Kabanata 4
Mr. Nicodemus Abdul C. Frias
Tulala lang ako buong klase dahil pilit ko pa ring isinasaksak sa utak ko na nakilala ko na finally 'tong si kuyang mysterious na prof ko pala. Dep*ngal 'yan. Hindi ko rin inexpect na dito pa kami magkikita. Sa ganitong set up pa. Dep*ngal ulit 'yan.
Nang matauhan ako ay nakinig na lang ako sa mga pinagsasabi ni Sir. Every Monday, Wednesday, at Friday pala ang klase namin sa kanya. Binaggit niya rin ang mga rules niya sa klase.
Napatulala naman ako sa kanya. Kung gwapo na siya sa paningin ko noong una at ikalawang beses na magkita kami, mas gumwapo siya ngayon. Hindi ko rin masyadong natitigan ang mukha niya no'n. Ngayon ko lang mas lalo na-appreciate ang kagwapuhan niya. Maayos na nakagel ang buhok niya. Ang ganda ng hugis ng mukha, lalo na ang panga. Ang tangos ng ilong na una ko nang napansin no'ng pangalawa naming pagkikita. Manipis na labi at intimidating na mga mata na sa oras na tignan ka, automatic na matutunaw ka. Char! Tama lang ang height niya, 5'8, I guess. Mas matangkad sa'kin. I'm 5'2. Ang ganda rin ng katawan nito na mababakas sa suot nitong puting polo at slacks. Halatang alaga sa gym. In short, perfect! Char!
Napalingon naman ako sa mga blockmates ko. Ang mga dep*ta, tulala rin. May nakita pa 'kong tumutulo ang laway, char! Gwapong-gwapo ang mga gaga kay Sir. Hahahayst.
Nakinig na lang ako sa mga bilin ni Lolo Sir, char! Ayaw niya daw ng late. Pa'no ba 'yan Sir, late ka na dumating sa buhay ko, ayaw ko na rin tuloy sa'yo. Char!
32 years old na pala siya. Shems! Mukha siyang bata kaya akala ko nasa 25 lang siya. Bukod sa age niya, wala na siyang iba pang binanggit na detalye about sa personal life niya. Kinukulit tuloy siya ng iba kong blockmates na sabihin kung taken na ba siya. Ngiti lang ang sagot niya. May asawa na siguro siya. Sayang naman, joke!
Ang bilis lumipas ng oras at lunch break na agad. Nandito na kami sa cafe ng school. Sinamahan ko lang sila dito kasi may baon naman ako. Tulala pa rin ako habang nagdadaldalan ang mga gaga. Topic nila si Sir Abdul. Nahanap pala nila agad ang account nito sa Facebook. Hindi naman ako makarelate kasi wala naman akong Facebook account. Wala rin akong cellphone.
“Girl, ba't ang tahimik mo diyan? Ang gwapo ni Sir, anooo?” kinikilig na kwento ni Klea habang pinapakita sa'kin 'yong profile ni Sir. Half body lang ang kuha. Naka puting mahabang polo siya habang inaayos ang manggas. Naka-fierce siya habang nakatitig sa camera. Ang gwapo!
“Girl, dali gagawan ka namin ng Facebook. Kaya ata 'di mo kami kinakausap kasi 'di ka makarelate sa mga Facebook Facebook na 'yan.” pagpripresenta naman ni Louis. Hindi ko naman sila kinibo. Guys, 'wag ngayon. Kailangan ko pa hanapin ang sarili ko. Char!
“Oy, gurl! Ba't ba tahimik ka. Hindi kami sanay nang ganyan ka. What's your problem?” kunyaring concern na sabi ni Klea. Plastikada, charot!
“Si sir kasi.” maikling sagot ko at sumubo na ng kanin.
“Ano meron? Type mo rin 'no? Nux! Ramdam ka namin. Pwede naman tayong maghati-hati kay Sir.” natatawang sabi ni Louis. Boset talaga.
“Siya 'yong kinukwento ko sa inyo kanina.” sagot ko habang nakayuko.
“Ha?” sabay na sigaw ng dalawang gaga. Akala mo nasa choir lang. Napalingon tuloy sa'min 'yong ibang kumakain. Tinignan ko lang sila nang masama.
“Seryoso ka ba diyan? Hala! Ibang level na 'tong tropa natin. Basta 'wag mo kaming kalilimutang gawing abay sa kasal niyo, ah?” pang-aasar pa ni Louis.
“Igagawa na talaga kita ng Facebook, girl. Ta's iadd natin si Sir!” suhestiyon pa ni Klea. Parangt*nga talaga. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan ng dalawang 'to.
5PM na at pumasok na ako sa resto. Dumiretso na ako sa resto dahil sobrang hassle kung uuwi pa 'ko. 5PM to 11PM ang shift ko kapag may pasok. 6AM-3PM naman kapag weekends. Hanggang sa trabaho ay lutang pa rin ako dahil kay Sir. Hindi na niya siguro ako naaalala. Sana magkausap kami para mapasalamatan ko siya.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na agad. Naglakad na ako pauwi. As usual, tahimik na tahimik sa Padre Fauna St. kapag ganitong oras.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng makarinig ako ng yabag papalapit sa akin. Dep*ngal talaga. Inaasahan ko nang mangyayari 'to dahil gabing-gabi na nga pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Sa harap nakapwesto ang bag ko kaya madali kong nakuha sa maliit na bulsa nito ang pang spray na may lamang dinikdik na sili.
Ilalabas ko na sana ang bote pero napatigil ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na nanggagaling sa likod ko.
“I told you. It's not safe to walk here alone. Ang tigas ng ulo mo... Asenar.”
Si Sir Abdul. Shems!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
<3

YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...