KABANATA 7

2 1 0
                                    

Kabanata 7









“Joke lang, Resianne. Baka maniwala ka. Baka hindi ka pa pumayag na magpakasal sa'kin.” nakangiting sabi nito na mas lalong nagpagulat sa'kin. Putr*gis!





Napatulala lang ako sa kanya sa gulat. Dep*ngal! Anong kasal-kasal be yen, Sher?





Napangiti na lang ito at ibinaling ang tingin sa librong nasa tapat niya. Nagpatuloy na kami sa discussion chuchu.  Nablangko lalo ang isip ko. Wala na akong maintindihan sa mga tinuturo niya. Kung kanina hindi ako nakapagfocus dahil sa puyat at nakakadistract niyang kagwapuhan, mas lalong hindi ako makapagfocus ngayon dahil sa mga pinagsasabi niya. P*ta talaga!





Ano ba kasing kasal-kasal 'yan? Perengtenge nemen kese Sher!










Naglalakad na ako sa hallway papunta sa room namin dahil matapos na ang unang session namin ni Sir. Unang session. Unang session pa lang. Meron pa sa Thursday. At sa Saturday. At sa susunod na dalawang buwan. Lechugas! Ayaw ko na. Baka after nito, mahulog na talaga ako kay Sir. Alam ko namang hindi niya ako sasaluhin, e. Anong mangyayari sa'kin? Lechugas naman kasi! Dapat hindi na ako pumayag na sumali, e. Parang hindi ko kakayanin. Pwede pa kaya magback out?





Teka, bakit ko ba kasi iniisip 'yon? Nagbibiro lang naman 'yon si Sir, e. Tama, tama! Nagbibiro lang 'yon. Bakit naman niya ako yayayain magpakasal? Magjowa ba kami? Hindi naman, e. So, tama ka, selp. Nagbibiro lang 'yon.





Pere pwede neye nemen seryesehen ehhh. Enebe sher ebdel perengtenge.







“Hoy, gaga! Sa'n ka pupunta?”





Natauhan naman agad ako nang marinig ang boses ng blockmate kong si Claire. Napalingon naman ako sa paligid para hanapin siya. Doon ko napagtanto na lampas na ako sa room dahil nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng pintuan ng room namin na hindi na naman bago dahil araw-araw niya 'yon ginagawa. 1st year college pa lang blockmates na kami. May habit talaga siyang pagtambay sa labas ng pintuan ng classroom namin. In fairness, may future siya sa pagiging security guard, a? O baka dito siya nagpapakarat? Charot!





Nginitian ko na lang ito at diretsong pumasok sa room para hindi na niya usisain ang kalutangan ko. Gusto ko sanang ipakita sa kanya ang school ID ko bago pumasok kaya lang nagbago na isip ko. Baka mahalata niyang pasimple ko siyang jinajudge sa isip ko, e.





Pero, shems! Gano'n na ba talaga ako kalutang kakaisip kay Sir para malampasan ko ang sarili kong classroom? Perengtenge nemen kese 'te se Sher, e. Pa-fall amp!





Sorry, Sir. Hanggang crush lang ang kaya kong ibigay sa'yo, char!





Tuesday ngayon kaya wala kaming klase sa Economics III. Buti naman kasi baka mas lalo akong mabaliw-baliw pag nakita ko pa siya sa araw na ito.










Natapos na ang klase pero ang pagmamahal ko kay Nicodemus Abdul ay hinding-hindi matatapos. Charot! Lechugas. Hanggang uwian si Abdul pa rin ang laman ng kinakalawang at nabubulok kong utak. Utak lang ba talaga, selp? Lechugas!





Dumiretso agad ako sa resto para icheck ang business ko do'n at kamustahin ang aking mga empleyado. Pero charot lang, empleyado din pala ako.





Kakatapos ko lang magmop ng sahig sa kitchen kaya lumabas na ako para maglinis naman ng mga table sa labas. Kayod kung kayod, siz. Lalo na't kailangan kong i-divert ang attention ko. Ayaw ko munang isipin si Sir. Crush ko lang siya, okay? Hanggang do'n lang ang pwede kong ibigay kasi alam kong hindi kami pwede. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Buti nga at hindi ko na ulit siya nakita sa school kanina, e.





Love in ErmitaWhere stories live. Discover now