KABANATA 18

4 1 0
                                        

Kabanata 18















                Disyembre 19, 2023
                     Kasalukuyan










Pinunasan ko gamit ang kamay ko ang mga luhang walang sawang lumalabas sa mga mata ko. T*ng inang 'yan, hindi ko naman alam na magdadrama ako dito. Hindi tuloy ako nakapagdala ng panyo.







Kakatapos ko lang punasan ang mga mata ko nang umagos na naman ang mga luhang bunga ng pagkamiss ko kay tatay. Pero to clarify everything, miss na miss ko lang si tatay, ah? Miss na miss ko na si tatay, pero ayaw ko pa siya makita, 'no! Jusq, 'wag naman sana.







Akmang pupunasan ko na ulit ito nang may maaninag akong kamay na may hawak na panyo na nakalahad sa harap ko. Sa sobrang gulat ay agad akong napalingon sa may ari ng kamay na 'yon. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang may ari ng kamay na 'yon. Kahit na nagbago ang hairstyle niya at unti-unti nang tumutubo ang mga bigote niya, hindi pa rin hadlang 'yon para makilala ko siya. I guess, hinding hindi ko malilimutan ang mukha niya.







Si Sir Abdul.







Nakasuot ito ng puting polo at itim na pants. Hindi pa rin nagbabago ang napaka-professional niyang tindig. Hindi pa rin siya nagbabago.







Seryoso itong nakatigin sa'kin. Ilang sandali pa ay isang napakatamis na ngiti ang sumilay mula sa kanyang labi.







Totoo nga. Lumipas man ang maraming taon, isa lang ang sigurado. Hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagngiti mo. Ang kinang ng iyong mga mata'y walang pinag-iba— kagaya ng paraan ng pagtibok ng puso ko sa tuwing makikita ka.







Bumalik tayo sa nakaraan. Ibalik natin ang nakalipas. Ituloy natin ang naudlot.







Kaya pa ba?







Pwede pa ba?







At sa muling pagtatama ng aming mga mata, alam ko na muling magsisimula ang kwento naming dalawa.







"Sir Abdul?!" gulat na sabi ko. Shems! Who would have thought na magkikita pa pala kami? Destiny ba tawag dito? Ang weird lang kasi dito pa kami sa sementeryo nagkita.







Honestly, I really don't know what to feel. Sobrang unexpected. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit parang bigla akong sumaya nang nakita ko siya. Wew! Hanggang ngayon pala Abdul kaligayahan pa rin kita. Charot!







"Sorry? Have we met before?" kunot-noong tanong nito dahilan para mapasimangot ako. P*tang ina! So, hindi na niya 'ko kilala? Wow! Just wow!







T*ng ina, Sir! Gano'n-gano'n na lang 'yon? Pagkatapos ng lahat, kalimutan na lang?







Okay. E 'di okay, 'di ba?







Ayos lang talaga.







Ayos lang, Sir.







"Joke lang, Resi. How are you?" sabi nito kasabay ang mahinang pagtawa. Halatang natawa siya sa reaction ko. Natawa na lang din ako dahil sa trip nito. Hay*p talaga, Sir. Ngayon na nga lang tayo nagkita, nanti-trip ka pa.







Pasalamat ka, Sir mahal ki— ang bigas. Oo, tama. Mahal ang bigas. Charot!







"Okay lang naman po, Sir. Kayo po, kamusta na?" nakangiting sagot at tanong ko. Ewan ko kung bakit ako nakangiti. Nababaliw na ba 'ko? Charot! Nakangiti rin kasi si Sir sa'kin kaya hindi ko tuloy mapigilang ngumiti rin.







"Eto, tumatanda na. Uhm, hindi mo ba kukunin 'tong panyo." natatawang tugon ni Sir dahilan para agad akong mapatingin sa kamay niyang may hawak na panyo na nakalahad pa rin sa harap ko. Doon ko lang din naalala na may mga luha pa rin ako sa mata at pisnge. Sh*t! Nakakahiya! All this time na kausap ko pala si Sir, mukha akong gusgusing iyaking bata. Shems!







