KABANATA 20

0 1 0
                                    

Kabanata 20










Ngayong gabi, napatunayan ko sa sarili ko na totoo pala 'yong mga sinasabi nila. Na wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na mahalin ka pabalik. Wala nang mas hihigit pa sa sayang dulot ng katotohanang mahal ka rin ng taong mahal mo.




Pakiramdam ko, ako ang pinakamaswerte at pinakamasayang babae sa mundo sa mga oras na 'to. Ganito pala 'yong feeling ng gano'n, 'no? Pakiramdam ko, nakalutang ako sa alapaap. 'Yong tipong pati mga anghel nakiki-celebrate sa sarap at sayang nararamdaman ko. Ang saya-saya! Ang sarap-sarap!




“Mahal din kita, Resi.”




Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong mga salitang ibinulong niya sa'kin kanina. Perengtenge talaga! Pauwi na kami ngayon dahil tapos na ang fireworks display pero hanggang ngayon, pakiramdam ko nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nagkakahiyaan din kami pareho kaya hindi pa kami nag-uusap. Akala ko nga nagsisisi siya sa sinabi niya dahil hindi niya ako kinakausap, e. Pero ang impakto, nakikita ko sa pheriperal vision ko na pasimpleng ngumingiti. Langya! Enebe, Sher!




Pero hindi ko pa rin maiwasang itanong sa sarili ko. Sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit ako? Marami namang iba diyan. Marami naman siyang nakikilala at nakakasalamuhang ibang babae. Maraming mas maganda at mas jowable kaysa sa'kin. Pero bakit ako ang napili niya?




'Tsaka kung mahal na niya ako noon pa, bakit hindi niya sinabi sa'kin no'ng last meet up namin? Bakit hinayaan niya lang akong ngumawa nang ngumawa sa kalye no'n? Bakit niyurakan niya ang pagkababae ko? Char! Ano, nagpapabebe rin siya? Char!




“Bakit?” kunyareng seryosong tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa daan. Ako na ang bumasag sa katahimikang dulot ng kalandian naming dalawa, char! Busy siya sa pagmamaneho pero naramdaman ko na lumingon siya sa'kin.




“Anong bakit?” takang tanong nito. Pasimple naman akong napangiti.




“Bakit hindi mo 'to sinabi sa'kin noon?” curious na tanong ko sa kaniya. Sinadya kong gawing seryoso ang tono ng pananalita ko. Wala lang. Trip ko lang. Ganito kasi sa mga movies, e. Para kunyare may drama effect kami. Char!




Narinig ko namang mahinang natawa ang impakto kaya napalingon ako sa kaniya. Nuenakakatawa, beH? Seryosong seryoso ako sa'yo— este sa tanong ko, ta's tatawanan mo lang?




“Ang saya mo naman, siz!” kunyareng inis na sabi ko. Pagbigyan niyo na mga guys, minsan lang ako magka-lablayp. Mas natawa naman siya dahil do'n sa sinabi ko. Nang mahimasmasan siya ay lumingon na rin siya sa'kin at ngumiti. Dahil do'n, agad ko na namang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. T*enang Abdul 'to! Ngiti pa lang maiihi ka na sa kilig, e. Mas kinilig naman ako nang ma-realize ko na akin na siya. Wieee!




“Oo, Resi. Masaya talaga ako sa'yo.” nakangiting sabi nito habang nakatitig sa'kin. Shems! Dahil do'n, agad naman akong napaiwas ng tingin at ngumiti. Eto na naman tayo sa mga banat-banat niyang ganiyan, e. Perengtenge talaga, Sir! Enebe!




Nang mahimasmasan naman ako sa kalandian ko, nilingon ko ulit siya. Nakangiti ito habang nagmamaneho. Perengtenge talaga!




“Pero bakit nga?” curious na tanong ko sa pangalawang pagkakataon. Ewan ko ba kasi dito kay Abdul. Ayaw na lang kasi sagutin. Pasalamat siya mahal ko siya.




Lumingon naman ito sa'kin at ngumiti. Pero iba ang ngiting 'yon. Ewan ko ba, pero parang ang lungkot-lungkot ng ngiti niya. Pagkatapos no'n ay agad rin niyang binalik ang tingin sa harap at biglang natawa. Napakunot naman 'yong noo ko dahil do'n. Ba't ba bigla-bigla siyang tumatawa? Nababaliw na ba siya sa'kin? 




Love in ErmitaWhere stories live. Discover now