Kabanata 12
“Ikaw Anne kapag nagka-boyfriend ka, dapat ikaw lang 'yong gusto. Dapat sigurado siya sa'yo. 'Wag kang pipili ng lalaking ipaparamdam sa'yo na mahal ka niya pero sa huli, hindi naman pala totoo 'yong nararamdaman niya. Walang kwenta 'yong gano'n, nak.”
Paulit-ulit nagpa-play sa isipan ko 'yong mga sinabi ni nanay no'ng 12 years old ako. Ang dami niyang pangaral sa'kin no'n lalo na tungkol sa mga lalaki kasi nagsimula na 'ko magregla. Hindi ko naman siya iniintindi kasi wala naman akong pake sa mga say niya kasi bukod sa 'di ko siya gets, pinuproblema ko kung pa'no ako uupo kasi naiirita ako sa suot kong napkin. Feeling ko naiihi ako lagi. T*ena!
Hindi ko na rin pinansin 'yong paalala niya kasi alam ko naman na hindi 'yon mangyayari sa'kin. Not until today.
Ganito pala 'yong pakiramdam na ma-broken. Ang sakit-sakit. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng mundo, na pinagkaitan ako nito ng kaligayahan. Ang hirap huminga. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. P*ta!
Naaalala ko dati kapag nakakakita ako ng schoolmate na umiiyak kasi hiniwalayan, umiiyak kasi na-reject, umiiyak kasi niloko, tinatawanan ko lang. Para sa'kin kasi napakababaw ng dahilan nila para umiyak. Duh! Lalaki lang 'yan!
Iba pa rin pala kapag naranasan mo na.
Dalawang araw na simula no'ng nakita ko sila ni Dani. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang hindi maluha kapag naaalala ko 'yong mga nakita ko. Oo, alam ko na hindi ako dapat maging masyadong ma-issue, na hindi ako dapat magbigay-kahulugan sa mga nakikita ng mata na hindi naririnig ng tenga, pero hindi naman ako manhid, siz. Hindi ako tanga para hindi maramdaman na may namamagitan sa kanila. Pot*ines talaga!
Ang sakit, pot*ines! Kung may mahal naman siyang iba, bakit pa siya nagpapakita ng motibo sa'kin? Kung may balak pala siyang makipagbalikan kay Dani, bakit sinabi niya pang hihintayin niya 'ko makatapos ng pag-aaral bago niya ako ligawan? Bakit pinapakita niya pa sa'kin 'yong sweetness niya? Bakit niya pa pinaparamdam sa'kin na mahalaga ako sa kanya? Bakit siya gano'n?
Sabagay, sino ba naman ako kumpara do'n sa Dani niya. Bukod sa sobrang ganda no'ng Dani, ano'ng laban ko sa nine years nila? Pot*ines, ang sakit!
“Oy, gerl! Tara na!”
Natauhan na lang ako nang marinig kong tinawag ako ni Janina. Kanina pa pala ako nakatulala habang nakaupo sa isa sa mga table dito sa kitchen. Lampas 3PM na kaya tapos na ang duty ko, hinihintay ko na lang si Janina.
Tumayo naman ako at naglakad na palabas ng backdoor. Paglabas ko ay agad na natawag ng pansin ko ang puno ilang metro lang ang layo sa'min. Unti-unti ko na namang naramdaman ang panlalabo ng paningin ko, senyales na babagsak na naman ang mainit na luha mula sa mga mata ko.
Dito ko siya unang nakita.
Dali-dali ko namang pinunasan ang luha ko. Tama na, Anne. 'Wag mo nang isipin ang walang kwentang lalaking 'yon. Tama na lahat ng luhang inalay mo sa kanya. Tama na.
“Naaalala mo na naman siya?” narinig kong tanong ni Janina. Nasa tabi ko na pala ito. Dahil sa sobrang sama ng loob ko kay Sir no'ng Friday, nai-kwento ko tuloy lahat kay Janina. Ang gaga ayaw maniwala sa'kin. Baka daw chinacharot ko lang siya. Nakumbinsi lang siya no'ng nakita niyang umiiyak na 'ko. Pot*ines!
Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sumunod naman ito sa'kin. Nakarating na kami sa harap ng resto nang bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa gaga.
YOU ARE READING
Love in Ermita
Fiksi Umum"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...
