KABANATA 22

4 1 0
                                        

Kabanata 22










“Ate, ang kalat naman niyan. Ligpitin mo 'yan, ah! Kundi ibubuko kita kay Sir!” pagbabanta ng kapatid kong impaktong-dating-boses-at-mukhang-ipis. Napatigil naman ako at tinignan ang paligid ko. Dep*ngal! Ang kalat na nga dito sa kitchen!





March 23 kasi ngayon at birthday ni Abdul. Siyempre, bilang inggraterang girlfriend, balak kong i-surprise siya. Nandito ako sa condo ng kupal kong dating mukhang ipis na kapatid na medyo epal sa lablayp ko, char! At dahil nga surprise ang gagawin ko, hindi niya alam na nandito ako sa Manila ngayon. Wew!





39 years old na pala siya ngayong araw. Ang tanda na talaga ng dep*ngal. Charot! Akala ko pa naman sabay kaming tatanda, mauuna pala siya. Char! Pero kiber lang. Aids doesn't manner naman, e.





Inirapan ko na lang ang dep*ngal kong kapatid at nilinis ang mga kumalat na papel at ribbon dito sa kitchen. Naisip ko kasi na regaluhan siya ng isang jar na may lamang mga maliliit na notes na may nakasulat na mga kalandian at mga cheesy na pick-up lines. Medyo nako-kornihan na rin ako sa mga pinaggagawa ko pero wala, e. Gusto ko pa rin ituloy at tapusin dahil love na love ko si Abdul.





Speaking of Abdul, ayun. 23 days na kaming magjowa. Araw-araw ko siyang ka-VC at katawagan. Parang t*nga nga, e. Sobrang clingy na namin sa isa't isa. Nasasanay na rin akong tawagin siyang ‘Abdul’ at ‘mahal’. Kahit na LDR kami ngayon, we're doing our best to make this relationship work. Nux, englisherist na 'ko! Gan'to ba pag nagkaka-jowa? Gumagaling sa English? Char!





“Ang dumi-dumi tuloy ng condo ko, ate. Parang ewan kasi, e.” narinig ko pang reklamo ng impaktong-kupal-na-dating-boses-at-mukhang-ipis. Tinignan ko naman siya nang masama. Kahit kailan talaga epal 'tong kupal na 'to. Bitter masyado. Minsan na nga lang magka-lovelife ang ate niyang sobrang pretty, hahadlang pa ang hay*p! Char!





“Ewan ko sa'yo, uy! Ang bitter mo! Sumbong kita kay Elaine, e.” pagbabanta ko naman sa impakto. Nakita ko namang agad nag-iba ang timpla niya. Parang biglang nalungkot ang inggrato kaya natawa ako. Inirapan lang ako nito at umalis na. Hindi pa ata talaga siya nakaka-move on kay Elaine. Wew!





After an hour, finally natapos ko na rin 'tong kalandian at kakornihang pinaggagawa ko. Nilinis ko na ang kitchen dahil nakakahiya naman sa kupal kong kapatid. May GMRC rin ako at wala akong attitude problem kaya nilinis ko na ang buong kitchen kahit mesa lang naman ang ginamit ko. Kakahiya naman, e. Char!





Pagkatapos no'n, tumambay muna ako sa kwarto at nanood ng Encantadia sa Flixkolang. Ewan ko ba. Last week parang biglang may bumulong na duwendeng kulay blue sa tenga ko at pinilit akong manood ng Encantadia. Mamaya na 'ko pupunta kay Abdul. Balasiyadiyan! Self first before anything else nga, 'di ba? Char!





Mga 3PM na nang napagdesisyonan kong matulog na lang at 'wag nang ituloy ang kalandiang naiisip ko. Char! 3PM na nang maisipan kong mag-ayos na at puntahan na si Sir sa condo niya sa Mabini St. sa Ermita. Nalaman ko ang condo niya dahil nakapunta na ako dito 2 weeks ago. Dumaan muna ako sa Silverilock para bumili ng cake kasi sabi ng pabidang Author, dapat daw may pa-cake ako sa 39th birthday ng mahal q. Charot! Nang makarating ako sa condo, tinawagan ko siya. Sinagot naman agad ng inggrato.





“Happy birthday, mahal! Sorry hindi ako makakapunta diyan, ah? Babawi na lang ako sa susunod.” kunyareng malungkot na bati at paliwanag ko. Narinig ko namang napabuntong-hininga ang bebe q sa kabilang linya kaya muntik na akong matawa. Buti na lang napigilan ko ang aking paking mouth!





“Okay lang, mahal. Naiintindihan ko.” malungkot na sabi ng nasa kabilang linya.





“Oh, baka naman may iba kang ka-celebrate diyan, ah! Naku, Abdul! Sinasabi ko sa'yo.” pag-iinarte ko pa sa kaniya. Charot-charot lang 'yan. Alam ko namang 'di niya 'ko lolokohin, e. Tampalin ko siya diyan. Char!





Love in ErmitaStories to obsess over. Discover now