Agad ko namang kinuha 'yon at pinunasan ang mukha ko. Shems ulit! Ang bango ng panyo ni Sir! Parang nakaka-adik siya— este 'yong amoy ng panyo niya.







"Salamat po, Sir. Hindi ko po in-expect na magdadrama ako dito kaya hindi ako nakapagdala ng panyo. Ibabalik ko na lang po pag nagkita tayo ulit." nahihiyang pasasalamat ko matapos kong gamitin 'yong panyo niya. Pero parang ayaw ko nang ibalik 'yong panyo. Ang bango kasi ih!







"Ako rin. Hindi ko rin in-expect na makikita ulit kita. I thought nasa Baguio ka na?" nakangiti pa rin siya. Shems! Ba't ba siya ngumingiti nang ganyan?







"Dumalaw lang po talaga ako. Isasabay ko po 'yong kapatid ko umuwi sa Baguio sa isang araw. Sa Taytay po ako nakatira at nagtuturo." sagot ko naman dito. Mas lalong lumapad ang ngiti niya kaya napangiti rin ako. Leche namang ngiti 'yan! Lakas makatunaw.







"Nagtuturo? Teacher ka na?" nakangiting tanong nito. HmmMm, may pagkachismoso pa rin pala 'to si Sir. Charot!







"Opo. Nagtuturo na po ako sa Taytay National High School." sagot ko naman dito.







"Congrats, Resi! I'm so proud of you!" nakangiting bati ni Sir dahilan para maramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. Shems!







"Thank you po, Sir!" nakangiting sagot ko kasabay ang pag-iwas ng tingin para hindi niya mapansin na nagba-blush ako. Shems! Ba't ba ako nagba-blush?






Natahimik naman kami after no'n. Siguro pareho kaming naghahagilap ng salitang pwedeng sabihin sa isa't isa. Napatingin naman ako dito nang maramdaman kong hindi na 'ko nagba-blush. Pero agad ko na namang naramdamang nag-init ang pisngi ko nang makita ko siyang nakangiti habang diretsong nakatingin sa'kin. Sh*t!







"You've changed a lot, Resi. Ang laki na ng pinagbago mo. Mas lalo ka ring gumanda." nakangiting sabi ni Sir habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. Imbis na kiligin ay natawa ako sa sinabi nito. In fairness, mas lalo siyang naging maharot ah! Charot!







"Grabe talaga, Sir. Susumbong na talaga kita sa girlfriend mo na pinapakitaan mo na naman ako ng mga ganiyan-ganiyan mo." natatawang pang-eechos ko naman dito. Natawa rin siya dahil sa sinabi ko.







"Wala akong girlfriend, e. Pa'no ba 'yan?" nakangiting tugon nito.







"Weh? Ikaw, Sir mawawalan? Sige nga, Sir. Bigyan mo nga po ako ng proper explanation kung bakit wala kang girlfriend." natatawang panghahamon ko dito kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya.







Hindi naman sa hindi ako naniniwala, ah? Naniniguro lang ako na wala siyang girlfriend para makapag-volunteer ako. Charot!







"Hindi mo pa kasi ako sinasagot, e." nakangiting sagot nito habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Shems! Naramdaman ko namang nag-init ulit ang pisngi ko kaya napaiwas ulit ako ng tingin habang ngumingiti. Hay*p talaga 'to si Sir.







Pero in fairness, ah? Nag-iimprove siya. Dati puro pa-hint at pa-talinhaga siya pero ngayon masyado siyang straightforward magsalita. Halatang maraming pinag-practice-an. HmMmMm.







"Grabe talaga, Sir. Hindi ka pa rin po nagbabago. Pa-fall ka pa rin." natatawang sabi ko dito habang nag-iiwas pa rin ng tingin. Hindi 'to pang-eechos kasi totoo naman talaga na pa-fall pa rin siya mula noon hanggang ngayon.







Narinig ko namang natawa ito kaya napalingon ako sa kanya.







"Bakit, Ma'am? Napa-fall ka na ba ulit sa'kin?" natatawang banat nito dahilan para mas lalong mag-init ang pisngi ko. T*ena naman, Sir. Enebe!







