Kabanata 2
Pagkalabas ko ng pinto ay agad na naagaw ng pansin ko ang isang lalaking nakasandal sa puno ilang metro ang layo sa backdoor ng kitchen. Nakapulang polo ito at itim na pants. Umiinom ito ng beer in can habang nakasandal sa puno. Ang gwapo at ang linis-linis niya tignan.
Napatingin din ito sa akin nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming paningin. Hindi ko maunawaan ngunit agad akong nakaramdam ng pagpintig sa aking puso nang magtama ang aming paningin.
Omg! Sparks na ba ituuuu?
Agad naman akong nag-iwas ng tingin at tinuloy na ang pagtatapon sa f*cking trashcan na malaki na hindi ko alam ang tawag at wala akong balak alamin pa, char! Hindi ko na siya nilingon ulit pero feeling ko hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa'kin. Pa'no ko nalaman? I have my senses.
Binilisan ko na ang pagtatapon at agad na pumasok sa pinto. Hindi ko na siya muling nilingon pa. Ayaw ko nga 'no. Hindi naman porke gwapo siya makikipagtitigan agad ako 'no! Baka isipin niya type ko siya at easy to get ako. Pwe!
Mabilis lumipas ang mga oras, kasing bilis ng paglisan niya. Char! Uwian na naman mga sissy! Pagkatapos ko pumirma sa attendance churva ay sabay na kaming lumabas ni Ning. Pero pagkalabas naman namin ng Entrance ng resto ay naghiwalay agad kami kasi magkaiba ang direksyon ng mga bahay namin. Ano pang silbe ng paghihintayan namin, 'di ba? Parang t*nga lang.
Naglakad na ako sa kahabaan ng Roxas BLVD. Oo, bes. Kahabaan talaga. Mahaba kasi talaga.
Shocks! Anong mahabaaa?
'Yong lalakarin ko kasi. Wag kayong green minded.
Napatanaw-tanaw na lang ako sa mga nagpapatinterong mga sasakyan sa highway. Traffic na. Rush hour na kasi. Unti-unti na ring dumidilim ang langit dahil 5:30 PM na.
Araw-araw kong nilalakad ito pero hanggang ngayon ewan ko kung bakit hindi pa rin ako nasasanay sa haba ng kalye na 'to. P*cha, mahaba talaga. Ayaw ko namang sumakay kasi nagtitipid ako. Tiis lang selp. Someday magkakakotse rin tayo. Hahahayst.
Makalipas ng mahigit 30 mins, nakarating na ako sa kanto ng Padre Fauna St. Akala niyo malapit na bahay ko dito? Walang ganon, beh. 20 mins pa ulit akong maglalakad papuntang Bocobo St. Tiis-tiis lang. Pampabawas din ito ng taba sa katawan ko, kahit sobrang payat ko na kakakayod. LoLs. Dagdag mo pa na wala akong makain.
After 19 mins and 33 seconds, nakarating na rin ako sa Bocobo. (Nahiya naman 'yong 27 seconds na advance!) Tinahak ko na ang mahabang eskinita papunta sa bahay namin.
Habang naglalakad ako sa eskinita ay marami akong nakikitang kalugar na panay ang ngiti at bati sa'kin.
“Ginabi ka ata, Eyang ah?”
“Magandang gabi, boss!”
“Gabi na, ang ganda pa rin ni boss.”
“Ang sipag naman talaga ni Anne.”
“Hi boss!”
Lakas makapeymus. Feeling ko tuloy artista ako. Nux.
Feel ko sana kumaway-kaway at ngumiti-ngiti sa bawat bahay na madadaanan ko, kaya lang nagbago bigla ang isip ko. Baka bukas nasa watchlist na ako ng barangay at ipatokhang na lang ako bigla. Edi naloko na.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...