Kabanata 23
Sabi nila, ang pinakamasakit daw na parte ng pag-ibigan ay ang hiwalayan. 'Yon 'yong point na palalayain at bibitawan mo na 'yong taong mahal mo, 'yong taong kasama mo sa lahat ng bagay, 'yong taong gusto mong makasama habambuhay, 'yong tanging taong dahilan ng bawat paghinga mo, at 'yong taong tinitibok ng puso mo. 'Yong tipong mawawala na sa piling mo 'yong taong akala mo makakasama mo habambuhay. Hindi mo na makakasama sa kinabukasan 'yong taong kasa-kasama mong tumatanaw ng bukas.
No'ng kabataan ko, pinagtatawanan ko lang 'yong mga gan'to-gan'to. Pinagtatawanan ko lang 'yong sakit na nararamdaman ng mga taong hinihiwalayan ng mga jowawers nila kasi naniniwala akong hindi ko mararanasan 'yon. I want my first to be my last kasi. Wala nang break-up break-up. Hindi 'yong ganito.
Hindi ko naman inaasahang mararansan ko 'yong sakit ng dep*ngal na break-up na 'to. Ngayon pa mismo. P*tang ina! Karma ba 'to sa insensitivity ko noon?
“Maghiwalay na tayo, Resi.” seryosong sabi niya na biglang ikinagunaw ng mundo ko. Nanatili lang akong nakatulala sa kaniya. Seryoso lang din siyang nakatingin sa'kin.
Bakit, Abdul? P*tang ina! Maayos naman tayo, e! Ang saya-saya pa natin kanina, naghaharutan at nagbabanatan pa tayo, ta's biglang gan'to? Ang sakit-sakit, hay*p! Ano pala 'yong ka-sweet-ang pinakita mo sa'kin kani-kanina lang? Ano 'yong mga pabanat-banat mo? Pampalubag-loob? P*tang inang 'yan! P*tang ina, Abdul!
“Joke lang, Resi.” banat niya pa kasabay ang malakas na pagtawa. P*tang ina! Ano? Issa prank lang 'yon?
Dahil sa pantitrip niya, hindi ko na tuloy napigilang maluha. P*tang ina! Hay*p siya! Hindi nakakatawang biro 'yon!
Nang makita ng impakto na umiiyak na 'ko, napatigil siya sa pagtawa at lumapit sa'kin. Niyakap ako ng impakto pero leche pa rin siya!
“Resi, sorry. Hindi ko alam na maniniwala ka. Sorry na.” paghingi niya ng tawad habang pinapatahan ako. Dahil do'n, naramdaman ko namang nawala bigla 'yong inis ko. Dep*ngal naman, selp! Ang rupok mo!
“Leche ka!” pag-iinarte ko pa. Mas humigpit naman ang yakap nito sa'kin. Lalo tuloy akong rumupok. Langya naman!
“I love you. Sorry na.” panunuyo pa nito. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya nang masama. Mukhang inabandunang tuta ang impakto. Mukhang sobrang guilty niya. Pero may isa pa 'kong napansin. T*ng inang mukha 'yan! Kahit na nagi-guilty, ang gwapo pa rin ng dep*ngal!
“Huwag mo na uulitin 'yon, ah! Sinasabi ko sa'yo, Nicodemus Abdul! Pag hiniwalayan mo 'ko, tatalon ako sa rooftop. Bahala ka.” pagbabanta ko pa sa kaniya sabay turo sa kisame. Ewan ko rin kung bakit kisame tinuro ko. Lechugas kasi, e.
Lumapit naman ang dep*ngal at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Muli naman akong niyakap ng dep*ngal. Niyakap ko na rin siya bilang sign na bati na kami dahil marupok ako. Subukan niya pa talagang ulitin 'yan! Tatalon na 'ko dito sa rooftop ng apartment namin!
“Pa'no pag ikaw nakipaghiwalay sa'kin? Pwede rin ba 'kong tumalon sa rooftop ng condo ko?” paglalambing na tanong pa nito habang magkayakap kami. Napangiti naman ako.
“Hindi.” nakangiting sagot ko sa kaniya.
“Huh? Ang daya! Bakit naman?” pagpapabebeng pagtatampo niya pa. Natawa naman ako dahil do'n.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...