Hala! Tinawag niya ba 'kong Ma'am? Halaaaa! Nakakahiya!







"Sir 'wag mo po ako tawaging Ma'am. Ang awkward po, e." nahihiyang sabi ko dito. Ang awkward pa naman no'ng feeling na tawagin kang Ma'am ng dati mong teacher. Hindi ako sanay, shems!







"Bakit naman? Teacher ka na rin naman kagaya ko." takang tanong nito. Sasagot na sana ako nang bigla itong tumawa. Luh. Problema nito? Nababaliw na ba siya sa'kin? Charot!







"Ah, I got it! Siguro dapat na 'kong masanay tawagin kang 'mahal', 'no?" natatawang banat naman nito kaya biglang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Halaaa! Hindi naman 'yon 'yong ibig kong sabihin. Bigla naman akong namula dahil sa pinaghalong kilig at hiya.







"Grabe, pa-fall talaga!" napapailing na sagot ko habang natatawa. Leche talaga 'to si Sir. Pag ako na-fall ulit sa kanya, aba naku! Required siya na saluhin na 'ko.






"You know what, hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa pag tinatawag akong pa-fall, e. Pero since sa'yo nanggaling, I'll take that as a compliment." natatawang chika nito sa'kin. So, may mga tumawag na sa kanya na pa-fall? Aba! Halatang marami na talagang pinag-practice-an 'to, ah!







"May tumawag na po sa inyo na pa-fall?" pang-uusisa ko naman dito.







"Oo. 6 years ago sa Ermita." nakangiting sagot niya kaya agad kumunot ang noo ko.







"Sino po? Kilala ko po ba?" tanong ko naman dito. May hint na naman ako na ako talaga ang tinutukoy niya pero siyempre, gusto ko pa rin na sa kaniya mismo manggaling.







"Maang-maangan lang?" pambabara nito kasabay ang pagtawa kaya natawa din ako. Nagtawanan tuloy kami. Tae! So, ako nga?







"Ikaw? May boyfriend ka na ba? Baka mamaya ipabugbog ako ng boyfriend mo, ah!" natatawang tanong at pang-eechos nito sa'kin.







"Wala po, Sir." natatawa ring sagot ko. Ewan ko ba kung bakit kami nagtatawanan. Parang tanga, e. Gusto ko rin sanang dugtungan 'yong sinabi ko ng 'bakit, sir? gusto mo mag-volunteer?' kaya lang 'wag na. Nasa sementeryo pa naman kami. Baka mailibing ako nang wala sa oras ni Sir dahil sa sobrang kilig. Charot!







"Weh? Ikaw, mawawalan? Sige nga. Bigyan mo nga ako ng proper explanation kung bakit wala ka pang boyfriend." panggagaya naman nito sa tanong ko kanina. Medyo malakas ang trip nitong si Sir ngayong araw, ah? Teka, nagda-drugs na rin ba siya? Awitttt! Relationship goals pala kami kung nagkataon. Baka someday makita na lang namin na nasa balita na kami, 'yong tipong magsyotang adik, arestado matapos lagyan ng wig ang rebulto ni Rizal. Charot!







"Hindi mo pa kasi ako nililigawan, e." panggagaya ko naman sa banat nito kanina. Natawa naman ang impakto kaya natawa na lang din ako. After all these years, kaligayahan mo pa rin pala ako, Abdul. Charot!







"Natututo ka na, ah!" pang-eechos pa nito kaya nagtawanan kami lalo. Ang happy-happy talaga! Habang nagtatawanan kami, napatingin naman ako sa mukha niya. Ang gwapo talaga niya pag tumatawa, lintek. Pero mas ga-gwapo siya kapag ako naging kaligayahan niya. Charot! Nakatingala pala ako sa kaniya. Ang tangkad talaga ng leche! Hanggang dibdib niya lang ako. Ngayon ko lang din na-realize na pareho pala kaming nakaputi. So, couple na kami nito? Charot!







"Pero seriously, wala ka pa ngang boyfriend?" tanong nito.







