Prologo
Disyembre 19, 2023
Kasalukuyan“BACLARAN, BACLARAN! KASYA PA DALAWA OH!” narinig kong sigaw ng konduktor ng jeep pagkalabas ko ng bus station.
Nandito ako sa Pasay City ngayon at tulala pa rin ako sa mga nakikita ko. Ang laki na ng pinagbago ng Metro Manila, gosh!
Mas luminis na ang mga terminal unlike before. Maayos ding naka-arrange ang mga jeep dito, mas maayos pa sa relasyon niyo, char! Bukod do'n ay nagkalat ang mga trashcans sa paligid kaya wala kang makikitang basura sa sahig or kung saan-saan, tanging mga basurang tao lang. Charot ulit! May mga designated din na waiting area dito na may libreng WiFi. Parang ang sarap tuloy tumambay dito. Dito na lang kaya ako manirahan? Char!
Hindi ko in-expect na magugulat ako nang sobra pagkalabas ko ng bus station. Who would have thought na magiging ganito kaayos ang mga bus at jeep stations dito?
Anim na taon din akong hindi nakapunta sa dito sa Manila. Simula kasi no'ng namatay si tatay, sa Baguio na kami nagpatuloy ng pag-aaral at tumira. Nag-shift na rin ako ng course from Business Management to BS Education. Nang makatapos ako ay sa Taytay, Rizal na ako nagturo kasama ang friend kong si Janina na Jason ang pangalan sa tunay na buhay at ang nanay-nanayan ko na si Ma'am Tanya na may-ari ng apartment na tinitirahan ko do'n.
Sa paglipas ng mga taon, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta ulit dito. Ewan ko. Baliw na ata ako. Char! Busy kasi ako sa mga anek-anek ko sa buhay. Bukod pa do'n, ngayon ko lang din tuluyang natanggap ang pagkamatay ni tatay. Baka mabaliw ako nang wala sa oras kapag nagpunta ako dito dahil sa bawat sulok at eskinita sa lugar na ito, naaalala at nakikita ko si tatay. Ang sakit kaya, siz!
Marami na rin ang nagbago sa loob ng anim na taon kong pananahimik at pagpapakalayo-layo. Char! Medyo okay na ang relasyon namin ni nanay, though may espasyo pa rin sa pagitan namin. Ewan ko ba, sadyang hindi talaga kami close ni nanay. At mas lalong lumala 'yon dahil sa mga pangyayari sa buhay namin no'ng nakaraan.
Naging close na rin kaming magkakapatid kay Tito Ed na bagong asawa ni nanay. Mabait naman ito at parang anak na rin ang turing sa akin at sa mga kapatid kong mukhang ipis. May sarili itong business sa Baguio kaya halatang yayamanin ang lolo mo. Sabi ni nanay, sa Batanes niya daw nadagit itong si Tito Ed. Do'n daw sila nagka-in-love-an. Sana all.
Biyudo na itong si Tito Ed at mayroong isang anak na babae na Elaine ang pangalan. Close ko na rin 'tong si Elaine. Feeling ko nga mas kapatid pa ang turing niya sa'kin kaysa sa mga kapatid kong mukhang ipis, e. Chix rin 'tong batang ito. Kasing edad na niya si Reineir. Shhh lang kayo, ah? Medyo nagka-something kasi 'tong si Elaine at Reineir pero 'di rin nagwork kasi nga sisteret na namin 'tong si Elaine. Buti nga. Charot!
Speaking of Reineir, ayon. Binata na. 20 years old na siya last year, hindi ko lang sure ngayon. Char! 3rd year Architecture student na siya sa UST at may sarili nang condo, halatang nakaka-LL sa buhay. Char ulit! Hindi na siya patpating bata. Hindi na rin siya boses at mukhang ipis. Ang lakas na maka-boyfriend material ng dating ipis na 'to. Mas matangkad na siya sa'kin ta's natututo na rin siya kung paano magpatubo ng muscles at abs. Kahit ayaw kong aminin, lumalaking gwapong bata ang dating boses at mukhang ipis na 'to. Halatang ring marami siyang chix! Charot! Loyal nga pala ito kay Elaine.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...