KABANATA 13

0 1 0
                                    

Kabanata 13









“In other term, ang Fixed Capital Goods ang bumubuhat at nagpapasigla ng business. Ito rin ang...” blah blah blah. Nasa klase na ako ng pinakapaasang taong nakilala ko sa buong mundo. Nakikinig lang ako sa kanya pero ang paningin ko ay nasa libro. Hindi pa ako handang magtama ang mga mata namin. Baka kapag nagkatinginan kami at ngumiti ulit siya sa'kin kagaya ng palagi niyang ginagawa, bumigay na naman ako sa kanya.





“Bukod pa do'n, ang Fixed Capital Goods din ay tumatagal ng mahabang panahon. 'Di kagaya ng mga special someone niyo, ipaparamdam na mahal ka tapos biglang magbabago sa'yo. Mababalitaan mo na lang one day, may iba na pala.” pagpapatuloy niya pa.





Narinig ko namang napa-owwww ang mga dep*ta sa paligid ko.





Awtomatiko naman akong napalingon sa kanya.





Seryoso lang siya habang nakatingin sa'kin, bagay na nakapagpagulat sa'kin nang sobra.





Agad naman akong umiwas ng tingin. Ang lakas naman ng loob niyang magrant tungkol sa pagpapaasa! Nagsalita ang hindi paasa. Che!





“Okay, nawili na kayo. Get a one whole sheet of yellow pad paper, magsulat kayo ng isang essay about the importance of capital in business industry.” sabi niya pa. Narinig ko naman ang mahinang reklamo ng mga kaklase ko. Hindi na lang ako kumibo. Dati kapag nagpapagawa siya ng kung anek anek pagtapos ng discussion lalo na kapag essay, ako pa ang unang-unang nagrereklamo. Hindi na niya tuloy ipinapagawa. Duh! I hate essays! Parang mapipilitan ata akong gawin 'to ngayon. T*ena naman, Sir!





Kumuha na lang ako ng yellow pad at nag-isip ng isusulat. Pot*ines! Wala akong maisip. Tumingin na lang ako sa board para alamin kung hanggang saan nga ba ulit 'yong coverage ng tinuro niya. Pero pot*ines, paglingon ko nakita ko siya agad sa table at do'n nakaupo. Nakatingin siya sa'kin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Sa libro na nga lang ako magbabasa. T*ena naman!





Nakaisip na 'ko ng isusulat after ilang minuto. Saktong kakatapos ko lang ng pagsusulat nang marinig ko na namang magsalita ang gwapo-pero-impaktong-paaasang-Abdul-ang-pangalan.





“Submit it to me when you're done.”





Isa-isa namang nagtayuan ang mga kaklase kong kanina pa nakatapos. Pot*ines! So, ibig sabihin lalapit din ako sa kanya? T*ena naman! Ayaw ko na nga siyang makasama, e. Ayaw ko na magkalapit pa kami.





Ay! Oo nga pala!





May naisip agad akong bright idea! Agad 'kong kinalabit ang katabi kong si Louis na busy pa rin sa pagsusulat. Napalingon naman 'to sa'kin. Napangiti naman ako sa loob-loob ko. Akala mo, Abdul, ah? I'm bright, yah know? 'Di mo 'ko mapapalapit sa'yo!





“Siz, patapos ka na ba? Pwede papasa na no'ng akin? Pinupulikat ako! Ang sakit!” bulong ko dito habang nagdadrama effect at humahawak pa sa binti ko na kunyareng hindi ko maigalaw.





“Naku, siz! 'Wag ako! Tinatamad ka lang kamo tumayo.” natatawang bulong nito at bumalik na sa pagsusulat.





“Dali na! Ire-reto kita kay Jason!” bulong ko ulit dahilan para gulat itong mapalingon sa'kin. Nakwento ko na ba sa inyong may huge crush si Louis kay Janina na nagbalik sa pagiging Jason kahapon? Hahahaha! Na lab at pers sayt daw si Louis kay Janina no'ng unang beses na dinalaw nila ako sa resto. Pero nabroken si Louis nang malaman niyang bakla ito. Umiyak pa nga, siz!





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now