KABANATA 21

0 1 0
                                    

Kabanata 21











Buong buhay ko, curious na curious ako kung ano ang pakiramdam ng nagkakaroon ng jowa. No'ng nagdadalaga ako hanggang ngayon, marami akong nakakasalamuhang ka-edad ko na mayroon ng mga gano'n gano'n. May kakilala pa nga ako na after makipagbreak sa unang jowa niya, humanap ulit ng bago. Ta's nong iniwan ulit siya, humanap na naman ulit siya ng bago. Hanggang sa paulit-ulit na 'yon. Parang ayaw na niyang mababakante, gano'n.





Hindi ko alam. Hindi ko ma-gets kung ano bang magandang naidudulot sa kanila ng pakikipag-relasyon at bakit gustong gusto nilang magkaroon nito. Bakit parang ayaw nilang mawalan nito once na nagkaroon sila? Hinahanap-hanap rin ba ng sistema nila 'yon?





Is love really addictive?





Isa 'yan sa mga tanong na mula noon ay hinahanapan ko ng sagot. And finally, nahanap ko na ang sagot ngayon.





“Sorry, pero hindi ko kayang tanggapin as joke 'yong sinabi mo. Simula ngayong gabi, tayo na. Akin ka na, Resi.” malambing na bulong nito habang yakap-yakap ako. Naramdaman ko namang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil nga yakap niya ako at hanggang dibdib lang ako ng impakto, naririnig ko rin ang bawat tibok ng puso niya. Napangiti ako. Para kasing sabay na umaawit ang mga puso namin. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang nakaka-adik.





Love is really addictive nga talaga. Dahil sa nararamdaman kong saya ngayon, feeling ko hindi ko na kailangang tumira ng methamphetamine hydrochloride neto! Same feels, e. Charot!





Dinama ko lang yakap niya at pasimple rin ako nagsa-soundtrip dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Ayaw ko nang umalis dito. Kahit ilang minuto ko pa lang na nararamdaman ang yakap niya, parang habambuhay ko nang hahanap-hanapin 'to.





Pero agad rin naman kaming natauhan nang marinig naming tumunog ang cellphone ko. Langya naman! Panira ng moment, pwe!





Awtomatiko namang napabitaw sa'kin si Sir. Nginitian lang ako nito sabay tango na nagsasabing, “Sige, mahal. Tignan mo na 'yan.”. Ngumiti na lang din ako para hindi niya isiping may attitude problem ang girlfriend niya. Char!





Awitttt! Girlfriend niya. Ang sarap naman pakinggan no'n. Ang sarap sa feeling. Girlfriend na niya 'ko. Finally! Enebe!





Kinuha ko naman agad sa bulsa 'yong phone ko at tinignan kung sino ang umepal sa moment namin ng mahal q. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nagtext ang impaktitang Janina. Binasa ko naman 'yon dahil wala akong choice. Char!





0y s1z,. K4y@ m0 pAl4 @kO in1wAn kC n@k4hAn⁴P k@ nA nG wAfFÜ dY@n,,..?? ûN@ n4 k0 úW1., b@bÜsH b3s11!!!..,, w@g m0 mŪn4 sÛk0oOo L1r30,. HiHe..😚🤗😳





Oo nga pala! Kasama ko nga pala 'tong inggratang 'to. Pero t*ena! 2024 na jeje pa rin 'tong impaktang 'to. Buti na lang bessy ko siya at laham na laham ko siya. Char! Hahayst.





Agad ko siyang nilingon kung saan ko siya iniwan. Tinawanan lang ako ng lintek at kumaway-kaway pa bago siya umalis. Inirapan ko na lang ang gaga 'tsaka binalik ang tingin ko sa bompren ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nakasimangot siya. Problema nito?





“Close na close kayo, 'no?” nakasimangot na komento nito. Natawa naman ako. Langya! Kami na nga pero nagseselos pa rin siya kay Janina?





“Oo. Close na close kami.” natatawang sagot ko. Mas lalo siyang napasimangot dahil do'n at tinalikuran na 'ko. Natawa lalo ako. May pagka-pabebe pala 'to si Sir? Perengtenge talaga!





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now