"Wala pa nga po." nakangiting sagot ko. Pa'no ako magkaka-boyfriend, e ikaw lang naman 'yong nagustuhan ko ever since. Masyado kang mahirap palitan. Wew!







"Bakit naman?" seryosong pakiki-usyoso nito.







"Hindi ko rin po alam." natatawang sagot ko naman dito kaya napangiti ito. Ano ba nginingiti-ngiti niya diyan? Masaya ba siya na wala akong boyfriend? Manliligaw na ba siya? Luh, enebe! Charot!







"Can I ask a favor?" nakangiting tanong nito.







"Ano po 'yon?" tanong ko naman dito. Pag talaga bumanat 'tong si Abdul na 'pwede bang ako na lang maging boyfriend mo', baka maibaon ko talaga siya nang wala sa oras dito dahil sa sobrang kilig. Charot!







"Pwede ba 'wag mo na 'ko i-po at opo pag nag-uusap tayo. Feeling ko kasi masyado na akong matanda sa'yo, e." nahihiyang tanong nito. Oo, Sir. Masyado ka ngang matanda para sa'kin. Pero ikaw lang gusto kong makasama sa pagtanda, awitttt!







"Sige." natatawang sagot ko naman kaya napangiti ito.







"Nga pala, busy ka ba bukas? Gusto ko sanang i-grab 'tong opportunity na 'to para yayain ka sa paskuhan sa UST bukas, if okay lang sa'yo. Para na rin maibalik mo sa'kin 'yang panyo." natatawang yaya nito sa'kin. Hala! So, parang magde-date kami gano'n? Sa UST kasi nag-aaral si Reineir kaya minsan naiku-kwento niya sa'kin na marami daw nagde-date sa Paskuhan. Pangarap ko rin pumunta doon pero ngayon lang ako nabigyan ng chance. Who would have thought na si Nicodemus Abdul na first love ko pa pala ang makakasama ko sa unang Paskuhan ko?







"Sige, Sir. Gusto ko rin pumunta do'n." nakangiting sagot ko. Mygahd! Excited na tuloy ako!







"Good! Sige. See you tomorrow, Resi! Susunduin na lang kita." nakangiting paalam nito at nagsimula nang maglakad palayo. Nakangiti ko lang siyang pinapanood hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.







Nang muli akong mapatingin sa panyo niya, agad akong may naalalang nakaka-impaktong bagay. P*tang ina! P*tang ina lang talaga! Pa'no niya 'ko masusundo, e hindi ko naman nasabi sa kaniya kung saan ako tumutuloy ngayon. Ni-hindi man lang niya tinanong! Ang hay*p! Parang ini-scam niya lang ako.





Umuwi tuloy akong masama ang loob. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano kami magkikita bukas at kung paano 'yong sinabi niyang susunduin niya 'ko. Imposible talaga, e. Walanghiyang 'yan! Minsan na nga lang kami nagkita tapos may pa gano'n pa. Inuto na naman ako ng lechugas na Abdul na 'yan. Ako naman si t*nga, kinilig pa. Lecheng 'yan.







"Ate! Gising na!"







Naalimpungatan naman ako nang may marinig akong boses ng lalaking dating ipis. Naramdaman ko namang may yumuyugyog sa balikat ko kaya tinabig ko 'yon at tinalikuran ko na kung sino 'yon.







"Ate nandiyan boyfriend mo sa garden! Sinusundo ka. May date daw kayo."







Nang marinig ko 'yon ay awtomatiko akong napabangon. Lintek! So, nandito nga si Sir? Hala! Pa'no niya nalaman 'tong condo ni Reineir?







Napatingin ako sa wall clock dito sa guest room ng condo ng kapatid kong dating ipis pero agad na napakunot ang noo ko nang makitang 8AM pa lang. Ang aga naman niya akong sunduin. Pero, kiber lang. Tumayo na ako para maghilamos.







"Labas ka muna. Sabihin mo maghihilamos lang ako saglit." utos ko sa lalaking dating mukha at boses ipis na nakatayo sa tabi ng kama habang kumukuha ako ng towel. Papasok na sana ako ng banyo nang marinig ko ang malakas na pagtawa ang loko. Napatingin ako sa kaniya at awtomatikong napataas ang kaliwang former virgin kong kilay.







