Kabanata 28
Buong buhay ko, may parte pa rin sa puso ko ang umaasa na makadarama ng pagkalinga ng isang mabuting ina. Hindi naman sa hindi mabuting ina si nanay, ah? E, kasi pakiramdam ko, may kulang sa kaniya. Parang may mali. Parang may nawawala.
Parang kahit na mahal na mahal namin ang isa't isa, may espasyo pa rin sa pagitan naming dalawa. At mas lalong lumawak 'yong espasyong 'yon nang iniwan niya kami noon. At hanggang ngayon, kahit na bumalik na siya at magkasama na ulit kami, hindi pa rin mapunan-punan 'yong espasyo na 'yon. Kumbaga sa tattoo, mahirap na tanggalin at burahin ang kung anumang lamat ang mayroon sa aming dalawa ni nanay.
Hindi rin malapit ang loob ko kay nanay. Ewan, pero sa kanilang dalawa ni tatay, mas close ako kay tatay. Wala akong naaalalang heart to heart talk namin, kasi para sa akin, everytime na mag-uusap kami ni nanay, ordinaryong pag-uusap lang 'yon. Hindi ko 'yon iniisip no'n kasi wapakels ako. Balakayodiyan!
Pero kahit na gano'n, ni minsan hindi naman pumasok sa isip ko na ampon lang ako. Duh! Masyado akong mahal ng pamilya ko para mag-isip ng gano'n. And besides, ang ganda ko masyado para maging ampon. Char!
Kaya labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinasabi nitong si Ma'am Tanya. Buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan nang ganito. T*ng ina! Ang dami ko nang pinagdaanan. Nag-final demo ako, nag LET, marami na akong exam at presentations na pinagdaanan, muntik na nga akong mamatay pero hindi naman ganitong kaba ang naramdaman ko no'ng mga panahong 'yon. Iba 'to, e.
Gusto ko sanang isipin na binibiro lang ako nitong si Ma'am, na issa prank lang lahat ng ito pero hindi, e. Sa ilang taon naming friendship nitong si Ma'am, kilalang kilala ko na siya. Hindi siya palabirong tao. Ni hindi ko pa nga siya naririnig na mag-joke, e. Mabait siya pero sobrang seryoso nitong taong 'to. Wala nga rin ata sa vocabulary niya ang salitang joke, e.
Bukod pa do'n, may pwersang tumutulak at nagpipilit sa'kin na maniwala sa mga sinasabi niya. Parang totoo ang sinasabi niya. Parang siya nga talaga ang tunay kong ina. Dumagdag pa sa pwersang 'yon 'yong kwento niya about sa panganay niyang anak dati na pinaampon niya daw, pati na rin 'yong weird na reaction niya no'ng unang beses kaming nagkita sa burol ni tatay.
Speaking of tatay, bigla siyang sumagi sa isip ko. Pati na sila Reineir at Rebecca. Alam ko na tunay ko silang pamilya. Mahal na mahal ko 'yang mga ipis na 'yan, e.
Hindi ako pwedeng maniwala kaagad. Hindi naman porket hindi kami close ni nanay, e kukwestiyunin ko na ang pagiging ina niya sa'kin. Kailangan kong i-confirm kay Ma'am ang mga pinagsasabi niya. Baka mamaya nagbago na pala si Ma'am at marunong na siya magjoke kaya niya nasabi sa'kin 'yon.
“P-po? A-ano pong sinasabi niyo?” kinakabahang tanong ko. Pakaba naman kasi masyado 'tong si Ma'am, e. Lechugas.
“Hindi ko na matiis na hindi sabihin sa'yo 'to, anak. Lalo na ngayon na nakikita kitang nahihirapan.” emosyonal na sabi ni Ma'am Tanya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Umiiyak pa rin siya. Pero kahit na umiiyak siya, napakalumanay niya pa rin magsalita. Sincere na sincere siya sa mga sinasabi niya.
Dahil sa naging sagot niya, mas lalo tuloy akong naguluhan. Ibig sabihin, hindi talaga siya nagbibiro? Pero bakit? Paano niya nasasabi ang mga bagay na 'yon?
“P-po? Hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo. N-napaka-imposible po na nanay ko kayo. H-hindi naman po ako ampon, e.” kinakabahang pagsasabi ko ng katotohanan. Alam ko na hindi ako ampon. Hindi naman kasi talaga. May picture pa nga ako na nasa ospital habang kalong-kalong ni nanay na bagong panganak, e. Ang kyut-kyut ko nga do'n, e. Kaya sure ako na hindi talaga ako ampon.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...