KABANATA 10

0 1 0
                                    

Kabanata 10










“Bakit naman, Sir? Naku Sir, baka maunahan ka ng iba. Kailan mo po siya balak ligawan?” tanong ko pa. Nakakapanghinayang ang oras, beH. Hindi naman sa pang aano ah? Pero siz, 32 na siya. Ano pa ba'ng hinihintay niya?





“Pag nakapagtapos ka na ng pag-aaral.” sagot nito na nakapagpatigil sa'kin sa paglalakad.





Shems!





Napalingon agad ako sa kanya. Nakatingin ito sa akin at agad na nag-iwas ng tingin at ngumiti. Shems! Ano ba 'tong pinagsasabi niya?





Tumingin ulit ito sa'kin at nahihiyang ngumiti.





“Sana hindi magkatotoo 'yang sinabi mong mauunahan ako ng iba kapag hinintay ko siya. Goodnight, Resi.” nakangiting sabi nito at tinalikuran na ako. Dumiretso na rin ako ng lakad pauwi nang may ngiti sa labi.





Ngayon, sigurado na 'ko. Ako nga 'yong gusto niya. Kasi 'di ba, bakit niya ako sasabihin ng gano'n kung hindi niya pala ako gusto?





Ganito pala 'yong pakiramdam na nagmamahal at minamahal pabalik. Parang hindi nakakapagod ngumiti. Parang ang saya-saya lang, gano'n. Feeling ko lumilipad ako sa mga ulap. Waaaah!





No'ng nagustuhan ko si Sir, akala ko mabibigo ako. Kasi naman, kung titignan mo maigi, hindi talaga kami pwede. Bukod pa 'yong katotohanang hindi niya ako mahal.





Pero pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, nawala lahat ng agam-agam sa puso ko. Sa pamamagitan lang ng mga salitang binitawan niya, nawala lahat ng sakit sa puso ko na itinatago ko simula no'ng araw na minahal ko siya. Nagkaroon ako ng pag-asa.





Sayang ang dinrama ko. May pa hurt hurt pa 'ko no'ng isang bes, mahal niya rin pala ako. Nux!





Enebeee sher! Perengtenge ke telege!





Ngayong gabi, nakatulog ako nang payapa at may ngiti sa mga labi dahil kahit saan kami dalhin ng pagkakataon, kahit saan kami tanggayin ng mga hadlang na pilit sinisira ang aming ugnayan, kahit na malabo ang kinabukasan, alam ko na mahal niya ako.











Monday na ngayon. Next week quiz bee na. Excited na excited pa naman ako pumasok ngayon kasi magkikita kami ng mahal ko, pero wala namang Nicodemus Abdul na nagpakita sa klase. Dep*ngal 'yan! Sabi ni Claire ('Yong blockmate namin na may future sa pagiging security guard) may seminar daw lahat ng Economics prof sa QC. 5 days daw 'yon. T*ng-inang seminar 'yan! 5 days amp*ta! Kakabanas!





Okay lang, alam ko naman na ako pa rin ang gusto niya. Wiiiii!












After 48 years, Monday na uliiiit! Akala ko hindi na darating 'tong araw na 'to. Ang tagal kasi ng oras, e. Lalo na kapag nasa school ako. Nakakaburyong! Gano'n pala talaga kapag in-love, 'no? Mabagal umusad ang oras kapag hindi mo nakikita at nakakasama ang taong mahal mo, kabaligtaran naman kapag nakikita at nakakasama mo siya. Hayst. Bakit kaya gano'n?





At dahil Monday na nga ngayon, ngayon na rin gaganapin ang Utak Ekonomista. Nandito kami sa Auditorium. Siguro nasa 30 kami na nakaupo sa hiwa-hiwalay na mga table. Nasa kabilang side naman ang mga proctors at professors. 30 minutes pa bago magsimula ang contest kaya panay ang review ng mga kasama ko. Habang ako, nakaupo lang.





Nakaupo ako sa may gitna, at hindi mapirmi ang mga mata ko kakatingin sa kabilang side kung saan nakaupo ang mga professors at proctors. Asan na ba kasi siya?





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now