Ellaize dela Torre
Masaya siya ngayon, pero paano bukas?
Dahil last day niya ngayon ng El Pescado, kaya dapat mag enjoy na lang siya all out!
Kinikilig pa rin siya hanggang ngayon dahil pinuntahan siya ni Louie Stunt! At! hindi niya talaga inasahan ang lalaki dahil akala niya busy ito kay female linta!
Hindi man lang niya kasi sinasagot ang mga tawag ng lalaki kahit na tinatawagan siya or mag reply dito. Dahil napaka OA niya! Sobrang tapang, OA naman!
Gusto lang naman niyang mapag-isa, makapag-isip at mag emote😭. Halos dalawang araw iyak lang siya ng iyak dahil kay Louie! Lumalabas lang siya kapag wala ng masyadong tao sa tabing-dagat, wala rin siyang ganang maligo rito.
Akala nga niya, katulad rin ito ni Blake! Ang X niyang babaero! "mabuti nga hindi ko nakita ang lalaking yan ulit dito dahil bagay na bagay sila ni female linta!!!"Ang ipinagtataka lang niya dahil hindi man lang siya niligawan ni Louie Stunt, pero bakit may nangyari na sa kanila? "Hindi ko pa nga narinig na nag "I love you" siya sa akin!"
Kapag nag kuwento nga siya sa kanilang office about sa old fashion na panliligaw, sinasabi nilang boring daw. "Ito na siguro ang sinasabi ni Nathie, yung magugulat ka na lang na sumusunod ka na lang sa flow, mas exciting daw ito!"
Katulad kanina, naging female wild cat siya na parang siya pa ang lumapit kay Louie! Pero kahit galit siya sa lalaki, niyakap niya ito kanina sa likuran at siya pa ang humaplos sa katawan ng lalaki! Nagiging liberated na yata siya!
Nagpupuyos kasi siya sa galit, dahil nakita niya ang pangalan ng lalaki sa tarp na special guest daw ito sa event na ini organize ni Inez! Ang babaeng linta! "Inez pala ang pangalan niya! Hmp! Inez? nakaka INIS siya!"
Pero bakit parang natakot ang lalaki sa kaniya kanina? "Ang gwapo talaga niya! the grayish eyes! oh! my!"
Nagtataka lang siya kanina sa sinabi ng lalaki nung pinipilit niyang tanggalin ang belt nito! Grabe ang emote niya kanina! Pang barangays award!
Parang lahat ng inis at galit niya natanggal pero ang sinturon ng lalaki hindi niya natanggal! Dahil sinabi ni Louie sa kaniya "I'm all yours!" parang titili siya that time! "So ibig sabihin akin lang si Louie! akin lang siya! Walang sayo Inez!"
Kaya babantayan niya talaga ang lalaki mamaya sa event! Baka masipsip ng mga females linta!
Bago sila nagkahiwalay kanina, siniil siya ng halik ni Louie! Bakit kahit walang I love you! ba't parang mutual sila ng lalaki?
Siguro kung walang tumawag na sabay pa ha? sa phone nila! Naks! baka susuko na naman siya kahit walang kaaway!Tama nga pala ang Lola granny niya at pinsang si Joyce na nagmo-model si Louie! Kaya pala invited ito sa event. " Same pala sila ni Blake, Hmp! sana hindi sila same na babaero! dahil pag nangyari! lilitsonin ko sila kasama ng mga kamatis!!!"
Kaya early pa naman, pupunta muna siya ng Mall na malapit sa El Pescado dahil syempre mabili talaga ang beauty ng lola niyo! Yun kanina ang tumawag sa kaniya, ang SkinLine Company. Isa rin siya pala sa mga bisita ng event mamaya! Kinausap pala ng may-ari ng El Pescado ang kaniyang boss na siya muna ang mag represent ng SkinLine Company as a random model!
Mag kaibigan kasi ang may-ari ng El Pescado at Madame president ng SLCOM.
Nagulat talaga siya nung tinawagan siya kanina ng SLCOM. Nakita daw siya ng owner ng El Pescado nung birthday niya kaya bagay na bagay raw siya para sa event! Wow! it's an honor for her!
Pinuntahan niya kanina ang office ng resort. Magiliw siyang kinausap ni Mrs. Luciana, ang owner ng El Pescado! Mabuti at wala ang female linta! Gusto raw siyang makita nito kaya lang super busy daw ito!
Nasa labas na siya ng resort dahil nag-aabang siya ng traysikel na masasakyan papuntang mall, nang biglang may pumaradang gray na sasakyan sa harapan niya! Tinted kasi ang windshield nito kaya hindi niya namukhaan ang nasa loob.
Biglang bumukas ang window ng sasakyan. Kumunot ang noo niya, akala niya kung sino! Ang x lang pala niya! Si Blake!
"Get in Llaize!" sabi nito sa kaniya.
"Ba't nandito naman to? Maghahasik na naman ba ng lagim ang babaerong to?"
Gusto niya talagang sipain ang lalaking 'to papuntang planetang Pluto kaya lang wala na ito ngayon sa universe, siguro sa Mercury na lang para ma litson na yan!Sobrang inis niya talaga sa Blake na yan. Hindi siya ngumiti sa lalaki, pero nakipag plastikan na lang siya! Baka mag mukhang unprofessional siya kapag nagtaray siya sa lalaki!
"No, thanks!" pero kahit na makipag plastikan siya halatang-halata talaga siya!
"Oh! come on! I'm free to help!"
