Kabanata 5
“I told you. It's not safe to walk here alone. Ang tigas ng ulo mo... Asenar.” sabi nito at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Si Sir nga! Teka, kilala niya ako?
Napalingon naman ako kaagad sa kanya. Tumigil na rin ito maglakad. Naka blue na T-shirt at pajama siya. Parang matutulog na. Pero bakit siya nandito?
“S-sir? Kilala niyo po ako?” takang tanong ko sa kanya. Gano'n na ba ako ka-famous para makilala niya agad? Char!
Napangiti naman si Sir at itinuro ang likuran ko. Agad kong naalala na may surname pala ang likod na part ng uniform namin sa trabaho at mas madali pa itong nakikita dahil sa harap ko isinusuot ang bag ko. Napakamot na lang ako sa ulo with matching ngiti nang marealize ko ang kagagahan ko. Pot*k talaga.
“Maybe, you're the same Asenar in my class. Am I right?” tanong nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinabayan ko naman siya. Ayaw ko na maging rude this time. Duh!
“Opo, Sir.” maikling sagot ko. Ayaw ko naman maki-FC dito kay Sir. 'Di naman kami close, char!
“Where do you live?” tanong nito na agad nakapagpatigil sa'kin. Teka, ang bilis naman nito si Sir. Sir, kalma lang. Darating din tayo diyan. Sir, enebe weg ngeyen. Char!
“I mean, may apartment sa tabi ng resto na pwedeng tuluyan if ever na malayo ang bahay niyo. I guess, dito ka lang naman sa Ermita nakatira, right?” pagbabawi nito nang maramdaman niyang sobrang inappropriate ng tanong niyang saan ako nakatira. Sayang, akala ko mamamanhikan na. Char!
“Malapit lang po ang bahay ko dito, Sir.” nasabi ko na lang at nginitian siya para hindi niya isiping big deal sa'kin 'yon.
“Dito na lang ako, Asenar. Malapit na ang condo ko dito. Ingat ka. See you in my class!” sabi nito nang makarating kami sa kanto ng Mabini St. Sa condo pala siya nakatira. Nux, payaman!
“Sige po. Ingat po kayo. Salamat po ulit, Sir!” nakangiting sabi ko. Ngiti na lang din ang isinagot niya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Nang malapit na akong makarating sa Bocobo St, parang may kakaibang pwersang nagtutulak sa'kin para lumingon sa likod. Alam ko namang wala na si Sir do'n pero lumingon pa rin ako. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nadoon pa rin siya. Nakatayo kung saan ko siya iniwan. Nakatingin sa'kin. Agad naman akong napaiwas ng tingin at pasimpleng ngumiti sa dilim.
Lampas isang buwan na ang nakalipas simula ng magsimula ang simula ng klase. Huh? Hahahayst. In other words, kalagitnaan na ng July ngayon. Ang bilis ng araw, kasing bilis ng paglisan niya, char!
Gano'n pa rin ang buhay. Bahay-school-trabaho. Paulit-ulit lang. Parang kat*ngahan mo. Char ulit!
Hindi naging boring ang Economics namin ngayon. Ang funny kasi magturo ni Sir. Madiskarte siya sa pagdidiscuss ng mga topics para raw 'di kami mabored at humanap ng iba, char! Palabiro rin siya pero minsan seryoso. Ang gwapo niya kapag seryoso ang mukha niya. Sana ako rin seryosohin niya. Char! Sa buong college life ko, ngayon lang ako natuwa sa Economics, bukod kasi sa magaling magturo si Sir, e sobrang charming pa. Joke! Hindi ko talaga siya crush. Nagagwapuhan lang po, ako. Pramis! Hahahayst.
Sa loob ng isa at kalahating buwan, namanage niyang makilala ang bawat estudyante niya sa block namin. Ang talas ng memorya niya kasi kilala na niya kaming lahat. Pero proud ako kasi ako ang nauna niyang nakilala. Yiiiii.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...