Ellaize dela Torre
Akala niya ma surprise niya si Louie, hindi pala dahil siya pa pala ang masu surpresa ng lalaki!
Nakiusap raw pala si Louie sa pinsan nito na si Arthy na pakiusapan ang lola granny niya na dun muna siya sa bahay ng lalaki sa dahilan na may nagbabanta sa kaniya at pumayag naman agad ang matanda. Dahil malaki na raw siya at alam ang ginagawa!
At dahil mas safe siya dun dahil dito raw sa bahay nila puro silang babae at walang magtatanggol sa kaniya!
Konsintidora talaga ang lola niya sa kaniya, at malaki ang tiwala nito kay Louie.Tamang-tama naman dahil ilang araw na lang babalik na siya sa kaniyang trabaho sa Manila.
Kaya heto siya, hindi niya akalain na matagpuan siya ni Louie na naliligo sa pool ng lalaki! "Tulog na tulog naman to nung pumasok ako sa kwarto niya ah? Hindi pa nga niya naramdaman na hinalikan ko siya sa lips! Grabe talaga ang sense of smell ng love ko!"
Dahil miss na miss niya ang lalaki, at magiging husby na niya ito soon! Kaya lahat ng mga organs niya sumusunod na lang sa ginagawa ni Louie. Lalung-lalo na si brainy and hearty niya na parang wala siyang narinig na complain sa mga ito!
In short lahat ng mga organs niya nagkasundo at excited ang mga ito na maangkin siya ni Louie Stunt!Kahit pigilan niya ang self niya not to moan, pero hindi niya nagawa! Dahil sa mga labi ni Louie Stunt na malayang naglalayag sa kaniyang buong katawan, mapapa moan talaga siya....
Lahat ng agam-agam niya iwinaksi na lang niya dahil sa pagmamahal niya kay Louie... Lahat ibibigay niya para sa lalaki!
Pagkatapos nilang pagsaluhan ang mga sandaling iyun, heto sila ni Louie masayang sabay na naliligo sa pool. Hindi talaga siya makawala sa bisig ng lalaki at ang mga labi niyang lagi na lang sinasakop ng halik ni Louie! At palaging sinasabi ng lalaki na mahal na mahal siya nito.2 DAYS LATER....
Babalik na siya bukas ng Manila, napansin niya kasing wala ng stocks na pagkain si Louie. Hindi na niya ginising ang lalaki para masamahan siya sa market.
Parang tumahimik na ang stalker nila. Hindi na siya nakatanggap na kahit anung pagbabanta. Pero mag-iingat pa rin siya.
"Bert, pakisabi mo na lang kay Louie na pupunta lang ako ng market."
"Ma'am, sana ginising mo na lang si sir para masamahan ka niya."
"Ok lang ako Bert, sige na, paki open na lang ng gate.Salamat"
Lumabas na ang kotse niya sa gate nang may napansin siyang black motorcycle!
Hindi talaga siya nagkamali, yun din ang nakasunod sa kaniya nung araw na mag date sana sila ni Louie na humantong pala sa engagement proposal nila ng lalaki.
Nagtataka na talaga siya, parang babalik siya sa loob ng bahay, kaya lang baka mahalata siya nito.
Hindi na black ang suot nito, naka brown naman ito at naka pointed boots na brown din. "Stalker ko ba ito?"
Pero tumuloy pa rin siya, dahil ang inalala niya si Louie para hindi na ito mahirapan na lumabas para bumili ng pagkain nila ni Bert.
Lagi na lang instant ang laman ng fridge nito at cabinet at gusto niyang bumili ng mga fruits, bigla siyang nag crave ng banana at pomelo.Nang lumiko siya pakaliwa, dahil ito ang daan papuntang market, bigla siyang nakaramdam ng hilo. Nung isang araw nakaramdam din siya nito. Mabilis niyang kinuha ang essential oil na dala dala niya para langhapin ito.
Hindi siya muna bumaba ng kotse niya ng makapag park na siya dahil pinakiramdaman niya kasi ang sarili niya kung ok na siya.
"Anu ba nag nangyari sa akin? hindi ko naman ito naramdaman ah?" nagtataka rin siya.
Plano na lang niya na pagdating niya sa Manila bukas, magpapa check up siya sa clinic ng office nila.Medyo ok na ang pakiramdam niya, kaya bumaba na siya. Maraming tao sa wet market na iyun kaya hindi siya natatakot kung sinusundan talaga siya.
Ang una talaga niyang nilapitan ang fruit stand ng banana at pomelo. Ewan niya parang takam na takam siya sa banana at pomelo!
BINABASA MO ANG
"I Love You...Man"
RomanceShe became a man-hater because of her traumatic experienced to her x-boyfriend!!! And she never tried to commit herself again in a relationship. She don't mind even they called her an old maid!!! Even she's single and never ever to mingle...because...