sa door at masuyo siyang hinalikan at naramdaman niyang gumagapang ang isang kamay ng lalaki sa kaniyang likuran dahil manipis ang suot niyang dress at ang isang kamay ni Louie ay papunta sa kaniyang dibdib!
    Dun siya biglang natauhan! Naalala niya na hindi niya pala ito boyfriend!
   Naitulak niya ang lalaki ng bigla niyang naisip iyun!
   Nakita niya ang lalaki na seryosong nakatitig sa kaniya habang nakasandal pa rin ito sa door at hawak hawak ang labi nito na tila nabitin ito?!
   Tumalikod na lang siya at pumasok ng banyo. Hindi siya lalabas hanggat nandiyan ang lalaki sa kwartong iyun!
   Pero in fairness, gentleman ang lalaki! Baka kung hindi, sa kangkungan ka pupulutin Ellaize!
   "Pero hinawakan niya ang b**bs ko!"
Girl! It's a part of your growing up lang yan!
Ikaw kaya ang humalik sa kaniya!
   Naramdaman niya ang footstep ng lalaki na papalapit ng banyo. Bigla siyang kinabahan baka sapilitan siyang ilabas sa bathroom na yun!

   'Ang dumi talaga ng utak mo girl!'
Narinig niyang tumikhim ito bago nagsalita.
   "I'm really sorry, please don't leave now."
Naramdaman niya ang lungkot sa boses ng lalaki. Ang bait naman nito sa akin!
   "Just leave the room! Please!" kunwari naiirita siya, pero ang totoo baka siya ang hindi makapag pigil!
   Wala siyang narinig na sagot from Louie. Narinig na lang niya ang yabag na paalis at pagsara ng pintuan!
   Mabilis siyang lumabas ng bathroom at papuntang door. Naka lock na pala ang doorknob! Ang lalaki na mismo ang nag lock nito.
   Humugot muna siya ng hangin at napabuntong-hininga, magpapahinga na lang muna siya at bukas na bukas babalik siya ng El Pescado! Nandun kaya ang car niya! Tamang tama may 1 month pa siyang makapag practice driving.
   Pasado 3:30am na sa time ng phone niya.
Naka silent kasi ang phone kaya hindi niya narinig na may ng beep for message.
   From Louie Stunt! "I'm sorry lady"
"Yun lang? Nagsisisi ba siya na ako ang humalik sa kaniya? Ang taray! quits na kaya kami?"
   Pero kinakabahan pa rin siya sa nangyari! "Ewan para yatang wala na akong mukha na makaharap siya!"
   Nakatulog siya sa alalahaning iyun!

Louie

   "Ganito ba talaga ang babaeng ito?" he deep sighed. "Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya! Pinipigilan ko talaga ang sarili ko kanina but she kiss me and she did!" naihaplos niya ang ang mga kamay sa kaniyang labi na parang na feel pa niya ang mga labi ng babae!
   Malapit ng sumikat ang araw pero heto siya, si Ellaize pa rin ang iniisip.
   "Patulugin mo naman ako Ellaize! please!" galit niya sa kaniyang sarili!
   Sa ganung pag-iisip nakatulog rin ang lalaki na ang laman ng utak at puso ay si Ellaize dela Torre!

Ellaize
  
    Napabalikwas siya ng bangon dahil sa kaniyang alarm! 12nn? Pakurap-kurap niyang tiningnan muli ang oras!
   As in 12nn talaga, hindi siya nagkamali? Hindi ito ang time na gusto niyang i alarm kanina, dapat nasa 7am para maaga pa siyang makaalis sa bahay ni Louie Stunt!
   "Anu ba yan nagkamali ba ako ng set sa alarm?"
Hinawi niya ang kurtina na nakatabon sa bintana. Nakatirik na talaga ang araw! At nakita niyang may terrace rin ito at nasa ikalawang palapag siya ngayon.
   Nagulat pa siya dahil ang bahay ni Louie Stunt, malapit sa dagat pala!
  
'Wala talaga siyang kaalam-alam na ang EL Pescado at bahay ni Louie ay mag-kapitbahay lang! Magpakalasing ka pa girl!

"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon