Kabanata 8
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yong naging usapan namin ni Sir. Kanina pa ako paikot-ikot sa upuang hinihigaan ko. Isipin mo na lang kung pa'no ko nagawa 'yon sa liit nito. Char!
Nakakainis naman kasi. Ba't ba gano'n magsalita si Sir? Hindi niya ba alam na malaki ang impact ng bawat salitang binibitawan niya sa isang marupok na kagaya ko? Alam niya bang kapag ipinagpatuloy niya pa 'yang ganyan ganyan niya pwedeng tuluyan nang mahulog ang isang b*bang kagaya ko sa kanya?
Napapikit na lang ako habang inaalala ang mga naging usapan namin ni Sir kanina.
“Resi.”
“Ay, daddy!” gulat na sabi 'ko nang bigla akong may marinig na boses sa gilid ko. Agad ko naman itong nilingon. Dep*ngal.
Si Sir Abdul!
Natawa naman ito sa naging reaction ko. T*ena! Lagi na lang akong nagugulat. 'Yong totoo, Author? Magugulatin lang ba talaga papel ko sa kwentong 'to?
“Sir, bakit po kayo nandito?” tense na tanong ko. Mas natense ako nang marealize ko na si Sir Abdul 'tong nasa tabi ko. Dep*ngal. Naalala ko na naman 'yong sinabi niya sa'kin kaninang umaga.
“Why? It's my cousin's place. Why I shouldn't be here?” nakangiting tugon nito. Teka, binabara niya ba 'ko. Napailing na lang ako at pilit tumawa. B*ba ko kasi magtanong, e.
“Sabi ko nga po, hehe.” sagot ko na lang kasabay ang pilit na tawa.
“I never thought na nag-e-entertain ka pala ng mas matanda sa'yo. I thought, you're just like other typical girls who looks after age.” muling sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso lang siya habang nakatingin sa mga platong nakatambak sa sink. Ano'ng ibig niyang sabihin?
“I never thought you have a boyfriend, Resi.” pagpapatuloy pa nito. Tumingin siya sa'kin at dahil nga nakatingin ako sa kanya, nagtama ang aming paningin.
“S-sir?! Wala po akong boyfriend. Joker ka po talaga!” ninenerbyos na sagot ko habang tumatawa para matabunan ang awkward na ambience na ginagawa niya. Ano ba kasing trip nito ni Sir? Bakit niya naman naisip na may boyfriend ako?
“Sino 'yong kausap mo kanina? You look sweet. Isn't he your boyfriend?” seryosong tugon nito. Hindi man lang pinansin ang biro ko. Chugas.
“Hindi po, Sir. Nagtataka nga po ako kasi hindi ko naman po siya kilala pero kilala niya 'ko.” sagot ko na lang sa kanya at ipinagpatuloy na ang paghuhugas.
“Ba't mo siya in-entertain kung hindi mo naman pala siya kilala?” seryosong tanong nito. Nagulat naman ako at napatingin ulit sa kanya. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin. Teka, galit ba siya?
“Nevermind. Just be careful next time. 'Wag kang basta-basta magtiwala lalo na sa mga hindi mo kakilala.” dugtong niya at tinalikuran na ako. Bago pa siya makalayo, tinawag ko na siya.
“Sir!” lumingon naman ito agad sa akin.
“Thank you po!” sabi ko dito. Nginitian naman ako nito at tuluyan nang umalis.
YOU ARE READING
Love in Ermita
General Fiction"Ano ba tayo ngayon? O sa susunod na mga taon?" Ang mga katanungang paulit-ulit na gumugulo sa utak ni Resianne C. Asenar na sobrang pretty simula no'ng dumating sa buhay niya ang paasang-maharot-na-sweet-at-caring-at-pa-fall-pero-sobrang-gwapo n...
