KABANATA 24

1 1 0
                                        

Kabanata 24











Noong bata ako, pangarap ko talagang magkaroon ng nakatatandang kapatid. 'Yong tipong may matatawag na akong ‘kuya’ or ‘ate’ na kapatid ko, hindi ibang taong mas matanda sa'kin or 'di ko knows ang name.





Inggit na inggit pa 'ko no'n sa mga kalaro at kakilala ko na may kuya or ate. Ang swerte-swerte nila, e. Kapag may umaaway sa kanila, tatakbo agad sila sa ate or kuya nila ta's do'n sila iiyak at magsusumbong. Kapag nasasaktan sila at nararamdaman nila na tinatalikuran na sila ng mundo, alam nila sa mga sarili nila na may matatakbuhan at masasandalan sila. May mahihingian sila ng tulong, emotionally and financially. May gumagabay din sa kanila habang lumalaki sila. Nagkakaroon sila ng buddy buddy gano'n. Gusto ko rin magkaroon ng no'n.





Siguro ganito lang talaga. Kapag bunso ka, gusto mo maging panganay o solong anak. Kapag panganay ka, gusto mong maging bunso o solong anak. Kapag solong anak ka naman, gusto mo magkaroon ng kapatid. Ewan ko ba.





Akala ko paglipas ng mga taon, maglalaho rin 'yon. Pero mas lalo pang sumidhi 'yong hangarin ko na magkaroon ng nakakatandang kapatid no'ng iniwan kami ni nanay at nalipat sa akin ang responsibilidad ng pagiging ina niya sa mga kapatid ko. Ako tuloy ang naging pangalawang nanay ng mga loko. Ang su-swerte ng mga impaktong 'to, lintek!





Lagi akong nakakaramdam ng pagod. Palagi akong nahihirapan. Minsan sumasagi sa isip ko. What if nagkaroon ako ng nakakatandang kapatid? Siguro, may kahati ako sa lahat ng problema ko. Siguro hindi ako masyadong nahihirapan. Siguro may buddy buddy rin ako ngayon.





Pero lahat ng hangarin kong 'yon ay biglang naglaho nang malaman kong kapatid ko si Abdul. P*tang ina! Siya pala 'yong sinasabi ni tatay no'n na anak ni nanay sa una nitong asawa. P*tang ina ulit! The exact moment nga na nalaman kong magkapatid pala kami ni Abdul, nandilim bigla ang paningin ko at hinimatay na 'ko, e. No'ng nagising ako, nag-impake na 'ko at agad na umalis. P*tang ina kasi!





Mahigit isang linggo na simula no'ng nalaman ko 'yon. Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na tatawag sila sa'kin sabay sabing, “anak, issa prank!!!” pero wala, e. P*tang ina! Dahil do'n, mahigit isang linggo na rin akong nagkukulong dito sa apartment. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Hindi ko maalala kung kailan ako huling kumain o uminom man lang. Nakatulala lang ako habang umiiyak. Parang hindi nauubos ang luha ko. Walang sawa pa rin siyang tumutulo nang tumutulo.





Ang sakit-sakit, p*tang ina! Hanggang ngayon ayaw pa ring tanggapin ng utak at puso ko na kapatid ko si Abdul! Walanghiya! Ayos na, e. Masaya na kami. Pa-happy ending na, e. Tapos biglang ganito?





T*ng ina naman! T*ng inang tadhana 'yan! Ang dumi-dumi maglaro ng tadhana, p*ta! Ilang tao!? Ilang taon ko siyang minahal! Kilig na kilig ako sa kaniya! Lahat ata ng emosyon naramdaman ko para sa kaniya tapos gano'n lang? Mahal na mahal ko siya tapos malalaman-laman ko na lang na magkapatid pala kami? P*tang ina, ang sakit!





Gusto ko na lang mamatay, p*tang ina! Hindi ko kaya 'tong ganito. Sobrang sakit! T*ng ina!





Ang dami ko nang sakit na naranasan at pinagdaanan. Maraming beses na rin akong nanlumo, nagwala, nagbreakdown, at humagulgol dahil diyan sa p*tang inang sakit na 'yan! P*ta! Pero wala nang mas sasakit pa sa katotohanang kapatid mo pala 'yong kaisa-isahang lalaking minahal at minamahal mo.





T*ng ina! Gusto ko na lang matapos 'to. Ayaw ko nang indahin 'tong p*tang inang sakit na 'to. Gusto ko na talagang mamatay!





Bigla akong napayakap sa sarili ko nang maramdaman kong biglang lumamig. May sarili nga ata talagang utak ang mga paa ko. Namalayan ko na lang na nandito na ako sa rooftop ng apartment.





Desidido na 'ko. Gusto ko nang matapos lahat ng ito. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya lahat ng 'to.





Dahan-dahan akong umakyat sa mababang pader na nagsisilbing bakod ng rooftop. Wala pa ring sawa sa pagtulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Ang labo na ng paningin ko sa sobrang dami ng luhang lumalabas sa'kin, pero hindi hadlang 'yon para makita ko kung ano ang nag-aabang sa'kin sa baba.





Buong buhay ko, hindi ko inakalang sa ganito ako mamamatay. Pero wala, e. Ito lang 'yong nakikita kong solusyon para matapos na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ito lang ang kaya kong gawin.





Nanay, gusto ko lang malaman mo na hindi na masaya ako na naging nanay kita kahit nanay ka rin ng ex ko. Sana maging mabuti kang ina kay Abdul kasi alam ko na buong buhay niya, naghahanap siya ng kalinga ng isang ina. Alagaan niyo siya, nay. Mahal na mahal ko 'yan, e.





Reineir, ngayon gets ko na ang nararamdaman mo. Naiintindihan ko na kung bakit ka nasasaktan no'ng naghiwalay kayo ni Elaine dahil hindi kayo pwede kasi nga stepsis na natin siya. Naku-konsensiya tuloy ako dahil tinatawanan lang kita no'ng mga panahong broken ka. Kinarma tuloy ako. Mas malala pa. Lintek talaga.





Rebecca, sana lumaki ka na. T*ena! Mamamatay na 'ko't lahat-lahat hindi ka pa rin lumalaki. Mag-aral ka mabuti. Sana matupad mo mga pangarap mo. Tandaan mo, kahit wala na si ate, babantayan pa rin kita palagi. Loveyou, bunso!





Tatay, ready na 'ko makita ka. Sunduin mo na 'ko. Miss na miss na kita, tay. Pwede na kitang mayakap ngayon. Kailangang kailangan kita ngayon, tay. Sunduin mo na 'ko dito, tay.





Pinunasan ko ang mga luha mula sa mga mata ko. At sa huling pagkakataon, tinignan ko ulit ang buong paligid. Tahimik ang gabi. Sobrang payapa. Sana pagkatapos ng gagawin 'ko, maging payapa na rin ako.





Handa na 'ko. Akmang tatalon na ako nang maramdaman kong biglang may yumakap sa bewang ko at humila sa'kin pababa. Bumagsak tuloy ako sa ibabaw ng taong 'yon. Napamura na lang ako sa isip ko bago ko nilingon kung sino man 'yon.





Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang gulat. Naramdaman kong nanigas ang buong katawan ko dahil sa pinaghalo-halong emosyon nang makilala ko kung sino ang taong 'yon.





Si Abdul!

















----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<3

Love in ErmitaWhere stories live. Discover now