Kabanata 1
Mayo 2017
Anim na taon na ang nakalilipas
“Mag-iingat ka palagi. Hangad ko na mahanap mo ang kaligayahang hinahanap ng puso mo.”
“Mahal kita.”
Tinalikuran na niya ako at hindi na muling lumingon pa. At batid ko na kasabay ng pagtalikod niya, ay tuluyan nang mapuputol ang kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kakaibang panaginip na 'yon. Ang weird, sobra. Hindi ko na maalala 'yong mukha no'ng lalaking kausap ko, pero parang sa panaginip ko kilalang kilala ko siya.
'Tsaka bakit ko naman siya sasabihan ng 'mahal kita'? Wala rin naman akong maalalang may sinabihan ako nang ganon maliban sa mga magulang ko. Wala pa rin naman akong nagiging boyfriend. Duh, NBSB 'to! 'Tsaka wala sa isip ko 'yon.
“Hoy, Anne! Ang kintab na niyang table, a! Tignan mo kita na mukha mo.” narinig kong biro ng katrabaho kong si Jason na si Janina na ngayon.
Natauhan naman ako at agad na napatingin sa lamesang kanina ko pa pala kinukuskos. Sobrang kintab na nga. Lechugas! Lutang na lutang ba ako ghorL?
Ngayon ko lang din napagtanto na nandito pala ako sa Las Cervantes Gourmet, restaurant na matatagpuan dito sa Roxas BLVD. Dito ako nagtatrabaho. Nakakainis na panaginip 'yan, nawawala tuloy ako sa focus.
Napailing na lang ako nang marinig ang mahinang paghagikgik nito.
“Ang lalim naman ng iniisip mo, beh. Baka malunod ka diyan. Lalaki 'yan 'no? Naku Anne, ha! Pag nalaman ni Mang Ando 'yan, taypa ka!” pang-aasar pa nito. Napasimangot naman ako. Ano 'to, pool para malunod ako? Tsk.
“'Wag ka nga maingay, baka marinig tayo ni Ma'am Glen. Ang daldal mo.” pagsasaway ko dito nang mapagtanto kong nakaupo lang si Ma'am sa pinakadulong mesa na malapit lang sa amin. Busy ito sa pagkakalikot sa laptop niya. Ewan ko kung anong trip niya, char!
“K.” tanging sagot lang nito at pumasok na ulit sa kitchen. Natawa na lang ako sa inasta nito. Parang bata talaga, e. Kala niya kinakyut niya 'yong pagganon-ganon niya.
Itinuloy ko na lang ang pagpupunas sa mga katabing mesa. Bago ako pumasok sa kitchen ay tinignan kong muli ang kabuoan ng Las Cervantes Gourmet. Kaunti pa lamang ang tao dahil 2PM pa lamang at Lunes ngayon. Kaunti talaga ang tao sa mga ganitong oras.
Ang lakas maka-yayamanin ng ambience ng restaurant na ito. Traditional theme ang mga gamit. Mahilig kasi sa mga gan'to si Ma'am Glen na siyang may ari ng resto at naging history teacher ko no'ng 1st year kaya madali akong natanggap dito. Working student ako at mahigit anim na buwan na rin akong nagtatrabaho dito. 19 years old na ako. Tinatanong mo ba kung kamusta na ako? Eto, maganda pa rin.
Kasalukuyang bakasyon ngayon kaya ang pasok ko ay mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Sa pasukan ay magbabago ang sched ko dito, dipende sa sched ng klase ko. Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako sa tuwing maaalala ko kung bakit ako napilitang pumasok dito. (Hindi ako baliw, a? Siyempre dagdag effect lang sa narration, gano'n.)
Pitong buwan na ang nakakalipas simula noong matanggal si tatay sa pinagtatrabahuhan niyang construction site dahil sa nakaaway nitong katrabaho. Simula noon ay nahirapan na siyang kumuha ng trabaho. Siya lang ang nagtatrabaho sa amin at sumusuporta sa aming tatlong magkakapatid. Ako ang panganay. Sumunod sa akin si Reineir na 3rd year high school pa lang at ang bunso na si Rebecca, pitong taong gulang at kasalukuyang grade 2 student. Si nanay? Iniwan na niya kami.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...
