KABANATA 17

0 1 0
                                    

Kabanata 17











"Pareho palang malungkot ang pasko natin, Resi."





Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig kong may nagsalita sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan kung sino 'yon. Hinding hindi ko malilimutan ang boses na 'yon na sa tuwing naririnig ko ay nagdadala sa'kin ng iba't ibang emosyon. May saya, may kilig, at may pagkalito.





Pero iba ang araw na ito.





Tanging pighati lang ang naramdaman ko nang marinig kong muli ang boses niya.





Ang boses ng taong mahal ko.





Ang boses ni Sir Abdul.





Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Sir. Diretso itong nakatingin sa'kin dahilan para gumapang sa buong pagkatao ko ang labis na pighati. Dati, sa tuwing magtatama ang mga paningin namin, laging kilig, saya, at kung minsan ay pagkalito lang ang nararamdaman ko. Pero bakit gano'n? Ang sakit-sakit! Hindi ko inakalang darating ang araw na pighati ang magiging dulot sa akin ng pagtitig ko sa kaniyang mga mata.





Malungkot din ang ekspresyon ng mga mata niya, parang nakikisama sa nararamdaman ko ngayon. Teka, nakikita niya ba mula sa mga mata ko na nasasaktan ako? Nababasa niya ba ang nasa isip ko? Nararamdaman niya ba ang sakit na nararamdaman ko?






"I heard what happened. Condolence, Resi." malungkot na sabi nito. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa mga mata ko. Parang may gustong sabihin ang mga tingin niya, parang may gustong iparating. Ewan ko. O baka ako lang 'to?





"S-salamat po." nauutal na sagot ko sa kaniya. Naramdaman ko namang unti-unting namamasa ang mga mata ko kaya bago niya pa mahalata 'yon, ako na ang umiwas sa titigan namin.





"Balita ko aalis ka na raw. Mag-iingat ka do'n, ah?" narinig kong malungkot na sabi niya dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya. Alam niya na pala na aalis ako. Hindi niya na ba ako pipigilan man lang?





"God knows how much I want to be with you. Pero alam kong hindi pwede 'yon. Masaya ako na nakilala at nakasama ka, Resi. Mami-miss kita." malungkot pa rin ang boses niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko naman namamalayan na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. Luhang sanhi ng sinabi niya.





Lintek naman 'to si Sir! Bakit niya ba sinasabi 'yang mga 'yan? Dahil sa mga sinasabi niya, parang ayaw ko na tuloy umalis. Mas lalo akong nahihirapan. Bakit ba kasi siya ganiyan? Hindi niya ba alam na nasasaktan ako? Hindi niya ba alam na umaasa ako? P*tang ina naman!





"S-sige na, Resi. Mauuna na 'ko." paalam nito at tinalikuran na 'ko. Hindi pwede 'to! Aba! Gano'n gano'n na lang 'yon, Abdul? Aalis ka na lang nang hindi man lamang nililinaw sa'kin lahat?





"B-bakit ka ba ganiyan? B-bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to?" umiiyak na tanong ko dito. Walang sawa na sa pagtulo ang mga luha ko.





Humarap naman ito sa'kin. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. Malungkot pa rin ang ekspresyon ng nga mata niya. Parang may nais iparating, parang may nais sabihin.





"Mag-iingat ka palagi. Hangad ko na mahanap mo ang kaligayahang hinahangad ng puso mo." sagot nito sa'kin na labis na nakapagpa-inis at nakapagpa-dismaya sa'kin. P*tang inang sagot 'yan! Ano ba naman, Abdul!





"Sagutin mo naman ako oh! Litong-lito na 'ko, e. Ang gulo-gulo! Hindi ko alam kung may kahulugan ba 'yang mga sinasabi mo, 'yang mga pinapakita mo. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ang hirap ng ganito. Ang hirap ng ginagawa mo. Hulog na hulog na kasi ako, e. Hulog na hulog na 'ko sa'yo!" bulyaw ko dito dahilan para magulat ito. Pero ang gulat na 'yon ay unti-unting napalitan ng malungkot na ekspresyon. Isang malungkot at nakakalitong ekspresyon.