Sasagot pa sana siya kay Blake nang may biglang bumusina? Sports car? "Louie?" pabulong na lang niya, dahil napansin niyang seryoso ang lalaki at parang galit na lumabas ito ng sasakyan!
Nakita niyang bumaba si Louie, at agad siyang nilapitan nito.
"Love? halika na!" Ayan na naman siya sa kaka-love sa akin!
Nakita niyang maigting na nagkatinginan ang dalawang lalaki! May gusto ba sila sa isa't-isa? Joke! parang any moment magsuntukan ang dalawa!
Hinawakan niya si Louie at inaya na sa kaniyang sasakyan. Parang ayaw pa yatang umalis ng lalaki. Bigla naman siyang kinabahan! "Love, let's go...it's ok... nag magandang loob lang siya!"
Mabuti naman at nakinig rin si Louie sa kaniya. Bumalik ito ng sasakyan, habang siya ay nakasunod lang sa lalaki. Pero kahit hindi maipinta ang mukha nito, pinagbuksan pa rin siya ng pintuan para makasakay na.
Napansin niyang grabeng makatingin si Blake ng dumaan ang sasakyan ni Louie sa tabi ng sasakyan nito.
"Bakit kinakausap mo pa siya?" tanong ng lalaki habang nag drive. "Anong sabi niya? May alam ba siya tungkol sa aking past? Mukha nga!"
Alam na alam niyang pag ganitong maselang mga bagay bagay, ang pinsan niyang si Joyce lang naman ang may talent ng ganito! Kaya lang pagdating sa kaniya, respetong totoo ang pinsan niya sa kaniya!
"I feel something bad with that guy and please stay away fro him!" sabi pa ni Louie sa kaniya na parang isa itong warning!
Tumahimik na lang siya, hindi naman sa natatakot siya sa lalaki pero nagtataka talaga siya kung bakit ganun ang actuation ng lalaki. At saka ba't pala siya sumakay dito? Hindi man lang nagtanong ang lalaki kung saan siya pupunta?
Napansin niyang malapit na sila sa mall, kaya nagsalita na lang siya.
"Please, ibaba mo na lang ako dito." bigla siyang nawalan ng excitement dahil sa inaakto ng lalaki. Hindi man lang ngumiti sa kaniya!
"Don't worry dito rin ako pupunta." kaya pala lumiko ang lalaki papuntang carpark.
Nag park na ang lalaki, hinihintay na lang niya na bumaba ito pero hindi, nanatili sila sa loob ng sasakyan nito.
Parang nag dry ang lalamunan niya dahil nakatitig pala ang dalawang grayish eyes ng lalaki sa kaniya! Bigla tuloy nailang naman siya, but this time Louie hand her soft face na ikinabigla niya. Inilapit ng lalaki ang mukha nito sa kaniya.
"Please, stay away from him." yun pa rin ang sinabi ng lalaki sa kaniya na akala talaga niya naka move on na ito. "Bakit suyang-suya ito kay Blake!? Syempre! ikaw nga Ellaize nasusuka sa pagmumukha ng womanizer na yun!" sabi ng utak niya.
"Don't mind him." Nasabi na lang niya para tapos na dahil sa tingin niya kay Louie parang mag huhurumintado ito! Kaya hindi na siya nakatiis na magtanong.
"Nag kuwento na ba ang pinsan ko sayo?" binitawan ng lalaki ang mukha niya at napasandal sa headboard ng sasakyan nito.
"Nope! dahil nagtanong ako sa kaniya, masama ba? It's not good idea kung palagi kong nakikita na kinakausap mo ang unggoy na yun." Mahinahon na sinabi ng lalaki sa kaniya. Kaya pala! alam na ng lalaki na x niya si Blake! "What? nagseselos si Louie? Gosh! Ang haba naman ng hair ko kahit hindi!" Para siyang tatawa sa natuklasan niya!
"Is there something wrong? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Lumapit ulit ang gwapong mukha ni Louie sa kaniya! malapit na malapit! Kaya wala na siyang nagawa dahil kinulong na ni Louie ang mga labi niya sa labi nito! Para siyang malunod sa mga halik ng lalaki at para siyang kakapusin ng hininga bago siya binitawan nito!
Hindi niya namalayan na bumukas ang door ng sasakyan, nasa baba na pala ang lalaki hinihintay siya.
Hinawakan ng lalaki ang mga kamay niya na parang proud pa ito na kasama siya.Pumasok sila ng mall ni Louie na magkahawak kamay. Kinikilig halos lahat ng mga parts of the body niya! Dahil sinamahan siya lalaki na maghanap ng maisuot niya mamaya. Bikini open sabi ng owner ng El Pescado. Once in a lifetime lang naman ito kaya game siya!
After that, kumain sila ni Louie sa isang restaurant, na parang date! Kaya lang may hinihintay talaga siya na masabi ng lalaki sa kaniya pero nakabalik na sila sa resort wala talaga.
Hinatid siya ng lalaki sa room niya at hinalikan ulit siya sa mga labi niya na parang sila na talaga! Nagpaalam si Louie sa kaniya dahil uuwi muna ito. Pero wala siyang narinig mula sa lalaki!
Naramdaman naman niyang may ipinahiwatig ang ginagawa ng lalaki sa kaniya, pero babae siya! May tainga! "Kailan kaya niya sasabihin sa akin!?"
Ito ang gumugulo sa isipan niya, na gusto niyang malaman kung pareho ba silang nararamdaman ni Louie Stunt?
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...