KABANATA 11

0 1 0
                                    

Kabanata 11









Sumikip lalo ang pakiramdam ko nang makita ko ang litrato. Si Sir Abdul kaakbay ang isang magandang babae sa restaurant na hindi ko alam kung saan. Nakangiti ito. Kakaibang ngiti na ni minsa'y hindi ko nakita sa kaniya sa tuwing magkasama kami. Posted ito sa IG na may caption na “Been a while”.





Sir, bakit?





Pero sabi niya 'di ba hiwalay na sila? Tama! Hindi dapat ako nagpapaniwala sa mga sabi-sabi. Malay mo naman nagkita lang sila, gano'n. Na nagkayayaan lang silang kumain. Na magkaibigan na lang sila. 'Di ba ako ang gusto niya?





Pero pa'no kung hindi? Pa'no kung nagkabalikan na nga talaga sila? Pa'no kung hindi talaga ako gusto ni Sir? Pa'no kung chinacharot lang niya ako?





Ayaw kong maniwala. Ayaw ko. Ayaw kong masaktan, e. P*ta!





Gusto ko tuloy itanong sa kanya kung ano na ba talaga. Kung ano ba talaga kami, kaya lang natatakot ako. Pa'no pag sinabi niyang hindi niya ako gusto? Pa'no kung umaasa lang pala talaga ako? Pa'no? Ano'ng gagawin ko?





Hindi!





Alam ko na mahal niya ako. 'Di ba sabi niya hihintayin niya pa nga daw ako? 'Di ba?





Tama. Tama.





Oo.





Mahal niya 'ko. Dapat magtiwala ako sa kanya. Dapat matuto akong magtiwala sa mga ipinapakita't ipinadarama niya. Oo, siz! Ganern!





Kahit gulong-gulo sa pagmomonologue ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Sayang 'to, siz aba! Ang mahal pa ng bigas ngayon, pero mas mahal ko siya wiiiiii.






Nagpatuloy ang araw ko. Hindi ko na nga namamalayan na patapos na ang araw dahil sa kakapaalala sa sarili ko na dapat hindi ko paniwalaan ang hindi ko naririnig, nakikita, at nadarama. Pero kahit anong pilit kong limutin 'yong mga ganap kanina, hindi ko magawa. Hindi pa rin maalis sa'kin ang pagdududang baka nagkabalikan na nga sila.




Hayst. Kakashabu ko ata 'to.





Sabi na, e.





Dapat pala sinisinghot 'yong shabu. Hinalo ko kasi sa kape. Mukhang creamer, e. P*cha!





'Yong natira sa shabu nilagay ko sa kili-kili ko. Wala na kasi akong pambile ng deodorant, e.





Hayst.





Pero ayun na nga.





Tinatamad na ako magmonologue pero ang sama ng tingin sa'kin ni Author. Hayst.





Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko pa rin maiwasang magduda kahit na pilit kong pinapaalala sa sarili ko na ako ang gusto ni Sir. Ewan ko, selos ba ang tawag dito? Nagseselos ba ako sa kanila ni Dani? Posible bang pagselosan ang taong hindi mo naman personal na kilala?





Hayst.





Magkikita naman kami bukas 'di ba? Ngingitian niya ulit ako bukas 'di ba? Kasi isang ngiti niya lang, ayos na ako. Isang ngiti niya lang, mawawala lahat ng pagdududa ko. Isang ngiti niya lang, babalik ulit ako sa kanya. Gano'n ko siya kamahal, e.










Kinabukasan, pumasok ako nang buo ang pag-asa. Pag-asang kapag nagkita kami, mararamdaman kong ako talaga. Naghintay ako. Naghihintay ako.





Pero walang Nicodemus Abdul na nagpakita.





Lumipas ang dalawang oras, pero wala siya.





Malungkot kong nilisan ang classroom. Okay lang naman 'to, 'di ba?





Lumipas ang buong araw pero ni anino niya, wala. Ayos lang 'yon. Magkikita pa rin naman kami, 'di ba? Tama. Malay mo may biglaang seminar, gano'n. Okay lang 'yon, Anne. Okay lang.












Uwian na kaya lumabas na ako ng school para dumiretso sa resto. Isang kanto pa lang ang layo ko sa school nang matanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Nakatalikod ito habang may kausap sa cellphone pero hindi hadlang 'yon para makilala ko siya. Hinding hindi ko siya malilimutan. Kahit nakapikit, makikilala't makikilala ko siya.





Si Sir Abdul.





Agad akong nagtago sa posteng nakita ko. Medyo malayo sa kung saan siya nakatayo. Hindi lang ako masyadong nadikit sa poste. Mahirap na. Baka dito ko pa matagpuan 'yong sparks na hinahanap ko. Pwe! At kung sakaling lilingon siya, hindi naman niya ako makikita. Duh! Mas mataba pa nga ata sa'kin 'tong poste ng kuryente, e.





Nakita kong ibinaba niya ang phone niya at lumingon-lingon sa paligid. Buti at hindi niya naman ako nakita. Hayst.





Tinignan niya uli ang phone niya at parang may katext siya kaya siya nagtatype. Baka tinetext niya ako. Char lang! Wala nga pala akong cellphone. Pwe.





Ilang sandali pa, may tumigil na pulang kotse sa tapat niya. Mula sa likod na upuan ay may lumabas na babae at dali-daling yumakap kay Sir. Niyakap rin siya pabalik ni Sir.





Biglang nawasak ang puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng 'yon.





Si Dani.











---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Love in ErmitaWhere stories live. Discover now