KABANATA 19

9 1 0
                                        

Kabanata 19 (Abdul's POV)









I don't believe in love at first sight, nor in the concept of fulfilling love.





All my life, I've been a sly with a cold heart. I've been begging for love ever since in able to fill the emptiness inside me, until I finally embrace this loneliness. Until I finally accepted my fate— that I'm not capable of being loved.





My past taught me how to be like this. I was 10 back then when my mom left us for another guy. Iniwan niya kami. After that, naging mailap na sa akin si Dad. Para bang physically, nandiyan siya, but emotionally, iniwan na rin niya ako kagaya ng ginawa ni Mama. Mas lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang mag-asawa ulit si Dad at tinuon niya ang buong pansin sa bago niyang pamilya. Lumaki tuloy akong malayo ang loob sa kaniya. Ang hirap tanggapin. Sa isang iglap, pakiramdam ko, ulilang-lubos na 'ko. Pakiramdam ko, wala nang magmamahal sa'kin dahil mismong mga magulang ko, hindi ako kayang mahalin.





I went to college taking Architecture dahil 'yon ang gusto ni Dad. Sinunod ko siya hoping na it would please him at mapapansin na niya 'ko, but I was wrong. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin so after 3 years sa field, nagdecide ako na mag-masteral at magturo sa Manila kahit hindi ko naman gusto ito. I don't know, pero simula no'ng napagtanto ko na walang nagmamahal sa'kin, nawalan na rin ako ng interes sa kahit anong bagay. Nakalimutan ko na rin kung paano mangarap.





Unang taon ko sa pagma-masteral nang aksidente akong maisama sa isang rally sa EDSA. Nauto ako ni Glen na cousin ko na sumama sa kaniyang gumala. Sumama naman ako dahil gusto ko ring maglibang, pero imbis na ma-relaxed ako, mas lalo akong na-stress dahil sa isang rally niya ako dinala. I was trying to control my temper dahil ayaw ko siyang awayin dahil babae siya and besides, wala naman na akong magagawa dahil naipit na ako dito. Hindi na ako makaalis kaya para tuloy akong tuod na nakatayo sa gitna habang nagsisigawan ang mga tao sa paligid ko.





Doon ko nakilala si Dani na eventually, naging unang girlfriend ko. Masaya ako sa kaniya, gano'n din naman siya with me. Mahal ko siya pero hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na may kulang, na may nawawala. Parang hindi ako nabubusog ng pagmamahal na binibigay niya. But I disregarded it kasi it's unfair para sa kaniya.





Our relationship went smooth. Maayos ang lahat between us hanggang sa dumating ang aming 6th year. Unti-unti na naming nararamdaman na parang iba na. Na parang pareho nang nawawala ang pagmamahal na min sa isa't isa. Hanggang sa we both decided to end it.





Around April no'n nang maisipan kong dumalaw sa resto ng cousin ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakadalaw do'n. Nagpakita lang ako kay Glen at sa ilang tauhan niya na naging friends ko na rin bago ako pumunta sa likod ng resto para magsiesta habang umiinom ng rootbeer in can. May puno kasi do'n ilang meters pagkalabas ng back door kaya presko sa pakiramdam. Parang wala ka sa Manila.





Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang maagaw ang pansin ko dahil biglang bumukas ang back door. Agad akong napalingon do'n at nakita ko ang isang babaeng empleyado na may dalang trashbag. Kahit na ilang metro ang layo niya sa'kin, hindi 'yon naging hadlang para makita ko ang mukha niya. She's pretty, I admit it. Ngayon ko lang siya nakita, so I think bago lang siya rito.





Nang magtama ang mga mata namin, hindi ko maipaliwanag pero parang naramdaman kong biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. I was about to smile pero agad siyang nag-iwas ng tingin at tinapon na 'yong trashbag na hawak niya. Hindi na niya ako nilingon hanggang sa pumasok siya. Nagkaroon tuloy ako ng impression na masungit siya. At dahil may tatak na surname ang uniform nila dito, nabasa ko agad ang nakasulat sa likod niya.




Love in ErmitaWhere stories live. Discover now