Walang sawa pa ring tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Nag-aabang ako. Nag-aabang ako ng sagot niya pero wala. Nakatitig lang ito sa akin. P*tang ina naman!






"Maawa ka naman oh! Sagutin mo 'ko. Mahal mo ba 'ko? Kasi kung oo, pipiliin kita. Hindi na ako aalis. Sasama ako sa'yo. Ipaglalaban kita. Sir, sabihin mo naman oh! Mahal mo ba 'ko?" nagmamakaawang sabi ko dito. Wala na akong pake kung mahalay na sa akin pang babae nanggagaling 'tong mga salitang 'to. Ang importante sa'kin ay si Sir, pati na kung anong meron kami.





Mahal na mahal ko siya. Handa kong isugal ang lahat para sa kaniya, para sa amin. Kaya kong iwanan sila nanay kapag sinabi niya sa akin na mahal niya rin ako. Hindi na ako papayag na mawala pa siya. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na wala siya.





Tinitigan ko naman siya maigi. Gano'n pa rin ang ekspresyon ng mga mata niya, malungkot at nakakalito pa rin habang diretso itong nakatingin sa mga mata ko.





At sa pagtatama ng mga mata namin, nararamdaman ko na nagkaka-intindihan kami, na may koneksyon kami. Parang may sariling usapan ang mga paningin namin. Nararamdaman ko na nakikita niya mula sa mga mata ko ang sari-saring emosyong nararamdaman ko ngayon. At sa pagtitig ko rin sa kaniyang mga mata, nararamdaman kong mahal niya rin ako. Nararamdaman kong pipiliin niya 'ko at hindi niya ako bibiguin.





Ngunit labis na nadurog ang puso ko nang bigla siyang kumalas sa tinginan namin.





"Sige na, Resi. Mauuna na ako. 'Wag mong kakalimutan 'yong mga bilin ko, ah? Mag-iingat ka do'n." seryosong sagot nito habang nakatingin sa sahig. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.





Ilang sandali pa ay tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito nang hindi ko na napigilan ang sarili ko sumigaw na 'ko.





"Sir, mahal kita!" sigaw ko bitbit ang pag-asang lilingon siya. Na lalapit siya sa'kin at yayakapin ako. Na sasabihin na sa'kin na mahal niya rin ako. Na pipiliin niya 'ko.





Pero wala. Saglit lamang itong napatigil ngunit nagpatuloy rin ito sa paglalakad.





Tinalikuran na niya ako at hindi na muling lumingon pa. At batid ko na kasabay ng pagtalikod niya, ay tuluyan nang mapuputol ang kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.





Hindi ko na napigilan ang panghihina ng tuhod ko at tuluyan na akong napaupo sa sahig habang wala pa ring sawa sa pagtulo ang mga luha ko. Wala na akong pake kung may makakita sa'kin at pagtawanan ako dahil umiiyak ako dito sa kalye. Bahala sila. Wala nang mas sasakit pa sa ginawa sa'kin ni Abdul. Ang sakit-sakit, p*ta!





Nasasaktan ako sa katotohanang hindi niya man lang nilinaw sa'kin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko man lang narinig sa kaniya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa'kin, kung ano ba talaga ako sa kaniya, kung ano ba kami.





Pero mas nasasaktan ako sa katotohanang kaya kong isakripisyo lahat para sa kaniya, na kaya kong isugal lahat alang-alang sa pagmamahal ko sa kaniya, pero hindi niya 'yon kayang gawin para sa'kin. Alam ko na wala naman akong karapatang magreklamo pero ang sakit lang, e. Ang sakit-sakit, p*ta!





Bakit?





Bakit hindi mo ako sinagot?





Bakit hindi mo nilinaw sa'kin lahat?





Bakit hindi mo ako pinili?





Bakit mo 'ko binigo, Abdul?












----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Love in ErmitaWhere stories live. Discover now