CHAPTER 6 -- Pissed off

59 0 0
                                    

Ellaize dela Torre

Nanlaki ang mga mata niya kay Louie Stunt! Naka half naked ito at naka boxer lang, at ginawa pa niyang pang peace sign ang sando nito! Hindi niya kasi akalain na pinapanood pala siya kanina pa ng babaero na maniac pa! Pero ok lang nakaganti siya dahil binato niya ito ng bulok na bulok na pomelo. "Buti yun sa kaniya!"
Batuhin niya ulit sana si Babaero! Kaya lang natuod siya kanina!
E bakit naman natuod ka girl?!?
"Ah! Basta! Humanda ang lalaking yun sakin! Ang maniac niya! Grrr!"
Kaya ka siguro natuod, nakakita ka ng abs!

Mabilis siyang nag bihis at bumaba ng kwarto niya. Ang feeling niya talaga na mas grabe ang inis niya ngayon kesa kagabi!
Parang gusto niyang mag transform as a Simba (Lion King) at mag roar ng roar ng malakas! O di kaya'y mag collect siya ng maraming maraming bulok na fruits para ibato lahat ito sa lalaki!
Sinalubong siya nito ni Joyce na nakangiti, pano niya ito magantihan ng ngiti dahil naiinis nga siya!

"Hi ate!ang aga-aga eh parang pinag sakluban ka ng bahay at lupa!" bati sa kaniya ni Joyce.

"Akin na ang phone mo Joyce!" command nito sa pinsan niya na hindi man lang affected sa tinuran niya.

"Ay! oo ate. Ito o!" excited pa nitong binigay sa kaniya! "Sayong-sayo na yan ate! Sige na, go!"
Tila alam na alam na nito ang gagawin niya! "ay teka ate sandali lang" may pinindot ito sa phone niya.

Loka-loka talaga tong pinsan niya! Ini- ready na pala ang number ng gusto niyang tawagan! Si Louie Stunt!


Inilagay niya ang phone sa kaliwang tenga niya, habang papunta siya sa kanilang laundry area para hindi marinig ng kaniyang lola! At naka sunod na naman ang pinsan niya...pero ng lingunin niya ito, wala na ito.
Nag ring na ang line na tatawagan niya.

"Hello?" sabi sa kabilang linya."Friend? Did you tell her already?" dugtong tanong ng boses sa kabila.
Nakikinig lang siya, para siyang natameme sa boses pa lang. Ito ba talaga ang boses nito? Para siyang napipi, grabe naman kasi ang boses na alam niyang si Louie Stunt ang sa kabilang line! Parang DJ sa isang favorite niyang FM station ang boses nito!
Kanina pa pala hello ng hello ang lalaki, naalala niya 😠galit pala ang peg niya!

"Hoy! Babaerong manyakis! Ako to!ang babaeng binobosohan mo! Gwapo ka pa naman sana! kaso Babaerong manyakis ka naman!" sigaw nito kay Louie.

"Hey! hey! Watch your word lady," si Louie sa kabilang line. "FYI (for your info) hindi kita binobosohan, napaka judgemental mo naman." defensive na sabi ni Louie.

"Ofcourse! dapat lang na magiging judgemental ako sa katulad mong babaero!" nangungutya ring sabi niya sa lalaki!

"Stop calling me babaero! You don't know me well lady", cool na cool pa niyang sabi.

"Babaero! Pagbabayaran mong pamboboso sa akin!" yun lang at ini off niya ang phone.
Kinuha niya ang pamaypay na gawa sa buri na nakasabit sa gilid nang washing machine at namaypay ito. Feeling kasi niya magka high blood siya ng mas maaga sa lalaking yun!
Inis na inis niyang hinanap si Joyce, paglabas niya sa kanilang laundry area nakita niyang nakadikit pa ang mukha nito sa dingding na tila nakikinig ito. Nakatalikod kasi ito kaya hindi siya nito namalayan na nasa likuran na siya nito.

"Babaeng tulay!", gulat namang humarap agad si Joyce sa kaniya, namumula ang mukha nito. "Ano bang pinag-usapan niyo ni Louie Babaero?" diretsahang tanong nito sa kaniyang pinsan.
Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.

"Ate, kumalma ka muna", mahinahong sabi sa kaniya ni Joyce at inagaw ang pamaypay at ito na ang nagpaypay sa kaniya.
Inakay pa siya ng pinsan niya sa dining area at pina upo pa siya. Kumuha pa ito ng malamig na tubig sa fridge at pina inom sa kaniya, nakamasid lang siya sa ginagawa ng pinsan niya.

