Kabanata 9
“You're unique.” nakangiting sabi nito. Shems!
'Yong puso ko!
“Your friends used to call you Anne. I'm not comfortable calling you Resianne 'cause it's too long. That's why I think Resi will fit you. Why? Aren't you comfortable? I can stop if you're not.” pagpapatuloy pa nito. Wao! Englishing speakining talaga siya, siz.
“Hindi po, Sir. Ayos lang po. Naninibago lang po ako kasi ngayon lang po may tumawag sa'kin nang ganyan.” nakangiting sagot ko sa kanya. Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti at umalis na.
Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula no'ng magsimula ang session namin. 2 weeks na lang at contest na. Marami na naman kaming naaral ni Sir kaya chilax na lang kami sa gedli ngayon. Sa sobrang dami nga naming pinag-aralan, natutunan ko na ring mahalin siya, e. P*tang ina talaga.
Nakakainis. Akala ko dati crush ko lang siya. Ang gwapo naman kasi talaga ng batang ire. Fresh at 32. Hindi ko naman namamalayan na unti-unti ko na pala siyang minamahal dahil sa paraan ng pagtrato niya sa'kin. P*tang ina ulit!
Hanggang ngayon iniisip ko kung magte-take ba ako ng risk. Char! Alam ko namang walang patutunguhan 'tong feelings ko kay Sir. Sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? Ako lang naman 'to, beh. Char!
Unti-unti ko na ring tinatanggap na sa kalungkutan lang mauuwi ang una kong pag-ibig. Masakit. Siyempre. First love, e, ta's palpak? Hindi minahal pabalik? Wala, gano'n talaga, e. Naalala ko na naman 'yong palaging binibilin sa'min ni nanay no'ng kasama pa namin siya. Wala daw masama na subukang lumaban. Pero matuto daw kaming tumanggap ng pagkatalo. No'ng una hindi ko 'yon maintindihan. Pero ngayon, naintindihan ko na. Dapat tanggapin ko na natalo ako sa pag-ibig na nararamdaman ko kay Sir, at kahit kailan, kahit ilang beses akong lumaban, hinding-hindi ako mananalo sa puso niya.
At sa loob rin ng kulang-kulang (parang ako, char!) dalawang buwan, nakilala ko pa siya nang maigi. 32 years old na pala talaga siya. Akala ko nangchacharot lang siya. Mukha naman kasi talagang bata, siz. Sobrang gwapo pa. Mukha lang siyang 18, gano'n. Actually, mas mukha pa nga akong matanda sa kanya, e. Buti nga hindi kami napapagkamalang mag-ate pag magkasama kami, e. Pwe!
Magpinsan pala sila ni Ma'am Glen. Yo'ng nanay kasi ni Ma'am Glen at tatay niya ay magkapatid. Ah! Nalaman ko rin na sa Cavite nakatira ang tatay niya kasama ang bago nitong asawa. Iniwan daw sila ng nanay niya no'ng 10 years old pa lang siya. Pareho pala kaming iniwan ng nanay. May isa raw siyang half brother na 19 years old na rin daw at college na pero sa Cavite raw nag-aaral. Inasar pa nga ako na irereto niya daw sa'kin, e. Dep*ngal 'yan! Muntik ko nang masabing, “Sir, ikaw type ko hindi ang baby bro mo.”, e. Buti na lang napigilan ko ang aking paking selp.
Nalaman ko na rin na single siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malilimutan 'yong araw na 'yon. Pakingsh*t!
Sabado ngayon at kasalukuyang session namin ngayon dito sa resto. Dito laging ginaganap ang session namin sa resto tuwing Saturday, e. Nakaupo ako sa isang table at nagsasagot ng quiz na ibinigay ni Sir sa'kin. Natapos ko naman ito agad dahil ang dali lang. Ang dali ko lang mahulog sa kanya. Char!
Ibinigay ko na sa kanya ang papel at tumingin sa labas. Umuulan pala ngayon. Tumingin din ako sa paligid at aksidenteng nagtama ang tingin namin ni Janina na nakatayo sa may pinto ng kitchen. Binigyan ako nito ng mapang-asar na ngiti. Alam niya kasi na kras ko si Sir. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at ibinalik ang tingin ko kay Sir na kasalukuyang nagchecheck ng aking paper. In fairness, a. Ang dami na rin niyang papel na naibigay sa'kin. Mula sa mga reviewers hanggang sa mga quizzes. Kailan niya kaya ako bibigyan ng papel sa buhay niya? Char!

YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...