Kabanata 27
Ano nga ba ang mas masakit? Ang malaman mong hindi kayo pwedeng magkatuluyan ng lalaking mahal na mahal mo at alam mong mahal ka rin? O ang malamang hindi ka na mahal ng lalaking tanging pinag-aalayan mo ng pag-ibig mo?
Parehong masakit. Parehong nakakadurog, oo. Pero wala nang mas sasakit pa sa katotohanang wala nang pag-ibig na nararamdaman sa'yo ang taong buong akala mong habambuhay kang mamahalin.
Para kang unti-unting dinudurog. Para kang unti-unting pinapatay ng sakit. Ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko naman na muling nangingilid ang mga luha mula sa mga mata ko. Pinabayaan ko na lang itong bumagsak.
Hindi pa rin mawala si isip ko 'yong naging pag-uusap namin ni Abdul sa Baguio.
“Resi!”
Napatigil ako nang may marinig akong nagsalita. Hindi ko na kailangang isipin kung sino siya. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin sa palayaw na 'yon, e. Bukod do'n, hinding hindi ko malilimutan ang boses niya. Hinding hindi ko malilimutan lahat ng detalye ng pagkatao niya. Siguro kahit ilang taon kaming paglayuin ng tadhana, maaalala't maaalala ko lahat tungkol sa kaniya.
Gulat akong napalingon sa kaniya. Nakatayo siya sa gilid ng bench na inuupuan ko. Nakangiti siya at direstong nakatingin sa'kin. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil do'n.
Ang ganda ng ngiti niya. Purong puro ito. Wala kang mababakas na sakit. Masayang masaya siya tignan. Parang walang namagitang mga masasakit na ala-ala sa'min.
Napagtanto ko na siguro, tanggap na niya. Siguro, nakalimutan na niya lahat ng pinagdaanan namin. Pero bukod do'n, may isa pa akong napagtanto. Kahit pala ilang buwan kaming hindi nagkita at kahit na gaano pa kasakit ang pinagdaanan naming dalawa, hindi pa rin pala nagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal na mahal ko pa rin siya.
“Resi?”
Natauhan naman ako nang muli ako nitong tawagin. Agad akong nag-iwas ng tingin. T*ng ina! Bakit ko ba siya tinititigan? Hindi ko na dapat siya tignan nang gano'n. Magkapatid kami, e.
Naramdaman ko namang gumalaw ito at umupo sa espasyo sa tabi ko. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko dahil do'n.
“Kamusta ka na, Resi?” narinig kong tanong nito dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Malayo ang tingin niya. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatagilid siya sa'kin. Seryoso ba siya sa tanong niyang 'yan? Mukha bang okay lang ako?
Na-realize ko rin na ang lapit niya lang sa'kin. Naririnig niya kaya ang tibok ng puso ko?
Sana hindi. Sana huwag. Kasi alam ko naman na hindi na niya ito papakinggan.
Magkapatid kami, remember?
Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang lumingon ito sa'kin at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. P*tang ina naman! Ba't ba siya ngiti nang ngiti diyan? Sobrang awkward lalo na pag naaalala kong kapatid ko siya. Hindi na ako pwedeng kiligin at maapektuhan sa mga ngiti niya.
“O-okay lang, naman. I-ikaw?” naiilang na sagot at tanong ko.
“Okay lang din.” sagot nito.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...