KABANATA 26

1 1 0
                                    

Kabanata 26









Mahigit apat na buwan na rin ang lumipas simula noong malaman kong brotherhood pala kami ni Abdul na boyfriend ko at laham na laham ko. T*ng ina pa rin! Ang sakit pa rin p*ta! Sobrang nakaka-bitter.





Nadagdagan pa 'yong bitterness ko sa katawan nang ikasal si Janina at Louis last month. Ginawa pa akong abay ng mga dep*ta. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-hurt at manghinayang. Ikakasal din dapat kami, e. T*ng ina talaga!





Pero keri lang. Wala naman akong choice kundi tanggapin 'yon, e. And besides, alam ko naman na hindi lang ako ang nahihirapan.




Kahit na mahirap, pinilit kong magsimula ng bagong buhay. Nagfocus na lang ako sa pagtuturo. Nagsimula na rin ako sa pagma-masteral kaya every weekends, may pasok ulit ako. Pinipilit ko pa rin gumising sa umaga nang may ngiti sa labi. Pinipilit ko ring maging positibo kahit sobrang nakakabitter ng mga ganap sa buhay ko. T*ng ina talaga!





Ang lakas maka-roller coaster ride ng relasyon namin. Naalala ko tuloy bigla no'ng kabataan ko. Nangangarap din ako ng mala-roller coaster ride na love story. 'Yong tipong kahit maraming pagsubok ang dumating, kayo at kayo pa rin sa ending. Pero no'ng nalaman ko na brotherhood kami, nagbago bigla ang isip ko. Natauhan na rin ako na kahit anong gawin, hindi siya mapupunta sa akin.





Siguro nga, kailangan ko na lang tanggapin na hanggang brotherhood lang kami ni Abdul. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kaniya. Kapatid ko kasi siya. P*tragis! Siguro rin dapat na akong masanay na tawagin siyang 'kuya' at hindi 'mahal'. Hi, kuya Abdul!




Ang awkward siguro no'n pag nagkita kami. Ang tagal na rin pala naming hindi nagkikita, 'no? Pero siguro mas okay na 'yon para madali naming makalimutan ang isa't isa. Hindi ko rin naman alam ang ire-react ko if ever na magkikita kami. Baka ma-kiss ko siya nang wala sa oras at malimutan ko na brotherhood pala kami. E 'di naloka siya diyan? Char!





“Miss, nasa terminal na ho tayo.”





Natauhan naman ako nang marinig kong may nagsalita sa tabi ko. Na-realize ko naman na nasa bus pa pala ako at ako na lang mag-isa rito. Nginitian ko naman si kuyang kundoktor para mapagtagpan ang kahihiyan ko at bumaba na. T*ena! Akala ko dati magugulatin lang ako, lutang na rin pala ako. Pwe!





October 12 ngayon at nasa Baguio ako dahil birthday ni Rebecca na lumalaking ma-attitude na bata. Char! Hindi pala siya lumaki. Char ulit! Nag-excuse pa ako sa weekend class ko dahil may pa-party ang batang ire dahil 14th birthday niya kahit 'yong height niya ay pang 7 years old lang. Charot!





Nagtaxi na ako papunta sa bahay dahil nakaka-LL na 'ko. Char! Alam niyo kung ano 'yong LL? Hulaan niyo, hahaha!





Pagkarating ko do'n, naabutan ko agad 'yong mga friends ng 7 years old kong kapatid. Char! Ang daming tao! Nandito 'yong mga friends and classmates niya pati na rin 'yong mga kaibigan ng pamilya at ibang kamag-anak namin. Pero agad akong natigilan nang magtama ang paningin namin ng pinakapaasang lalaking minahal ko na brotherhood ko pala.





Si Abdul!





P*tragis!





Ano'ng ginagawa niya rito?





Oo nga pala, kapatid pala namin ang lokong 'to kaya malamang sa malamang, palagi ko rin siyang makikita sa mga family gatherings. T*ena talaga!





Nagulat rin siya nang makita ako pero nginitian niya pa rin ako. Isang ngiti na parang ayos lang sa kaniya lahat. Isang ngiti na parang wala lang sa kaniya lahat. Isang ngiti na alam kong kahit hindi niya sabihin, nangangahulugan 'yon na nakalimot na siya.





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now