EPILOGO

2 1 0
                                    

EPILOGO









“Tay, ikaw pa rin ang number 1 tatay ko kahit na hindi kita tunay na tatay.” pagkakausap ko pa sa puntod ni tatay. Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko dahil wala na akong masyadong maaninag.




Muli kong tinignan ang puntod ni tatay. Nalulungkot ako para sa kaniya kasi hindi man lang niya nalaman ang totoo bago siya nawala. Hindi man lang niya nakilala si Patrice na conyo na tunay niyang anak. Nalulungkot din ako kasi hindi ko pala siya tunay na tatay. Pero kahit na gano'n, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Lord kasi kahit papaano naranasan ko ang aruga ng isang ama sa pamamagitan ni tatay.




Tumambay muna ako sa tapat ng puntod ni tatay ng ilang minuto bago ko naisipang pumasok sa katabing bakanteng nitso at do'n na mahimbing. Charot! Nagpaalam na ako sa puntod ni tatay para umalis na dahil dumidilim na. Mahirap na. Nakakatakot pa naman mag-stay sa mga ganitong lugar kapag pagabi na. Naglakad-lakad muna ako hanggang sa kusa na lang akong dinala ng mga atribida kong paa sa lugar kung saan nagsimula ang lahat— sa Ermita.




Ang bilis ng panahon, mga sissy. Dalawang buwan na rin pala simula no'ng nangyari 'yong biggest revelation ng dep*tang kwentong 'to.




Sa loob ng dalawang buwan na 'yon, marami nang nangyari at nagbago. Mas naging close na kami ni Ma'am Tanya a.k.a. Mama. Lately, palagi kaming nagbo-bonding at nag-gi-girl's talk. Marami na ring nai-chika sa'kin 'tong si Ma'am Tanya a.k.a. Mama. Nai-chika niya sa'kin na namana ko daw ang looks ng tatay ko na Rodel pala ang name. Kulot din daw ito at para daw akong girl version niya. Na-share niya rin sa'kin na Graciella daw ang gusto niyang ipangalan sa'kin pero hindi naman natupad kaya 
La Graciella's Catering Services na lang ang pinangalan niya sa catering business niya bilang tribute daw sa'kin. Ang ganda ko talaga, hehe. Pero kahit na close na kami ni Ma'am Tanya, hindi pa rin ako masanay-sanay na tawagin siyang ‘mama’. Ewan ko ba.

Nagiging close na rin kami nina Gracie at Florence na mga kapatid ko sa kaniya. Chix rin ang mga teenagers na ito at may pagka-conyo rin parang si Patrice. Napansin ko lang, lahat ng anak ni Ma'am Tanya puro conyo. Feeling ko magiging conyo rin ako sa mga susunod na mga days and months na I'm with her. Charot!




Speaking of Patrice, ayon. Conyo pa rin. Char! Frenny na kami nitong si Patrice. Pareho kasi kaming na-shookt sa mga pangyayari. Ano akala nila sa'min? Test paper na pagpapalitin kapag checking na? Exchange papers, gano'n? P*tragis na 'yan! Pero kiber na. Medyo nakakapag-adjust na kami. Medyo nagiging close na rin sila ni nanay ngayon at unti-unti na ring nahahawa si nanay ng pagka-conyo niya. Char!




Si nanay naman conyo na. Char! Nakapag-heart to heart talk kami ni nanay. Sabi ni nanay sa'kin, mananatili pa rin daw akong number 1 pretty daughter niya kahit na hindi niya 'ko tunay na anak. Mahal na mahal niya daw ako. Nakaka-touch naman, char! Nai-chika niya rin sa'kin 'yong love story nila ni Ex-Daddy Willard na naging antagonist ng kwentong 'to. Akala ko pa naman walang magiging antagonist dito, langya! Pero in fairness, medyo nakakakilig 'yong love story nila, ah. Lalo na 'yong nagka-aminan sila at at nagka-chukchukan sa park. Lechugas! Ano kaya magiging reaksiyon ni Abdul pag nalaman niyang sa park siya ginawa? Hahahayst.




Nai-chika rin sa'kin ni nanay na okay na daw sila ni Ex-Daddy Willard. Medyo awkward lang daw dahil na nga sa nakaraan nila pero okay na daw. Ewan. Ang gulo, e. Char!




Si Abdul? Ayon, may sarili nang pamilya. Charot! Ewan ko. Alam na naman niya siguro 'yong totoo. Pero hindi naman na siya nagparamdam sa'kin. Totoo nga siguro 'yong sinabi niya sa'kin dati na hindi na niya ako mahal. Sinubukan ko rin itanong siya kay nanay kahit na nahihiya ako. Sabi ni nanay may nililigawan na daw siyang iba. Pinakilala na nga daw sa kanila, e. E 'di okay. Okay. K. Masakit, oo. Pero wala, e. Kung hindi na niya talaga ako mahal, wala na akong magagawa pa. Alangan namang ipagsiksikan ko ang sarili ko.




Love in ErmitaWhere stories live. Discover now