KABANATA 6

2 1 0
                                    

Kabanata 6










Napatingin ito sa'kin at ngumiti. Akmang kakawayan ko na ito nang marinig ko bigla ang sigaw ni Ma'am Glen.





“Nico!” sigaw ni Ma'am Glen at sinalubong si Sir Abdul. Teka, magkakilala sila?





Napaiwas naman ang tingin si Sir sa akin nang tawagin siya ni Ma'am. Narealize ko na lang na nagyayakapan na sila na parang ang tagal nilang hindi nagkita.





Ok.





Ang sweet nila tignan. Sila ba?





Ok ulit.





Sabagay. Bagay naman sila. Ang gwapo ni Sir. Ta's pang Miss Universe ang ganda ni Ma'am.





Ok.





Bigla kong naalala na 32 years old si Sir. 30 naman si Ma'am. Sabagay, pag magkalapit ang edad mas nagkakasundo daw. Mas nagwowork ang relasyon, ganon.





Ok lang talaga.





“Hoy, Anne! Baka matunaw 'yan!”





Natauhan na lang ako nang marinig ang boses ni Janina. Nakatingin pa rin pala ako kila Sir at Ma'am. Niyakag na ni Ma'am si Sir na maupo sa isang table. Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngitian nila sa isa't isa.





Ok ulit.





Tumalikod na lang ako at pumasok sa loob. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nabadtrip. Kelan pa 'ko naging moody, beh?





“May gusto ka do'n kay Sir, 'no?” narinig kong tanong ni Janina. Sinundan pa pala ako ng gaga. Napatingin naman ako sa kanya at automatic na napataas ang kaliwang virgin kong kilay. (Never been shaved, e.)





“Gaga ka! Anong may gusto? Wala 'no! 'Wag kang ano! Hindi ako nagseselos, a. Bakit naman ako magseselos? Kami ba ni Sir?” inis na tanong ko dito. Nakakainis. Wala naman kasi talaga akong gusto kay Sir. 'Tsaka duh! Hindi ako nagseselos 'no! Bakit ako magseselos? Wala akong pake kahit magpakasal pa sila ngayon din!





“Hala, defensive! Wala naman akong sinabing nagseselos ka, e. Sa'yo nanggaling 'yan, siz!” sabi pa nito dahilan para mapalingon ako sa kanya. Sh*t! Anong pinagsasabi ko?





Binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti ng gaga. Hinampas pa ako sa braso.





“Wag ka mag-alala, hindi ko sasabihing may gusto ka kay Sir Abdul!” Biro pa nito at tinalikuran na ako.





May gusto? Ako? May gusto? May gusto na ba 'ko kay Sir talaga?





Selos na ba 'yong nararamdaman ko? Nagseselos na ba ako kila Sir at Ma'am?





Shhh, selp, kalma. Malay ko baka kaya sila magkakilala kasi mag co-teacher sila, 'di ba? Magkasama sa work, gano'n? Ta's naging close? Oo selp, tama. Magkaibigan lang sila. 'Wag kang malisyosa mag-isip.





Magkasama sa work ta's naging close. Later on, nagkakamabutihan na pala. Ok.





Binalewala ko na lang mga naiisip ko at naghanap na lang ng gagawin. Nakita ko naman agad ang mga nakatambak na hugasin sa sink kaya sinimulan ko na maghugas.





Hayaan mo na selp kung sila nga talaga. Okay lang 'yan. Magbebreak din 'yan sa twentitriiiiiii! Charot! Teka, 23 nga pala ngayon. Charot ulit!





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now