Kabanata 25 (Abdul's POV)
Having her is the most wonderful thing that ever happened to me.
Siya ang buhay ko. Siya ang dahilan ng bawat paghinga ko. Siya ang isinisigaw ng bawat tibok ng puso ko. Siya ang ang nagpapalakas sa'kin sa tuwing nararamdaman kong mahinang mahina ako. Siya ang kaligayahan ko. Siya ang dahilan ng bawat panggiti at pagtawa ko. Siya ang inspirasyon ko. Siya ang kaisa-isahang babaeng nilalaman ng puso ko. Sa madaling salita, she's my everything.
Ang tatlong buwang kapiling siya ang pinakamasayang panahon ng buhay ko. Sa bawat araw na lumilipas, mas minamahal ko siya. Kung mahal na mahal ko na siya dati, mas mahal na mahal na mahal na mahal ko na siya ngayon. It seems like I can't live without her. Sobrang dependent ko na sa kaniya and I know, gano'n rin siya sa'kin.
Kahit na minsan lamang kami magkita, hindi ko nararamdaman na magkalayo kami. Hindi kami nagkukulang na iparamdam sa bawat isa ang pagmamahal namin.
Our relationship went smooth. Sobrang saya lang. Akala ko pang-habambuhay na ito. Akala ko magtutuloy-tuloy na. Marami na kaming binuong pangarap para sa isa't isa. Marami kaming plano. Kapwa namin tinatanaw ang kinabukasan nang magkasama.
Kaya gano'n na lang ang pagkagunaw ng mundo ko nang malaman kong magkapatid kami. Anak pala siya ni Mama kay Tito Ando. Ang sakit! Damn! Bakit sa dinami-dami ng pwede nilang maging anak, si Resi pa? Bakit ang babaeng mahal ko pa?
Bumalik sa gunita ko 'yong araw na ipapakilala dapat ako ni Resi sa magulang niya. Balak pa nga niyang gulatin sila sa biglaang pagpapakilala niya sa'kin pero it turns out na kami pa pala ang magugulat dahil sa nalaman namin. After that, bigla na lang nahimatay si Resi. Hindi ko na siya kinausap after no'n kasi hindi ko rin alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng nalaman namin.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko no'n pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Bakit? Ano ba'ng nagawa kong masama para maranasan ko lahat ng 'to? Wala na ba akong karapatang sumaya? Bakit lahat na lang ng nagpapasaya sa'kin, nawawala?
Hindi ko tuloy maiwasang kwestiyunin ang sarili ko. Masama ba talaga akong tao? Hindi ba talaga ako deserving sa kaligayahan at pagmamahal? Isinumpa ba 'ko para magdusa nang ganito?
Mahigit isang linggo na rin simula no'ng nangyari 'yon. Ilang araw na rin akong nag-iisip-isip. Ilang araw na akong kinakain ng sakit pero wala naman akong ibang magawa para maibsan 'yon.
Siguro nga, kailangan ko nang simulang tanggapin na hanggang dito na lang kami. Siguro nga, kailangan ko nang simulang kalimutan siya. Siguro nga, kailangan ko nang pag-aralan kung paano siya ituring na hanggang kapatid na lang dahil alam kong sa mata ng Diyos, mali 'tong nararamdaman namin. Hindi kami nakatadhana para sa isa't isa.
Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog kakaisip kung bakit naging ganito kagulo lahat. Nagmahal lang naman ako, e. Bakit parang ang laking kasalanan ng pagmamahal na nararamdaman ko?
Naramdaman ko namang tumutulo na naman ang mga luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Ayaw ko nang umiyak. Hindi ko na kaya. Hindi pwede lagi na lang akong ganito.
Naisipan kong bumangon na at magsulat na lang. Gusto ko sanang gawan ng story ang pag-iibigan namin ni Resi. Siguro sa pamamagitan nito, matatanggap ko na lahat at makakapagsimula na ako ng bagong buhay. Baka kasaling matutunan ko na rin kung paano siya kakalimutan sa pamamagitan nito.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...