"Pagpasenyahan mo na lang si kuya Louie, hindi naman talaga niya sinadya yun ate ang nangyari kanina", paliwanag sa kaniya ng pinsan niya. Magsasalita na sana si Joyce ng bigla siyang tumayo, naningkit ang mata niya sa inis!

"Joyce, hindi niya sinadya? Na kitang-kita ng dalawa kong mata", sabay turo nito sa kaniyang mata.

Hahaha! baka katawan ni Louie Stunt ang nakita mo, girl! Di kaya?

"Nagtago pa nga siya sa flower pot na nandun sa terrace nila eh!" galit pa niyang sabi. "Yun ba ang sinasabi niyong mabait? Kadiri kaya siya!", umakto pa itong nandidiri siya.
Nakangiting nakikinig lang ang bruha!
"Sabihin mo ito sa kaniya, ipapa Barangay ko talaga siya! Walang hiya siya!"

"Sus! ate Ellaize naman! Mabait yun! Baka nagagandahan lang siya sayo kaya hindi niya napigilan na panoorin ka. Uy!"

"Tigilan mo na yang pagiging tulay mo ha?!Ipapa putol talaga kita, teka? para yatang kinakampihan mo yung Louie manyakis na yun ah!?"

"Hindi naman sa ganun ate, sige ka ibibigay ko ang number mo sa kaniya!"
Hinahamon yata ako ng pinsan ko ah!,

"Go! kaya mo yan girl! gusto mo ibigay mo na rin sa akin ang number niya para malaman niya na nagkamali siya ng taong binangga niya!"kunwa-kunwari ka pa Ellaize!

"Hehehe! sorry ate, na save ko na nung isang araw sa phone mo, hindi mo ba nakita?" nakatawa pang sabi ng kaniyang pinsan na tila kinikilig naman ito!

"Pwedi ko rin bang ibigay ang number mo kay kuya Louie, ate?"

Natigilan siya, ang buong akala niya naibigay na ni Joyce ang number niya sa impaktong Babaero na yun!
Oh! ba't nanghihinayang ka Ellaize? Nagtatakang tiningnan niya si Joyce.

"Sige na ate umuo ka na, dali!" parang nabasa yata ng pinsan niya ang isip niya.

"Mabuti naman at may natira ka pang respeto sa akin no?!" turan niya sa kaniyang pinsan.

"Syempre naman ate, I respect you naman talaga", pinindot pa nito ang kaniyang tagiliran. Marunong talaga magdala ng kaplastikan ang pinsan niyang ito ah!

"Thank you ate" at hinalikan pa siya ng kaniyang pinsan sa pisngi. "So ok ka na ate? hindi ka na galit ha?" nakangiti pa hanggang tenga ang pinsan niya!

"Ops! huwag ka munang magsaya! Galit pa rin ako sa kaniya no! Kaya ikaw babaeng tulay, sabihin mo dun sa lalaking hilaw na yun na ang panget niya!"

Tinawanan lang siya ng kaniyang pinsan, na tila kinikilig naman ito.

"Ate ikaw na lang ang magsabi niyan, hindi naman totoo na pangit si Kuya Louie!", tanggi pa niya.
Grabe talaga tong pinsan niya, pwedi nag joke lang! He's handsome, pero manyak naman, at ito pa! Ganyan talaga ang mga mukha ng Babaero! Gwapo!

"Ate, matanong ka nga!? Ikaw ba'y hindi nakikilig sa mga ganiyang mukha tulad ni kuya Louie? Alam mo 'te? pati butiki, naiihi sa kilig diyan kay kuya Louie, ikaw lang hindi!" namimilog pa ang mata ng pinsan niya habang nagsasalita.
Pigil na pigil lang naman siya, anung gagawin niya ipangalandakan ang na feel niya! Ay! Mukhang nakilig na rin siya!

"Pakialam ko kung lahat kayo makilig diyan sa babaero na yan!" tinirikan niya ng mata ang kaniyang pinsan.
Naiinis tuloy siya sa kaniyang sarili, dahil para yatang may pumipilit na buksan ang puso niya! Hindi maaari ito! Masasaktan ka na naman Ellaize!

Nag timpla na lang siya ng coffee para pantanggal ng kilig este stress pala! Nagpaalam na si Joyce may gagawin daw sila ni lola granny at aling Mimi ngayong araw, teka ba't hindi siya kasali?

"I Love You...Man" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon