KABANATA 14

0 1 0
                                    

Kabanata 14












“Sorry, busy lang ako sa school. Merry Christmas sa inyo!” sagot naman no'ng kausap niya. Bigla naman akong napatigil. Pamilyar ang boses niya. Siya ba 'yon? Agad akong napalingon para kumpirmahin kung sino ang bagong dating.





At parang nagsisi ako bigla kung bakit pa 'ko lumingon.





Si Sir Abdul nga.





Nakasuot ito ng purple na polo at itim na pants.





Nakangiti siya at diretsong nakatingin sa mga mata ko.





Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naramdaman ko na biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso.





Pagtibok na kagaya no'ng unang beses na magtama ang aming mga mata.





Pagtibok na kagaya no'ng naramdaman ko noong gabing ako'y iniligtas niya.





Pagtibok na kagaya no'ng naramdaman ko noong unang beses ko siyang nakita sa klase at napagtanto kong guro ko pala siya.





Pagtibok na naramdaman ko noong unti-unti na 'kong nahuhulog dahil sa mga salitang binibitawan niya.





Pagtibok na naramdaman ko noong mga sandaling kasama ko siya.





At pagtibok na patuloy kong nararamdaman sa bawat oras, sandali, at pagkakataong nagtatama ang aming mga mata.





Pagtibok na paulit-ulit at walang sawang nagpapaalala,





Na mahal ko na pala siya.





Simula noong una pa lamang kaming magkita.





At ang pagmamahal ko sa kanya'y kailanman ay hindi na magbabago pa.





T*ena!





Agad naman akong umiwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkuha ng pagkain. Ayaw ko na siyang tignan. Bukod sa ayaw kong malaman niya sa mga mata kong mahal ko pa siya at gamitin niya 'yon upang bumalik ako sa kanya, ayaw ko na ring tumingin sa mga mata niya dahil alam ko na kahit na anong oras, bibigay na naman ako sa kanya.





Kailangan kong maging matatag hindi lamang para sa sarili ko kundi para na rin kay Dani. Babae rin ako. Kahit na nagseselos ako kay Dani, hindi ko masisikmurang masaktan siya dahil sa panghaharot na ginagawa ng boyfriend niya sa'kin. Ayaw ko ngang makapanakit ng kapwa ko babae at manira ng relasyon, 'no!





E kung isumbong ko kaya kay Dani na hinaharot ako ng paasang maharot na boyfriend niya? Charot lang, hindi nga pala kami close. Wew!





Pagkatapos ko kumuha ng pagkain ay plano ko na sanang bumalik sa upuan ko pero napatigil ako nang makita ko si Sir na nakaupo sa upuang katapat ng upuan ko habang nakikipagchikahan sa mga katrabaho ko. T*ng ina naman, Sir! Wala naman akong choice kundi ang umupo na lang do'n kasi ayaw ko rin namang magmukhang bitter.





Naglakad na lang ako papunta do'n. Akmang hihilahin ko na ang upuan para makaupo nang biglang may kamay na humawak dito. Awtomatiko naman akong napalingon do'n sa may ari ng kamay.





Si Janina!





Nakangiti sa'kin ang gaga at agad na tumayo para alalayan akong umupo. Napatingin naman ako kay Sir at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Janina na ngayon ay nakangiting umuupo. Natawa naman ako nang maalala ko ang kagagahan namin ni Janina two months ago. Alam nga pala ni Sir na boyfriend ko 'tong impaktang 'to. Tae, hahahaha!





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now