KABANATA 15

4 1 0
                                        

Kabanata 15









"Resi."




Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa resto nang marinig ko ang boses na tumawag sa'kin. Napatigil ako sa paglalakad nang marealize ko kung kaninong boses 'yon.




Kay Sir Abdul!




Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, ito pa lang ang unang beses na sinubukan niyang kausapin ako. Honestly, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos ng lahat. Ang sakit-sakit pa rin.




Pero kahit na nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, hinarap ko pa rin siya. Ayaw ko naman na makita niyang apektado pa rin ako, 'no! Ayaw kong isipin niya na nabi-bitter ako sa kanya kahit talaga naman. Napangiti naman ito nang humarap ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero kusa na lang nag-init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang nakangiti sa'kin. Sh*t! Bakit ang laki pa rin ng epekto ng ngiti niya sa akin?




"B-bakit po?" sagot ko habang umiiwas ng tingin para hindi niya mapansing nagba-blush ako. Sh*t! Bakit ba kasi siya ngumingiti?




"Merry Christmas, Resi!" sabi nito dahilan para kumunot bigla ang noo ko at nagtatakang napatingin sa kanya. Nakangiti pa ito habang diretsong nakatingin sa'kin. Talagang feel na feel niya ang pagbati, ah! Hindi naman masyadong maaga ang pagbati niya, ano?




"Merry Christmas din po." sagot ko na lang para sakyan ang trip niyang early greetings. Hindi ko namamalayan na natatawa na pala ako.




"Mukhang masaya ang pasko mo, ah! Buti ka pa. Ang lungkot kasi ng pasko ko, e." kaswal na kwento nito na parang walang namagitang landian at iwasan sa pagitan naming dalawa. Mukhang hindi naman siya affected, kaya kahit nasasaktan na ako ngayon, hindi ko na lang din ipapakita. Alam ko namang wala siyang pake, e. Hindi naman niya ako minahal, 'di ba?




"Bakit naman po?" kaswal na tanong ko kagaya ng normal na ginagawa ko noong maayos pa kami. Bukod do'n, gusto ko rin malaman kung bakit niya nasabing malungkot ang pasko niya. LQ ba sila ni Dani? Hindi naman sa concern ako, ah? Pero concern talaga ako. Tae! Mahal ko, e. Kahit masakit na.




"Dalawang buwan mo na kasi akong hindi kinakausap. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung kakausapin ba kita ngayon, e. Baka kasi hindi mo na naman ako pansinin." sagot niya habang nakatingin sa lupa. Nagulat naman ako sa naging sagot niya. So, malungkot siya dahil sa'kin? Malungkot siya dahil iniiwasan ko siya? Sh*t! Bakit naman siya malulungkot? Hindi naman niya ako minahal, 'di ba?




"Sorry po, Sir. Busy lang po talaga ako." palusot ko na lang. Napatingin si Sir sa'kin dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko dahil bigla ko na lang siyang hindi kinausap. Masama ba 'yong ginawa ko? Masyado ba 'kong naging unfair kay Sir?




Tumingin ulit ako kay Sir. Seryoso lang itong nakatitig sa'kin na para bang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko. Kinikilatis akong maigi ng mga tingin niya. Feeling ko tuloy nasa korte ako ngayon dahil nakapatay ako ng tao. T*ena talaga! Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang pinaghalo-halong sakit, guilt, at pagkalito.




"You've been busy since the day that I met you. Wala namang bago do'n. Pero okay naman tayo dati. Masaya naman tayo. Can you please tell me kung ano'ng problema? May problema ka ba sa'kin? May nagawa ba 'kong mali? Masyado ba 'kong uncomfortable kasama? Please, Resi. Tell me." mahabang sabi nito. Hindi ko pa rin siya tinitignan pero kahit na gano'n, nararamdaman ko pa rin na nasasaktan siya. P*tang ina naman! Ba't ba siya ganiyan? Bakit siya masasaktan? Hindi ba dapat ako ang nasasaktan kasi bukod sa binalikan niya si Dani, e pinaasa niya lang ako?




Love in ErmitaWhere stories live. Discover now