KABANATA 30

1 1 0
                                    

Kabanata 30 (3RD PERSON'S POV)










“Conception?!” gulat na tanong niya dahil talagang hindi pa rin siya makapaniwalang makikita muli ang dating asawa matapos nito silang abandunahin dalawampu't siyam na taon na ang nakalilipas. Tinitigan niya ulit nang mabuti ang babae para masigurong hindi talaga siya nananaginip.




“Ako nga, Willard.” malungkot na sagot ng ginang. Labis na kaba ang nadarama niya mula pa kanina. Kinakabahan siyang makita ang dating asawa dahil batid niyang galit ito sa kaniya at baka ipagtabuyan lamang siya nito. Ngunit ang kabang 'yon ay biglang naglaho nang makita niya ulit si Willard. Bigla siyang nalungkot at nasaktan dahil bumalik sa kaniyang ala-ala ang ginawa niyang pag-iwan dito noon nang hindi man lamang siya nakapagpapaliwanag. Nasaktan siya nang muling makita ang una niyang pag-ibig.




“Kamusta na si Patrice? Kamusta na ang anak ko?” malungkot ngunit sabik na tanong nito nang hindi sumagot ang lalaki. Hindi naman namamalayaan ni Lucilla (Conception) na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata niya lalo na nang mabanggit ang tunay na anak na ipinagkait nito sa kaniya dahil sa labis na galit.




Mas lalong nagulat si Willard sa itinanong nito. Hindi niya maunawaan kung paano nalaman ni Lucilla (Conception) ang tungkol sa anak-anakan na tunay nitong anak.




“A-Ano'ng pinagsasa—” naputol ang tangkang tanong ni Willard nang biglang magsalita ang ginang.




“Alam ko na lahat, Willard.” lumuluhang sagot ng ginang. Hindi na maawat sa pag-agos ang kaniyang mga luha.












                          Hulyo 1984
                      Rosario, Cavite





“Ano?! Buntis ka?! Jusko naman, Conception!” gulat na sambit ni Josefa nang minsan dumalaw sa kaniya si Conception upang ihatid ang magandang balita. Batid niyang hindi magugustuhan ng ate ang sasabihin niya, tama nga siya dahil dismayado itong nakatitig sa kaniya ngayon.




“P-pasensiya ka na, ate. H-hindi ko alam na magbubunga ang ginawa namin.” nauutal sa kabang sagot nito. Natatakot siya dahil alam niyang istrikta ang kaniyang ate at marami pa itong pangarap para sa kanila. Natatakot siya na baka utusan siya nitong ipalaglag ang bata.




“Jusko naman, Conception! Kinse anyos ka pa lang! Hindi ka ba nahihiya?” dismayadong bulyaw sa kaniya ng nakatatandang kapatid. Hindi naman siya makasagot dahil sa sobrang hiya at kaba.




“Kung alam ko lang na lalandi ka lang dito, sana hindi na kita sinama dito! Ano na lang ang sasabihin nila Inay kapag nalaman nila 'yan?” bulyaw pa nito. Naramdaman naman ni Conception na nangingilid ang kaniyang mga luha nang mabanggit nito ang mga magulang. Nakaramdam siya bigla ng pagsisisi.




“Sino ang ama ng batang iyan?” galit na tanong ng kaniyang ate. Bakas pa rin sa tinig nito ang labis na galit at pagkadismaya sa bunsong kapatid.




“S-si Willard po, ate. N-nobyo ko.” lumuluhang sagot ng dalagita.




“Kailangan niyong magpakasal! Susulat ako kila Inay tungkol diyan. Hindi ako makapapayag na hindi ka paninindigan ng lalaking 'yon! Kailangan niyong maging responsible sa naging bunga ng kapusukan niyo!” matapang na sabi ng kaniyang ate Josefa at tinalikuran na siya.









                   Setyembre 1984
                      Imus, Cavite





Tatlong buwan na silang magkasintahan ni Willard at tatlong buwan na rin ang sanggol na nasa sinapupunan ni Conception na naging bunga ng kanilang isang gabing pagsasama sa parke. Maliit pa lamang ang tiyan ni Conception kung kaya't sa unang tingin ay hindi siya mapagkakamalang nagdadalang-tao.




Love in ErmitaWhere stories live. Discover now