"Ba't ka tumatawa diyan?" takang tanong ko dito. Nababaliw na ata 'to.







"Ate ba't ka nagmamadali? Wala ka namang boyfriend, e. Wala rin tayong garden." tumatawang sagot ng impakto dahilan para matigilan ako. P*tang ina! Wala nga pala kaming garden dahil nasa condo ako. Hindi ko nga rin pala boyfriend si Sir. So, pinagtitripan lang pala ako ng hay*p na 'to? Walang Sir Abdul na nag-aantay sa'kin?







Nakaramdam agad ako ng pagkainis dito kaya nabato ko tuloy siya ng unan. Nailagan naman ng loko habang patuloy pa rin siya sa kakatawa. Tinalikuran ko na lang siya at pumasok na sa banyo. Kahay*pan at it's finest talaga 'tong Reineir na 'to! Hindi ko malaman kung kapatid talaga ang turing nito sa'kin, e. Ampon lang siguro siya, hMmmM. Charot!







Taragis kasi 'tong si Sir Abdul, e. Masyadong inu-occupy ang isip ko. Nauto na naman tuloy ako. Ngayon ko lang din na-realize na palagi akong nauuto sa kwentong 'to. 'Yong totoo, Author? T*nga lang ba talaga ang role ko dito? Uto-uto, gano'n?







Naligo na lang ako at pumasok sa toilet dahil sa sobrang pagka-badtrip, charot! Medyo naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil umasa ako sa sinabi ni Sir. Kaines! Akala ko may ka-date na ako sa unang Paskuhan experience ko. Pero kiber lang. Makakapunta ako ng Paskuhan nang wala siya, 'no!







Pagkalabas ko ay naabutan ko ang impaktong dating mukhang ipis sa sala habang gumagawa ng plate sa drafting table niya na ayaw niyang ipahawak sa'kin kasi baka madumihan. Hmp! Kahit na dating mukhang ipis 'tong kapatid ko, hanga pa rin ako dito. Christmas break na, plates pa rin ang inaatupag. Ang galing din magdrawing nitong batang ire, naol.







Pumunta na ako sa kitchen para kumain. Napasobra pa nga ang kain ko dahil sa pagka-stress ko sa dep*ngal na Abdul na 'yan. May pa banat-banat pang nalalaman kahapon, papaasahin lang naman ako ng walanghiya!







"Ate, aalis ako mamaya. Pupunta ako ng Paskuhan. Baka umagahin ako ng uwi kaya 'wag mo na akong hintayin." narinig kong sabi ng impaktong dating mukhang ipis mula sa sala. Napakunot naman ang noo ko dahil dito. Hindi niya man lang ako yayayain?







"Sasama ako oy! Iiwan mo na lang ako dito, gano'n? 'Tsaka gusto ko rin makaranas ng Paskuhan." sagot ko naman dito. Sasama talaga ako. Bahala siya.







"Hala, ate. Ano kasi—"







"Siguro may ka-date ka do'n, 'no? Naku, akala ko ba loyal ka kay Elaine? Susumbong kita." pabirong pagputol ko sa dapat sana ay sasabihin niya sabay mention sa step sister namin na si Elaine. Nagkaroon kasi sila ng something ni Reineir 3 years ago pero pinutol din nila 'yon kasi baka hindi pumayag si Tito at si nanay pag nalaman 'yon. Ako lang ang nakaka-alam ng namagitan sa kanila dahil aksidente kong nabasa ang mga chats nila. Baby pa nga ang endearment ng mga hinayupak, e. Hanggang ngayon, awkward pa rin silang dalawa ni Elaine kaya natatawa na lang ako. Wala lang, trip ko lang tumawa.







"Kasama ko mga tropa ko. Sige na nga, sumama ka na. Bahala ka ma-OP." sagot nito dahilan para matawa ako. Halatang iniiwasan ng echoserong 'to 'yong usapan about kay Elaine. Ang awkward kasi talaga siguro no'n, 'no?





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now